PROLOGUE

546 Words
"Love is not a game anak, na kapag natalo eh susuko o ibabago ang laro, na aayaw ka pag di mo na gusto, di ka pwedeng mag time first para ito ay saglit na ihinto. Ano ka hilo? Love is all about commitment" Yang advice ni mama ang tumatak at ginawa ko hanggang sa dulo. Pinaglaban ko naman, nag commit ako pero may mga bagay talaga ata na hindi pang matagalan, na kahit anong ingat mo ay masisira o mawawala din. Sabi nga ni mama, bawal daw mag time first kasi ang pag-ibig ay hindi laro, pero paano naman kung ang pag-ibig na linaan mo sa isang tao ay sumuko? Bawal pa din bang mag time first? Masakit kaya magparaya.  Masakit maiwan ng di mo alam ang rason.  Masakit kayang isipin na yung taong pinangakuan kang di sasaktan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wasak ka. Sometimes those people you love are the ones who has the power to hurt you the most. Gayunpaman, naiiba naman ang sitwasyon ko, kasi ako naman ang sumuko? Napabuntong-hininga ako saka dire-diretsong ininom ang whiskey na nasa baso, I groaned at the taste at saka inilipag ang baso sa counter.  But that was 8 years ago... Damn it! Ba't iniisip ko pa rin siya. "Aba, Fp hinay-hinay, easy lang maaga pa" Rose said pero di ko siya pinansin. "Alam kong wasak ka pa hanggang ngayon pero di solusyon ang alak." she added. I chuckled. "Duh." maarte kong tugon. "Parang noong araw sabi mo alcohol is the answer, kaya ito tagay nalang tayo and by the way di ako wasak, namiss ko lang ang uminom." pagsisinungaling ko tapos itinungga ko ulit ang kakabigay lang na baso na may whiskey. Tumawa siya. "Maiwan mo na kita, Carl is calling, sasagutin ko lang ito. Wag ka mag masyado jan." I nodded. "Okay, I'll wait for you here" sabi ko and she just chuckled at saka umalis. Mayamaya ay may umupo sa tabi ko, tinignan ko kung sino ang umupong iyon at isa itong lalaki.  "Hi" he said and I just nodded wala akong mood para pansinin iyon. "May kasama ka?" he asked at tumango lang ulit ako. "Heartbroken?" he asked again. I rolled my eyes. "What do you want?" I asked medyo papansin ang lalaking ito hindi ba niya halata na ayaw ko siyang kausap. He just shrugged. "Nothing, I can feel that you need a shoulder right now" he said. I smirked and looked at him. "What if I don't want?" I asked, nakukulitan na kasi ako. Purket gwapo siya, lalandi na ako sa kaniya. Not in my blood though. He smirked. "Don't be shy beautiful." I huffed saka umastang aalis masyadong epal to, kala niya naman papatulan ko siya. Ilang sandali pa napatingin ako sa aking kamay ng bigla niya akong hinawakan. Napakunot-noo ako atsaka nag-angat ako ng tingin sa lalaki. "Magkakilala ba tayo para hawakan mo ako?" sabay bawi ng aking braso. Akmang tatalikuran na siya ng pwersahan niya akong hinala papalapit sa kanya, nagpumiglas ako. "Leave me alone, Assho--" naputol na ang sasabihin ko napaawang ang labi ko ng makita ang lalaki na bigla bigla nalang humandusay sa sahig. What happened? nagtatakang tanong ko sa sarili habang tinitignan ko ang lalaki, putok ang labi nito. Gusto ko pa sanang singhalan na  buti nga sa'yo, pero sa halip na gawin ko iyon ay bumaling ako sa gumawa niyon. Natigilan ako at nanlaki ang aking mga mata na makita ko kung sino iyon. "Nj?" At kasabay niyon ay bumalik lahat ng mga alaala na nangyari walong taon na nakakalipas. -ENJOY READING! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD