CHAPTER 1

1718 Words
I woke up early today, even though it is against my will kasi pupunta kami ng aking matalik na kaibigan sa University na napili namin para mag-aral ng College. Susubukan namin mag take ng entrance exam for Education. Sana palarin, high standard kasi ang University na napili namin, mahirap ang entrance exam, kaya sana palarin kami ngayong araw. Humarap ako sa salamin para tignan ang sarili ko kung okay na ba. I'm wearing an over-sized shirt na pinarisan ko ng denim pants and sneakers. Hinayaan ko ng nakalugay ang aking mahaba na buhok. Pagkatapos kinuha ko ang Gucci sling bag ko at saka dali-daling lumabas ng kwarto. Pagkarating ko ng kusina ay agad akong binati ni Mama na abala sa pagluluto ng almusal. "Good Morning, Anak. Mag almusal ka na jan. Baka malate kapa." aniya habang naglalakad papalapit sa mesa bitbit ang pancakes na niluto. "Good Morning Ma."  Nakangiting bati ko din kay mama at saka umupo na sa mesa para mag-almusal. Nag sandok ako ng fried rice at tumusok ako ng hotdog at kumuha din ako ng spam at itlog linagyan ko iyon ng madaming ketchup. Masarap kasi pag ganun ang ulam mo tapos madami ang ketchup. Nang maubos ko iyon ay kumuha ako ng pancakes, which is my favorite, linagyan ko iyon ng honey at butter. Ilang sandali pa ay natapos na din akong mag almusal, tinignan ko ang wrist watch ko kung anong oras na. Alas syete na kaya naman ay tumayo na ako at saka nagpaalam kay Mama. "Ma, I have to go. Baka ma trapik ako." nagmamadaling sambit ko dito. "Gusto mo hatid kita." Umiling ako. "It's okay Ma, alam kong madami kang gagawin." sabi ko, ayaw ko na kasi maabala si mama, masyadong madami siyang ginagawa sa pag-aasikaso ng barbeque business namin. "Sure ka? pwede ko naman ibilin muna kay Melda." Nginitian ko ito saka hinawakan ang kamay. "Okay lang ako, Ma. Don't worry." "Osya sige. Mag-iingat ka anak ha. Umuwi agad after school." bilin sakin ni mama. "Yes, Mother. Uwi agad ako kasama ko naman si Rose" sabay kiss ko sa kanya sa pisngi. "Alis na po ako."  Pagkasabi ko niyon ay nagmamadali akong lumabas ng gate. Habang naglalakad palabas ng subdivision namin. Kinuha ko ang cell phone ko para itext si Rose. To: Bff Rose  Bi hain kana?" (asan kana?) pasakay na ako ng multicab. Reply asap. Nang maisend iyon, sakto naman dumating ang multicab kaya dali-dali ko iyon pinara. At habang nasa byahe tumunog ang cell phone ko. Bff Rose  : Harani na (malapit na). Hain kana banda? (san kana banda) Pagkabasa ko sa reply ni Rose ay agad ko itong reniplyan. Fp:  Baba na. Wait nalang kita sa gate. Basta kung sino mauna satin. Mayamaya pa malapit na ang multicab sa babaan papuntang LNU kaya naman pinara ko na ito. "Para po dito nalang po." kasabay nun ay inabot ko aking bayad atsaka dali-daling bumaba ng multicab. Sakto naman pagkababa ko, may pumarang jeep sa harapan ko. At bumaba ang nakasimangot na mukha ni Rose. "Hoy! Bi" tawag ko sa kanya dahilan para mapalingon ito sa direksyon ko. "Ano nanaman nangyayari sayo?" tanong ko nang nakalapit na ito sa'kin. "Pota kasi bastos yung lalaki panay tingin sakin." inis na inis na sabi nito sa'kin. "Hayaan mo na." sabi ko dito. Wala na naman kasi kaming magagawa at nakalayo na ang jeep na sinasakyan nito. "Di'ba sabi ko sa'yo mag kotse ka pag gusto mong magsuot ng ganyan." dagdag na sabi ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. She wad wearing a black sleeveless dress na above the knee, na makikita mo talaga ang hubog ng katawan nito, and she's wearing a white sneakers na bumagay sa suot niya. Pinanliitan ako nito ng mata at saka pinagkrus ang mga braso. "Duh! kahit ano pa ang damit mo kung manyakis talaga!" giit nito sa'kin. Though may point naman siya kahit ano pa ang isuot mo kung bastos talaga ang lalaki wala ka talaga magagawa, alangan ikaw pa ang mag-adjust, swerte naman nila. We can wear what we want. Pero sa halip na sagutin pa ito,hinayaan ko na. Kailangan namin mag-concentrate para sa exam. Isang oras ang binigay na oras para matapos ang entrance exam namin, pero natapos namin ng 45 mins. Though yung ibang questions mahirap pero kaya naman at naireview naman namin iyon. "Hoy Fp. Ano ginagawa mo jan?" tinig iyon ni Rose mula sa likuran ko pero hindi ko iyon pinansin may tinitignan kasi ako. Napaka familiar niya sa'kin, pero agad naman nawala. Nasaan kaya iyon. Ilang sandal pa ay napaigtad ako ng hinawakan ni Rose ang bewang ko. "Let's go" anyaya nito. "Sino ba tinitignan mo jan?" sabay sulyap sa may corridor nang mapagtantong walang tao bumaling ito sa'kin. "Kumain na muna tayo habang nag-aantay ng results." Nagpakurap kurap ako. "Sige. Tara sa canteen." Nagsimula na kaming maglakad papuntang canteen. Tahimik lang ako, iniisip ko kasi kung saan ko nakita yung lalaki kanina. "Hoy!" pukaw sa'kin ni Rose dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Hanep talaga itong kausap, parang multo." Napakunot-noo ako. "Ano ba kasi ang sinasabi mo?" She rolled her eyes. "Sabi ko, bali-balita ditto na masarap daw yung pancit canton na tinda dito at may iced tea daw kasama." Pag-uulit niya sa sinabi kanina. Napatawa ako bigla sa sinabi ni Rose. Ano naman kaya pinagkaiba ng lasa nun sa iba. "Baliw ka lucky me din naman yun. Anong pinagkaiba nun?" "Duh!" she rolled her eyes again, at ganun na siya simula ng highschool kami. Favorite expression din nito ang Duh. Nang makarating na kami  ng canteen. Inilibot ko muna ng tingin ang kabuuan ng nito. All white siya. Ofc ourse madaming tables and chairs at saka madaming nakatambay na students. Malamang. At madaming iba't-ibang food stall. Agad kaming lumapit ng makakita ng table na bakante.  "Sikat daw kainin yun dito. Malay mo namang ibang lasa no." sabi ni Rose nang makaupo. Napangiwi ako sa sinabi niya. "Seriously? Sige subukan natin kung iba nga." Tumango si Rose. "Sige, ako na ang oorder, anong flavor sa'yo?" presenta niya. "Extra hot akin. Bumili ka din ng bread kung meron." "Noted."  Sabi nito saka tinalikuran na ako. Napangiti ako ng maisip na libre iyon. Rule kasi namin kung sino ang mag-aayang kumain ay siya ang magbabayad. And most of the time, si Rose ang nag-aaya. Gutumin kasi ang kaibigan ko, hindi naman nataba. Ilang minutong nakalipas dumating na si Rose dala-dala ang inorder namin, at nang mailapag na iyon sa ibabaw ng mesa at kaniya-kaniya na kaming kain. "Goodness, I'm full Fp. Sabi ko naman sa'yo masarap ang pancit canton dito." Sabi nito habang hawak-hawak ang tiyan. "Para ka nan gang buntis. Naka-dress ka pa naman." may pang-aasar na tinig ko. "Whatever!" maateng sabi nito saka umayos ng upo. "By the way, what time ang results?" "1 pm daw." Sagot ko sa kaniya, habang inaayos ang pera sa wallet ko. "Ay tara na. Para makagala pa tayo." Tumango ako saka inilagay na ang wallet ko sa bag at saka tumayo. "Tara na." Akma na tatayo si Rose ng nasagi niya yung braso nung lalaking nakatalikod sa kaniya at may hawak-hawak na pitsel dahilan para maibuhos sa kaniya ang laman niyon. Nalaglag ang panga ko nang makitang basing-basa si Rose, agad naman akong bumaling sa lalaking may hawak ng pitsel. Nagtama ang aming mata, siya yung kanina sa baba ng corridor. Napaka-pamilyar niya talaga. Nakita ko na siya somewhere, di ko lang matandaan kung saan. Napalingon lang ulit ako sa gawi ni Rose ng magpapadyak ito sa inis. "What did you do?!" mangiyak-ngiyak na sabi nito. Napangiwi pa ako nga ako at napakatinis ang boses nito, dahilan para pagtinginan kami ng mga estudyante doon. "Ano di ka mag so-sorry?!" dagdag pa nito sa lalaki may hawak ng pitsel kanina. Nagtama ulit ang aming mga mata, pero agad itong bumaling kay Rose. "And why would I do that?" "Seriously?! Sure, ka jan sa sinasabi mo?" Rose said, sarcastically. Ngumisi ang lalaki at bago pa ito sagutin si Rose ay tinignan niya muna ako. "Hindi ko naman kasalanan yun? Bakit ako magso-sorry?" Aba! Ang yabang naman nitong lalaki nito, oo hindi niya kasalanan at si Rose naman ang nakasagi, pero sa pananalita nito sa kaibigan niya ay napakayabang. Pero sa halip na makisawsaw pa ako sa kanila ni Rose, kinuha ko nalang ang face towel ko sa bag at saka nilapitan si Rose at pinusan iyon, kaawa naman ang friend ko malagkit. "It's okay Rose." Sabi ko sa kaniya. "Umuwi na tayo." Sumulyap ito sa'kin. Gusto kong matawa sa itsura niya, pero pinigilan ko. "How about the result?" Napabuntong-hininga ako para pigilan ang tawa ko. "May bukas naman." Tumango-tango ito. "Okay sige. Bukas na lang." pagsang-ayon nito sakin. Alam ko naman din na napapahiya na ito kaya sumang-ayon na din. Mataray at palaban man itong kaibigan ko, pero may kahinaan din at ito iyon. Akma na aalis na kami nang magsalita yung lalaking may hawak ng pitsel. "Bayad" Natigilan kami ni Rose at sabay napa-angat sa lalaki. Hihingi talaga siya ng bayad para sa iced tea? Totoo? pakikipag-usap ko sa sarili. Ilang sandali pa ay humarap si Rose sa lalaki. "Bayad?! For what?! Ako na nga ang nabasa magbabayad pa ako." hindi makapaniwalang sabi nito. Napaka-unbelievable naman sadya at mukhang mayaman naman kasi ito. "Tss." He smirked and said. "Ikaw ang nakatabig nun. So, it's your fault. Ikaw ang tanga, kaya bayad. Akin na" sabay lahad ng palad niya. Lintik itong pulubi na ito. Hindi pa nakontento nananga pa. Kaya naman nagpagitna ako sa kanila at sabay kuha ko sa wallet ko para kumuha ng pera. Kahit man nanghihinayang buong two hundred lang ang barya ko sa wallet no choice ako, gusto ko na kasing maka-alis sa lugar na ito. Nag-angat ako ng tingin dito. "Oh bayad. Nakakahiya naman sayo, baka wala kang pambili, namamahiya ka na e. Keep the change." pagkasabi ko niyon ay hinawakan ko ang kamay ni Rose at saka aastang tatalikuran na ulit sila nang magsilita na naman ang ugok na iyon. "SERIOUSLY?! Tss" mayabang na sabi nito sa'kin. Tamad ko itong sinulyapan. "Kulang pa ba yan? Magkano pa ba ang kailangan mo?" akma na kukuhanin ang wallet ko ng may pumagitna sa'min. "Hep hep" nakataas ang dalawang kamay nito sa ere na para bang inaawat kami. At ilang sandal pa ay bumaling ito sa kaibigan niya. "Bud, hayaan mo na. Iced tea lang yun." "Exactly." Biglang singit ko sa sinabi nito. "Iced tea lang yun." Ngumisi ito sa'kin. "Tss." Saka nagpailing-iling. "At sa inyo naman mga binibini" baling sa'min ng kaibigan nito, pero hindi ko iyon tinignan. "Pasensya na sa kaibigan ko." Mayamaya pa may babaeng lumapit sa lalaki. "Yaan mo na yan, just wasting our time." Anito, sabay maarteng tinignan kami ni Rose. Tamad ko lang itong tinignan. Hindi ako interesado sa arte niya. Pero pasalamat nalang din ako at dahil sa maarteng babaeta na ito nawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Kaya bumaling na ako kay Rose.  "Let's go."  Tahimik lang na sumunod sa'kin si Rose. Palabas na kami ng canteen ng magsalita na naman yung lalaki, dahilan para mapahinto ako at lingunin siya. Parang bakla nakakainis. bulong ko sa'kin sarili. "We're not yet done." anito I smiled at him, sweetly. "Okeey."  Simpleng tugon ko saka dire-diretso nang lumabas ng canteen. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD