CHAPTER 18

2163 Words
Days flew fast, pagkatapos kasi noong gabi na nag-usap kami ni Nj, naging busy na kaming dalawa sa school, naging abala na kasi kaming ma complete yung mga dapat ipasa bago mag semestral break. Though, ganun pa rin set up namin, hatid sundo at kung hindi niya ako masundo sa bahay, dapat sabay kaming kumain ng lunch. "Bud, What's the plan?" ani Mark Nandito kami ngayon sa Zentea, last day na namin ngayon sa school kaya napag desisyunan namin tumambay dito sa Zentea. Nagyaya kasi si Carl kanina, pag-uusapan ata kung saan kami magbabakasyon. Nakapagpaalam na din naman ako kay Mama na sasama ako kila Nj pag nagbakasyon. Buti nalang pumayag si Mama. "Cebu tayo?" sabi ni Oliver na nakasandal sa upuan. "Hala ang layo naman! Jan lang tayo sa malapit para mas hindi nakapagod." reklamo ni Rose sa suggestion ni Oliver. "Kalanggaman nalang tayo." "Ew, ayaw ko doon, nakapunta na ako doon." sabat naman ni Marijess, buti nalang talaga nakakahalubilo na namin siya, pero minsan tupakin lang. Bagama't ganun ay okay na naman ang relasyon namin dalawa, mabait naman siya, minsan nga nag-aaya na sa'min ni Rose magshopping. Nagbo-bonding na kami minsan.  "Tara sa Korea na lang, so init here." dagdag pa niya habang may pagpaypay pa ito sa sarili na para bang naiinitan talaga siya kahit naka aircon naman kami dito sa loob. "Wag na dun at takot si Fp sa heights, kaya nga hindi kami makapuntang Manila, minsan lang at ayaw niyang sumakay ng eroplano. At naiisip niya din yung pinanood niyang palabas noon na Snake on the plane." dire-diretsong sabi nito. Natuon tuloy sa'kin ang atensyon ng lahat, sabay sabay lang naman silang napatingin sa'kin. Tangna talaga itong bunganga ni Rose Lyn, hayup talaga. Nanahimik ako dito, idadamay pa ako. "Is it true, Baby?" nagugulat na tanong ni Nj, kaya napatingin ako sa kaniya. "Takot ka sa airplane, dahil sa napanood mo?" hinawi pa nito ang buhok kong nagkalat sa mukha ko. Pag ginagawa kaya nun ni Nj, feeling ko nagiging dalagang Pilipina ako. HAHAHA! "Sabihin mo nga Fp para maniwala si Marijess," pinanlakihan ko ng mata si Rose nang magsalita ulit ito, nag peace sign naman ito.  Tumingin ulit ako sa mga kasamahan ko at saka muli ibinalik ang tingin kay Nj. "Yes, takot ako sa heights at the same time naiisip kong may ahas." nahihiyang sabi ko. Halos malunod na ata ako sa kakahiyan na nararamdaman ko dahil sa bunganga ni Rose. Narinig kong nagsitawanan sila. Kaya matalim kong tinignan sila kaya nagsiyukuan para siguro hindi ko makita na nagpipigil sila ng tawa. Sinulyapan ko si Nj, kagat-kagat ang labi habang inosenteng nakatingin sa'kin. Alam kong nagpipigil din siya ng tawa ayaw niya lang ipakita sa'kin at alam na magagalit ako. Akma na magsasalita ako nang biglang mangibabaw ang boses ni Kali. "Am I late?" nakangiting sabi niya sa'min habang uupo sana sa gitna namin ni Nj nang pigilan iyon ni Rose. "Ops, bakit jan ka uupo, andito ang tunay na girlfriend. Hindi tayo nagpapanggap ngayon kaya doon ka tumabi kay Josh." sabi nito habang tinuturo ang bakanting upuan sa tabi ni Josh. Tangna talaga tong babaeng ito, paano ko ba papatigilin ang bunganga niya. Walang filter. Mukha tuloy napahiya si Kali, kaya naman tinawag ko ito. "It's okay, Kali. Umupo kana." sambit ko habang umuusog para bigyan ng space si Kali sa gitna. Alam kong nagulat si Nj, at mga kasamahan namin sa ginawa ko. But who cares, wala naman masama yun at magkaibigan naman kaming lahat. Magkaibigan din sila ni Nj. Si Marijess nga dikit ng dikit pero hindi ko iyon linalagyan ng malisya.  "Thank you, Fp." nakangiti habang umupo na sa gitna namin. Mamaya pa ay bumaling ito kay Nj. "Buy me some milktea." tumingin muna sa'kin si Nj, kung papayag ako, nginitian ko ito at saka tinanguan kaya naman napansin kong kibit-balikat itong tumayo at nagtungo sa counter. Okay lang naman sa'kin naiintindihan ko ang mga ganun. "Alam mo, Kali. Papansin ka." maarteng sabi ni Rose na parang naiinis siya. "Rose." saway ko sa kaniya. Masyado ng sumusobra ang bibig. Wala naman ginagawa si Kali sa kaniya. "Whatever!" yun lang at saka bumaling nalang kay Carl. Ilang sandali pa dumating na si Nj. Inabot nito ang milktea kay Kali at this time umupo na siya sa bakakanteng upuan na katabi ni Josh. Nginitian ko siya. Kahit kailan talaga ipinaparamdam talaga ni Nj sa'kin na wala akong dapat ipag-alala at wala siyang gusto kay Kali. I hope si Kali ganun din, at sa napapansin kong nakasimangot ito nang makitang umupo si Nj sa tabi ni Josh. "Saan na tayo pupunta?" ani Carl, basag niya sa katahimikan namin. "Kung takot si Fp sa heights, hindi tayo makakapunta sa ibang lugar, kaya mas okay dito nalang tayo. How about sa Biri Island? Okay din doon." singit ni Josh habang nakapang dekwatrong upo. "Pwede rin don." sabi ni Nj, saka sumulyap sa'kin. "Okay lang ba doon tayo, Baby?" he asked me. Kaya naman tumango-tango ako.  "Oo kung saan majority doon nalang tayo." sagot ko. "Any suggestion?" tanong naman ni Mark sa'min and then he looked at Kali. "Ikaw Kali, baka may suggestion ka." he asked, buti nalang talaga kinausap siya ni Mark at mukhang na oop siya sa'min.  Simula kasi noong nangyari sa foundation day, naging ilap na kami sa isa't isa. Parang casual nalang ang tratuhan namin. "Hmm," nakahawak ito sa baba niya na tila bang nag-iisip. "How about doon sa resort nila Nj, sa Higatangan Island." sabay tingin niya kay Nj. "Dalhin natin sila doon sa pinasyalan nating Isla." Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Kali. Pero pansin kong nagpalit-palit ng tingin ang kasamahan sa aming tatlo. "Seriously?! Kali?" biglang umalingawngaw ang boses ni Marijess. Parang nairita sa sinabi niya.  "What? Tinatanong ni Mark kung may suggestion ako, so sumagot ako. What's wrong na naman ba? sabihin niyo nalang kung ayaw niyo akong makasama." naiiyak  na sabi nito. "Para ganun na nga!" mahinang sabi ni Rose, pero kahit gaano ito kahina rinig namin iyon at kami lang naman ang aandun. Ipinasara kasi ni Nj yung buong Zentea para kami lang talaga ang nandun. Parang ewan di'ba? Alam mo ang rason? Para daw walang ibang lalaking tumingin sa'kin. Tanga di'ba? Akma na tatayo si Kali ng pigilan ko iyon. "Stay here." napatingin sila sa'kin kaya naman bumuntong-hininga ako."Sige, doon nalang tayo sa sinasabi ni Kali, para mapuntahan natin ang pinuntahan nila ni Nj. Mukhang maganda naman doon." kunyareng nagagalak na sabi ko.  "Are you sure, Baby?"nagugulat na tanong ni Nj asked. Tumango ako kahit nakaramdam ako ng inis sa pagkakatanong niya. "Yes, sure na sure." nakangiting sabi ko. "Okay, then. Doon na lang tayo." aniya habang nakatingin sa'kin.  Nakatingin lang ako sa labas habang pinagmamaneho ako ni Nj pauwi ng bahay. Ewan ko bakit biglang natahimik na ako, simula noong nasa Zentea kami. Hindi ko alam bakit naiinis ako sa sinabi ni Kali kanina, hindi ko alam kung nanadya ba siyang pagselosin ako, or sadyang suggestion lang niya iyon. "Where here, Baby." pukaw ni Nj sa'kin.  Kaya nagpakurap-kurap ako at nanlaki nag ang mata ko nang mapagtanto na nasa harapan na pala talaga kami ng bahay namin. Kaya naman sumulyap ako sa kaniya. "Alis na ako, Salamat, drive safely." pagkasabi ko niyon hindi ko nang hinintay na magsalita siya agad na akong bumaba ng kotse niya at dire-diretsong pumasok ng bahay. Pinigilan pa nga ako ni Nj, mag-usap daw kami pero umayaw ako. Nawalan ako ng gana ngayon mangulit at makipag-usap sa kaniya, matapos ang pinagsasabi ng Kali na iyon. Oo sinabi kong naiintindihan ko, pero ewan ko sa puso ko bakit nakakaramdam ng kirot. Sa t'wing nagiging clingy si Kali kay Nj. Naiinis ang puso ko, pero ilang ulit naman sinasabi ng isip ko na normal lang iyon. Napabuntong-hininga ako na ibinagsak ang katawan sa kama, katatapos ko lang mag half bath at magpalit ng pantulog. Hindi rin naman ako nag sskin care at okay naman ang face ko. Pagkahiga ko pinatay ko ang lampshade ko at nakatihayang nakatingin sa mga bituin na nakalagay sa kisame ko. Sa pamamagitan kasi nito, nare-relax ang isip ko. Ilang sandali pa tumunog ang cell phone ko kaya kinapa ko ito sa gilid ko at binuksan kong sino ang nagchat. Si Nj. Pinalitan ko na pala ang names namin sa messenger. Baby Bunch "Urghh!" naiinis na ako sa nararamdaman ko kaya nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa hindi ko namalayan na nahulog na ako. "Aray!' inda ko habang hawak ang pang-upo ko. Akma na tatayo ako ng bigla may humawak sa'kin. Gusto ko sanang sumigaw ng bigla nitong tabunan ang bibig ko. At saka hinarap sa kaniya. Nagugulat akong tinigna siya. Naka white t-shirt lang ito at naka cotton shorts. Ano ang ginagawa niya dito? Paano siya nakapasok? Siguradong hindi ito sa pinto dumaan. Kaya tinignan ko ang sliding door sa may terrace ko,  bukas yun, so doon siya dumaan. Paano siya naka-akyat dito? Tumingin ako sa kaniya. May lahi ba itong spiderman. Nang bitawan niya ang bibig ko ay niyakap niya ako bigla. "Wag kana magalit." mahinang sabi nito sa'kin. Kumalas ako sa pagkakayakap. "What are you doing here? Paano kung nahulog ka, Nj!" mahina kong pagalit sa kaniya baka kasi marinig na Mama. "I want to see you, hug you and talk to you, My Baby." may pagsusumamo sa mukha nito habang sinasabi ang mga iyon. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. Hindi tuloy ako makapagsalita. Minsan, nakakagulat ang mga salitain niya. Yan din ang isang kahinaan ko, nakakainis. Marupok ata ako? Sa tingin niyo ba? Tangna pag sinagot niyo marupok ako, edi marupok. Bahala kayo, basta ako may boyfriend! Ikaw wala! HAHAHA "Ano naman pag-uusapan natin?" nagtatampo kunyare ang peg ko. "Baby"  "Anong Baby?!" hindi makapaniwalang sabi ko, nakakagulat naman kasi. "Hindi pa ako ready magka-anak, hindi pa nga tayo tapos mag-aral pagkakaroon na agad ng Baby ang pag-uusapan natin." dagdag ko pa, para maisip niyang mali ang iniisip niya. "Jusko, hindi pa ako papayag sa gusto mo, Nj. Ano nalang sasabihin ng mga magulang natin kung mag-aanak tayo kahit hindi pa tayo kasal. Hindi maari yu-" I stopped talking when he cupped my face with his hands and leaned his lips to kiss me. Nagpakurap-kurap ako nang ilang beses habang nakahalik pa rin siya sa'kin. He tilts his head slightly to the side for better access on my mouth. Hindi man ako nakainom pero parang nalasing ako bigla sa halik niya, ramdam ko na namumungay ang aking mata. He slid his arm around my waist, pulling me closer. I could hear him kissing me. He sucked a bit on my lower lip before pushing his tongue to open my mouth. Gusto ko siyang labanan, sinusubukan kong halikan siya pero he won't let me.  Boysit! Damot! Maya maya pa ay binitawan na niya ako nang mapansin siguro na kinakapos na ako ng hininga, pero nanatili pa rin ang isang kamay niya sa pisngi ko. Sa ginawa niya, I was caught off guard, kaya ito na naman ang puso ko ang lakas na naman ng kalabog. Hayup na yan. Parang nagsisitalon lahat ng arteries doon.  "Baby, lahat ng sinabi mo kanina, gusto ko yun." malambing na sabi niya sa'kin, akma na magsasalita ako ng dinampian niya na naman ako ng halik. "But, of course after we graduate and find a stable job." "Sure ka na ako talaga hanggang dulo?" hindi ko maiwasan ang masabi iyon. Tumango siya, "Yes, ikaw lang hanggang sa dulo, Baby." Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa pisngi ako. "How about Kali? Paano siya, mukhang may gusto na siya sa'yo." napapikit ako sa sinabi ko, hindi ko talaga macontrol ang sinisigaw ng puso ko. Hinawakan niya ng parehas ang kamay ko at pinagkatitigan niya ako. "Wala si Kali, just trust me, Baby, ikaw lang talaga, Just trust me, malapit na talaga." may pagmamakaawa ito sa tinig niya. "May tiwala naman ako sa'yo, Nj, pero natatakot lang ako sa posibilidad na magustuhan mo siya. Mas madami pa nga atang araw na magkasama kayo kaysa sa'tin. Hindi ako nagre-reklamo dahil may tiwala ako sa'yo at naiintindihan ko ang sitwasyon niyo, pero hindi ko maiwasang mag-alala na baka magkagusto ko na kay Kali, hindi natin alam ang panahon." dire-diretso kong sabi sa kaniya. At para nakahinga din ako ng matiwasay ng masabi ko iyon, matagal ko na kasi iyon kinikimkim. "Baby, Look at me" utos niya sa'kin nang nag-iwas ako ng tingin. "My plan is after I graduate i will told lolo na ayaw ko sa gusto nila." bumuntong-hininga ito saka nagpatuloy. "I told him, na may gusto ako at mahal na iba at ikaw 'yun, Baby." "Paano kung itakwil ka niya?" "Who cares, Tapos na akong mag-aral, I have my parents I know they'll support me, and  beside wala akong pakialam sa yaman na'yan, ang importante sa'kin ay ikaw. If I lose you, I lose myself too. At hindi ko kaya iyon, you're my star remember."  Tumango ako. "Yes, and I'm you're sky, Baby." sabi ko sa kaniya, siguro naging paranoid na ata ako kaya nag-iisip ako ng mga ganun, kaya naman mas magiging understandable pa ako lalo. Ayaw kong nakikitang nahihirapan si Nj lalo dahil sa'kin.  "Just trust me, Baby huh. We'll get through this together" I smiled and ruffled his hair. "Yes, I trust you because I love you." yun naman siguro ano? Na ang tiwala ay mahalaga sa isang relasyon, dahil kung wala ito, walang pagmamahalan ang mabubuo. At dahil mahal ko si Nj, magtitiwala ako sa kaniya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD