Kinabukasan nagising nalang ako sa masarap na tulog dahil sa pagkayugyog ni Rose sa'kin.
"Fp, Pagmata na." gising na...
"Maaga pa naman." inaantok na sabi ko saka inabot ang comforter sa paahan ko. Antok na antok pa talaga ako. Hindi kasi ako morning person at anong oras na din ako natulog kagabi kakaisip sa nangyari kahapon.
"Gising na nga..." sabay hablot ng comforter sa'kin.
Nakasimangot akong tinignan si Rose na nakapamewang sa'kin. "Distorbo ka talaga."
"9 na bruha ka... Tulog mantika ka talaga. Alam mong titingin tayo ng results tapos magpapasukat ng uniform." May pagsesermon sa tinig nito. Minsan mas mabunganga pa ito kay Mama. "Yan ba ang maaga!" singhal nito sa'kin.
Naiinis akong bumangon at sabay hablot sa towel ko. "Ito na po, Mommy." sabay taas ng kamay na para bang sumusuko. "Maliligo na." Akma na papasok na ako sa banyo ng nilingon ko si Rose. "Nag breakfast kana?"
Tumango ito saka tumayo at lumapit sa'kin. "Oo... Maligo kana. Bilisan mo." Sabay tulak sa'kin paloob ng banyo. Napabuntong-hininga na lamang ako saka dali-daling naligo at nagbihis ng pang-alis.
"Ayts. Sana walang bad vibes ngayon."
Kibit-balikat na sabi ni Rose habang naglalakad kami papuntang OSA building, doon kasi ipo-post ang result. Pagkatapos kasi namin kumain ng almusal agad na din kaming nagpaalam kay Mama.
Sinulyapan ko ito. "Wala na yan. Tiwala langs."
Nakangiting sabi ko dito, sakto naman ay nakarating na kami dito sa OSA building, madaming nakapaskil na results sa board kaya naman nagkanya-kanya na kami ng hanap sa pangalan namin. Ilang sandali pa, napaigtad ako sa gulat at awtomatikong napatingin sa direksyon ni Rose ng sumigaw ito.
"Omg! Omg! Omg!" gulat na gulat na sabi nito.
Kaya naman nagtataka akong linapitan siya, humarap ito sa'kin. "We did it Fp! We did it! Teacher na tayo." masayang sabi niya sa akin.
Napangiwi ako sa sinabi nito. Teacher agad? Pwedeng pasa lang.
"Patingin nga" sabi ko kaya naman itinuro nito kung saan nakalagay pangalan namin.
"Ito oh...Basahin mo!" tuwang-tuwa na sambit nito kaya naman agad ko na itong tinignan.
05. Flandez, Francis Pauline A. - 95%
Pagkabasa ko ng akin ay binasa ko din yung kay Rose.
07. Garcia, Merry Rose lyn C. - 93%
Napaawang ang labi ko. Oo nga pasa kami, di lang pasa nag top pa. Kaya naman humarap ako kay Rose at niyakap ito. "We did it!" saka nagtatalon-talon kami sa tuwa.
We did it!
We did it!
We did it!
Yeah!
Kinakanta-kanta pa namin ang kanta ni dora habang nagtatalon-talon pa rin. Siguro mababaw lang ang kasiyahan namin ni Rose but it is the little things in life that matters to us.
Hooray!
Woo!
We did it!
Natigilan lang kami ni Rose at saka kumalas kami sa pagkakayakap ng may narinig kaming tumikhim sa likuran namin, dahilan para mapalingon kami dito.
"Freshees huh?" nakangising sabi nito habang nakapamulsa.
Humarap ako sa kanya at saka pinagkatitigan siya. Bagama't nakaka-ilang ito titigan dahil sa berdeng kulay ng mga mata nito, sinikap ko pa rin na tignan iyon.
"Sobrang saya namin ngayon para magpa-apekto sayo."
Napansin ko din na nasa likuran nito ang mga kaibigan niya kasama yung maarteng babae kahapon. I admit, maganda ang babae at mukhang mayaman at saka mga gwapo din ang mga kaibigan nitong lalaki kaso epal nga ito.
Sa halip na pansinan pa ang lalaking iyon ay bumaling nalang ako kay Rose. "Let's go Rose. Alis na tayo."
Kasabay nun ay hinatak ko na papalabas si Rose. Buti nalang di nagmatigas at pag nagkataon mainit ang ulo nito, gulo na naman ang abot namin. Medjo warfreak din kasi ito pag tinupak or feel niyang makipag away.
"Yawa devil, pisteee, hayup. Di pa nga nag uumpisa ang pasukan, may kaaway na agad tayo."
Inis na inis na sambit nito habang nasa tricycle kami papuntang downtown. Napag-desisyunan kasi namin na magpatahi kami ng uniform kaysa bumili sa school. Nang matapos kaming magpasukat niyaya ko si Rose sa Zentea dumaan muna kami sa Alexis para umorder ng pizza.
Nang makarating kami ay agad naman lumapit si Rose sa counter para umorder samantala ako umupo na sa bakanteng upuan at inilabas ang sketchpad ko. I love designing gown's and dresses.
"Nag sketch ka na naman jan. Dapat hindi Education kinuha mo." Sabi ni Rose ng makalapit sa table.
Nag-angat ako ng tingin dito. "Alam mo naman rason di'ba?" giit ko sa kaniya saka sumipsip ng milk tea na inorder namin."
"Bakit naman kasi hindi mo tanggapin ang inaalok ni Daddy mo."
Natigilan ako sa sinabi ni Rose. Actually, lumaki akong walang tatay, but kilala ko si Daddy, hindi ko alam kung ano ang rason bakit naghiwalay sila ni Mama. Hindi kasi ako nagtatanong at saka alam kong ayaw ni Mama pag-usapan si Daddy kaya hindi rin ako nag kwe-kwento sa kaniya about sa pinag-uusapan namin ni Daddy, lalo na sa inaalok nito sa'kin na mag aral ng Fashion designing sa Switzerland kasi alam kong hindi papayag si Mama. Kaya education nalang ang kinuha ko.
Bumuga ako ng marahas na hininga bago magsalita. "Ayaw kong malayo kay Mama at sa'yo."
Napansin ko lumambot ang mukha ni Rose sa sinabi ko kaya napangiti akong pinagmamasdan siya. Hindi ko din kaya malayo sa best friend ko.
"Ang sweet naman ni Mantika." Natatawang sabi nito at sabay dampot ng pizza at binigay sa'kin. "Kain ka, Mantika."
"Stop calling me that!" nakasimangot na sabi ko sa kaniya saka kumagat sa pizza. Pinanliitan ko siya ng mata habang ngumunguya. Ayaw ko kasing tinatawag ng mantika.
Tumawa lang si Rose saka nagsimula na din kumain. Mayamaya pa ay nagsalita ito. "By the way... yung mga lalaki pala kanina third year Thrm students."
Tumango-tango ako. "Ahh, kaya pala."
"Oo kaya pala mga gwapo ano." Dugtong nito sa sinabi ko, kaya napangiwi ako at hindi naman yun ang sasabihin ko.
"Buang! Kaya pala mayayabang." May diin na sabi ko. "Lalo na yung ugok na epal na iyon, kala mo kung sino, wag niya ako maano-ano purket gwapo siya, ugok siya." Dire-diretsong sabi ko, napansin kong nahimik si Rose at para bang nakakita ng multo sa likod ko.
"Anyare sa'yo?" nagtatakang tanong ko dito. "Ho—" naputol na ang sasabihin ko ng may pamilyar na boses sa likod ko.
"Sino ang Ugok?" malamig ang tinig nito, kaya naman napalingon ako dito. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa'kin.
Paksyet naman!
Gusto kong isigaw kung wala lang tao dito. Napatayo ako saka tinignan siya. Narinig niya ba ang sinabi ko? Paksyet naman ng bunganga na ito.
"Sino ulit ang ugok at epal?" nakapamulsang sabi nito sa'kin.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko at saka nahihiyang yumuko. Sa mga oras na ito gusto ko ng magpalamon sa dinosaur. Napaatras ako ng hinila niya ang kamay ko papalapit sa kaniya.
Hindi ako maka-angat ng tingin at kung sakaling mag-angat ako baka maghalikan kami. "Sino ang ugok?" hindi ko man makita ang mukha nito, alam kong mala demonyo itong nakangisi. Akala naman niya ay bagay sa kaniya. At saka bakit ko naman sasagutin ang tanong niya close ba kami at saka bakit niya ako hinila papalapit sa kaniya. Ang kapal niya.
Nakaramdam ako ng galit sa ginawa ng lalaki na ito kaya naman sa halip sa sagutin siya itinaas ko ang tuhod ko para tamaan ang kanyang alaga. Nang mabitawan niya ako dahil siguro sa sakit ng pagkakatuhod ko sa kanyang alaga nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Yan buti nga sa'yo. Pervert!" sabi ko dito habang namimilipit pa rin ito sa sakit.
Sinulyapan ko ang mga kasama niya, bakas sa mga mukha nila ang gulat sa ginawa ko, pero hindi ko na pinansin iyon, kailangan na namin maka-alis dito as soon as possible kaya bumaling ako kay Rose at sinenyasan na aalis na kami. Tumango naman agad ito.
Akma na tatalikuran na namin sila, tinignan ko siya nakangiwi pa rin ang mukha nito sa sakit.
Ngumiti ako saka binilatan ko siya. "Blee!" pagkatapos ko niyon ay nagmamadaling lumabas ng Zentea at sumakay ng tricycle.
Habang nasa tricycle, tumawa ako ng tumawa. Naiisip ko kasi ang mukha ng ugok na yun.
"Tanga ka, babalikan ka nun. Baliw ka talaga." Biglang sambit ni Rose na nagpatigil sa'kin sa kakatawa. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nito.
Sinulyapan ko ito. "Nananakot ka ba?"
Umiling ito. "Hindi syempre, pero baliw ka masakit yung ginawa mo, possibleng balikan ka nun." Hindi ko mawari kung nananakot bai to o ano, pero sa pagkakasabi niya parang natakot ako. Simula iyon hindi na ako nag salita.
Tahimik lang kami ni Rose sa byahe pauwi, hindi ko alam bakit bigla nanahimik itong bruha eh kanina naman may katext ito. Hanggang sa makababa ito at naka'uwi na ako sa bahay.
Nakatingin ako sa kisame ng kwarto habang iniisip ang nangyari kanina. Napatagilid ako ng higa at ginawang unan ang braso ko. Hindi talaga ako mapakali sa sinabi ni Rose kanina. Napabuntong-hininga ako saka tumihaya na naman ng higa.
"Posible bang gaganti yung ugok na yon?" wala sa sariling tanong ko.
Nang walang makuhang sagot sa tanong ko, inabot ko nag cell phone sa side table. Itetext ko nalang si Rose.
To: Bff Rose "Bakit gising ka pa?" si Mommy.
Kaya agad niyang isinara ang sketchpad at linapitan ito. "Patulog na po, may tinapos lang po ako." malambing na sabi ko dito.
"Osya, matulog kana. Good Night." Sabay halik sa aking noo.
Napangiti ako, saka hinalikan din si Mama sa pisngi. "Good Night Ma, pahinga na ikaw." Sabi ko.
Tumango si Mama. "Humiga ka na at isasarado ko na ang pinto." Kaya pagkasabi niya niyon ay agad naman akong humiga at saka pinatay ang ilaw.
Ilang sandali pa akong nakatingin sa kisame kung saan madaming glow in the dark na star. Niligyan ko iyon para kahit nasa loob lang ako ng kwarto ay feeling ko nasal abas ako nag star gazing. Habang nakatingin doon, napahikab ako at mayamaya pa bumigat na ang aking mga mata at dahan-dahan na ako naka-idlip.
To be continued...