Isang Buwan na nakakalipas matapos ang huling pagkikita namin ng lalaking ugok na iyon. At ngayon andito kami ni Rose naka'upo sa bench malapit sa LNU house. Dito kasi kami madalas tumambay sa tuwing may pasok kami ng ala una ng hapon, every Monday kasi 7am to 4pm ang pasok namin at lunch lang ang break namin.
"Ayts. Nakakapagod panay quiz." reklamo ni Rose habang nakaharap ito sa libro na hiniram namin sa libray kanina. Simula nag-umpisa ang pasukan namin, hindi kami aware ni Rose na magiging busy talaga kami ngayon College kami, akala kasi namin talaga purket hawak namin oras namin ay makakapag relax kami tulad nung highschool kami.
Napasulyap ako sa kaniya. "Irelax mo na muna kasi yang sarili mo para may pumapasok jan sa utak mo." sabi ko. Ganun naman talaga ang teknik ko sa tuwing wala akong masaulo, reni-relax ko ang sarili
Rose sighed, heavily na para bang bagot na bagot na sa ginagawa. "Tara night out tayo next friday. Makapag relax naman itong hell week na ito."
"Sige, pero libre mo at ipapaalam mo ako kay Mama." pagsang-ayon ko sa plano niya.
"Sure... yun lang pala. Maliit na bagay." nakangiting sabi nito sa'kin. "By the way...may sasabihin pala ako sa'yo."
"Ano yun?" tanong ko habang binubuklat ang libro ko, makapag study na muna at may long quiz mamaya sa english, baka bumagsak ako.
"Nagkaka chat kami ng isang kaibigan ni ugok." nakangiting sabi nito.
Kaya nakakunot-noo akong sinulyapan siya. "How?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti si Rose na para bang kinikilig. Tamo ang landi talaga ng babae na ito. May boyfriend pa yan. "Tanga, syempre inadd niya ako sa f*******:, tsaka inaccept ko tapos type type ganun hanggang doon na nagsimula."
Tumango-tango lang ako. Malay ko ba wala naman akong f*******:. Ayaw ko kasi nun at base sa naririnig ko kay Rose puro fake news o negativity na daw ang nasa f*******: ngayon. Kaya nawalan na din ako gana mag DL. Pero noon pa naman ayaw ko na talaga nun, mas gusto ko text at calls. "Pag yan nalaman ni Jovanni, patay ka." may pagbabanta sa tinig ko.
Rose just rolled her eyes at me. "Wala naman pake yun, busy naman yun parati, minsan nga halos hindi na kami magka chat o magtext e." may inis man sa pagkakasabi niya niyon may kasamang panglulumo ang tinig nito.
"Kahit na. Baka isipin niyang pinagtataksilan mo siya habang malayo siya."
"Edi mag-isip siya ng ganun, bahala siya. I'm done with his excuses na always siya busy." sabi nito habang nilalaro-laro ang dulo ng buhok nito. "In fairness, mabait ang kaibigan ni ugok, sweet din siyang katext, kaya natutuwa ako. Minsan nga napapaisip ako na sana siya nalang si Jovanni para laging may oras." napanisin ko itong mapait na napangiti. "Pero hindi e, siya si Carl. My baby."
Napangiwi ako sa sinabi ni Rose. "Ang gaga mo, alam mong may boyfriend ka. Pa-fall ka din e noh? Tapos pag iyan nahulog ng tuluyan sa'yo tsaka mo sasabihin na may boyfriend ka." bunmuntong-hininga ako. "Ayusin mo muna yung problema niyo ni Jovanni, kung meron man bago ka lumandi, hindi lang iisa ang masasaktan mo gaga ka, pati yung isa. Ayusin mo desisyon mo sa buhay, Inday!"
Nahalata kong natigilan si Rose sa sinabi ko na para bang napaisip siya. Hindi na ito umimik, kaya naman bumaling ako sa binabasa kong libro.
Ilang sandali pa ay nagsalita muli ito, kaya napatingin ako sa gawi niya. "Parang ako naman ang masasaktan e. Hindi si Jovanni." malungkot na sabi niya.
Humarap ako sa kaniya at saka tinignan ko ito na parang nagtatanong. "May dapat ba akong malaman sa relasyon niyo ni Jovanni?" tanong ko at sa tagal na nilang mag jowa ay ngayon ko lang nakita na ganito si Rose, saksi ako sa mga away nila, at masasabi ko ibang iba ngayon si Rose pag binabanggit si Jovanni.
Umiiling ito. "Wala pa naman. Proof pa ang kailangan para maniwala ako."
Napakunot-noo ako. "Proof? Saan?" naguguluhan na talaga ako sa pinagsasabi ng babae na ito.
Tumawa ito. "Wala. Baliw... nagbibiro lang ako." saka nag-iwas ng tingin.
Tinitigan ko si Rose. May problema ito, hindi lang nito sinasabi. Bakit kaya? Anong proof? tanong ko sa sarili. Nag-aala detective na naman ako ngayon.
"Okay, pero pag may problema, sabihin mo sa'kin. Willing to listen." nakangiting at senserong sabi ko kay Rose.
Tumango ito. "Thank you, Mantika." sabay yakap sa'kin, gusto ko sanang yakapin ito, pero nairita ako sa tinawag sa'kin kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"Wag mo na akong yakapin kung yan ang tawag mo sa'kin." kunyareng nagtatampong tinig ko.
Pero sa halip na susuyuin ako. Tumawa lang ito at saka kiniss ako sa cheeks. "Eww." nandidireng sabi ko at sakang nakangiwing pinunasan ko ang pisngi ko.
"Ang arte mo, pag ikaw nagka boyfriend mas grabe pa jan ang mararanasan mo. Yugyugin ka maghapon." mala-demonyong tumawa ito.
"Hayop ka! Manyakis ka talaga." seryosong sabi ko.
Tumawa lang ang tanga saka ilang sandali pa ay nagseryoso na kami sa pag-aaral, isang oras pa kasi bago ang sunod na subject namin kaya naman makakapag-aral pa talaga kami. Mayamaya pa sabay kaming napa-angat ng tingin ni Rose ng may mangibabaw na boses mula sa bungad ng LNU house.
Napasulyap ako kay Rose ng tumayo ito saka linapitan ang lalaki. Hindi ko ipagkakaila na gwapo ang lalaki kaysa kay Jovanni. Matangkad ito, maputi, singkit ang mga mata at saka ang tangos ng ilong. Kung single lang si Rose malamang hindi ako tutol kung magkagustuhan sila, kaso hindi e.
Lumapit ang dalawa sa'kin. Nakangiti si Rose na parang tanga, at halatang kinikilig.
"Carl si Fp bestfriend ko." pagpapakilala ni Rose sa'kin, agad naman akong nginitian ni Carl at inilihad ang kamay para makipag shake hands.
"Hi Fp, I'm Carl."
Bagama't naiilang, nakipag shake hands na din ako. "I'm Fp, nice to meet you." ngumiti ako dito.
Napasulyap kami ng sabay ni Carl kay Rose ng magsalita ito. "So, Friends na kayo ha." natutuwang anito.
Tumango si Carl at saka sumulyap sa'kin. "Sure, why not di'ba?"
Nginitian ko ito at mukhang mabait naman at approachable, at saka mapili si Rose sa lalaking kinakaibigan, kaya sure akong mabait ito. "Oo naman."
"Ayun! friends na sila." natutuwang sabi ni Rose may pagsiklop sa dalawang kamay nito.
Nagkatinginan kami ni Carl at sabay na napatawa. Parang bata talaga itong si Rose, malandi pero isip bata. Hayup.
Ilang sandali din kaming aandun hanggang sa nagpaapalam na kami kay Carl na pupunta na kami sa room mag ala-una na kasi baka malate kami.
Pagkarating namin sa room sakto naman dumating yung Prof. namin. Hingal na hingal kami ni Rose na umupo sa upuan namin. Third Floor kasi itong room namin, wala pa elevator.
"Get 1/4 sheet of paper and 1 sit apart." istriktang sabi ng Prof. namin. Kaya naman ay agad kami nagsikilusan at nagkanya-kanya ng upo. "Question number 1." aniya, kaya naman nagfocus na ako dito, mabilis pa naman ito magsabi ng question kaya dapat alert ka kasi kung hindi bagsak.
Nang matapos ang quiz namin agad naman itong nag discuss kaya tahimik lang din kaming nakikinig sa Prof. namin. At mayamaya pa tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang subject namin dito.
"Good bye class, see you next meeting." paalam ng Prof.namin bago ito lumabas ng room, agad naman pumasok ang isang Prof. para sa last subject. Ito ay nakakatamad talaga at College alegebra, jusko ang daming subject na pwedeng ipang last subject ito pa ang napili namin. Nagsisi tuloy talaga ako na pumayag ako kay Rose na ipanghuli ito.
Ilang sandali pa nag-umpisa na itong magdiscuss, tamad lang akong nakikinig at alam ko na naman iyon at parang same lang naman noong highschool pinagkaiba lang mas pinapa komplika ang operations and equation. Pero kahit balibaliktarin ganun pa rin ang magiging sagot niyon, gamitin man ang simple or difficult operation at equations same pa rin iyon.
Napaigtad lang ako ng tumunog na ang bell hudyat na tapos na klase namin sa araw na yun. Pagkalabas ng Prof. namin sa Alegebra, tinignan ko ang wrist watch ko, takte alas-kwatro y singko na, overtime talagang ito si Sir.
Napasulyap lang ako ng tingin kay Rose ng magsalita ito.
"Saan tayo tatambay? Gusto makipag hang-out ni Carl sa'tin." dire-diretsong sabi nito sa'kin habang nag-aayus ng kilay.
Napakunot-noo ako. "Sure ka ba jan? Makikipagtambay tayo?" tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan lang ginagawa sa kilay. Sana all marunong magkilay, though hindi na kailangan sa kilay ko, gusto ko lang matuto. Sinubukan ko naman at ang panget ng kinalabasan.
Itinigil muna ni Rose ang ginagawa saka sumulyap sa'kin. "Akala ko friends na kayo? Kaya pumayag ako." sabi nito saka bumalik sa pag-aayos ng kilay.
Napalunok ako saka inaayos ko na din ang gamit. "Oo nga, pero--" naputol na ang sasabihin ko ng mangibabaw ang boses ni Carl mula sa hamba ng pinto.
Sabay kaming napatingin ni Rose doon, at saka lumapit ito si Rose sa'kin at may binulong. "Tangna naman ang gwapo ano."
Napataas ang kilay ko sa sinabi nito sa'kin. "Tumigil ka may boyfriend ka naman." mahina kong sabi saka dinampot ko ang aking bag at saka tumayo. "Let's go." pagkasabi ko niyon ay naglakad na ako papalapit kay Carl, sumunod naman agad itong si Rose at saka sinaklay ang kamay sa braso ng lalaki.
Napailing ako. Pag ito talaga mahuli, iyak to. bulong ko sa sarili.
"Tara na." aya ni Carl sa'min,
"Where are we going, Baby?" Rose asked habang nagsisimula na kaming maglakad sa hallway.
"May alam akong masarap na barbecue stall, kain tayo doon." nakangiting sabi nito kay Rose, saka tumingin sa'kin. "Okay lang ba sa'yo, Fp?" he asked.
Nahulat naman ako sa tanong niya kaya sunod sunod pagtango ko. "Oo naman, may barbeque business din naman kami e, kaya okay lang." as a matter of fact, kami naman ang madami stall ng barbeque dito sa Tacloban, kaya hindi ako magtataka kung yang sinasabi ni Carl na barbeque stall ay amin. We'll see once we get there.
"Ahh. Ganun ba? Edi doon na lang tayo." namamanghang sabi nito.
Umiling ako. "No, doon na lang kung saan mo kami daldalhin."
"Okay sige. Let's go." anyaya nito sa'min, kaya naman sumunod na kami pababa ng building at ngayon nasa sasakyan na kami nito. Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang mamangha sa sasakyan nito, naka Corvette lang naman ito. Palihim akong natawa, papasok lang naman kailangan pa nakaganito, nahiya naman ang jeep dito.
Mayamaya pa, napa-angat ako ng tingin kay Carl nang tumigil na ang sasakyan sa barbeque stall, at hindi na ako nagulat na amin ang barbeque stall na iyon.
"E, Kila Fp naman ito." biglang sambit ni Rose dahilan para mapatingin sa'kin sa Carl.
"Sakto, may discount ito." sabi nito, barat pala ang instik na ito.
Tumawa ako. "Osure, kahit libre pa."
Sumilay ang pagkagalik nito sa mukha."Ayos sige, tara na. Nag-aantay na sila." pagkasabi niya niyon sabay sila ni Rose lumabas ng kotse, samantala ako natigilan. Sheyt sinong sila? Don't tell-- napasulyap ako kay Rose ng tinawag ako.
"Ano jan ka nalang?" anito.
Nagpakurap-kurap ako at saka dali-daling lumabas ng kotse, hindi pa nga kami nakakapasok ng tuluyan amoy-amoy ko na ang masarap na barbeque ni Mama. At nang makapasok kami, binati din ako ng mga workers namin. Kaya nakangiti ko itong binati.
"By the way, Jean. Pumunta na ba dito si Mama?" tawag ko sa isang waitress.
"Anjan po si Ate Marj sa counter, kararating lang din po." sabi nito kaya tumango.
"Ahh, sige. Balik kana sa ginagawa mo." pagksabi ko niyon ay bumaling ako kila Rose. "Punta na kayo sa table niyo, asikasuhin ko kakainin natin."
"Wag mo kalimutan Isaw, Fp bilin iyon ni Nj sa'kin." wika ni Carl.
"Ahh, sige. Noted." tugon ko na lamang kahit gusto kong itanong kung sino si Nj. "Punta na kayo sa table, sunod na lang ako." yun lang at saka naglakad na ako papalapit sa counter.
Niyakap ko muna si Mama saka sinabi dito na may mga kaibigan akong kasama. Sinabi ko din lutuuan kami ng 100 pcs. na isaw kasi bukod kay Nj, favorite ko din ang isaw.
"Puntahan ko na po mga kaibigan ko, Ma." paalam ko kay Mama.
"Sige, Anak. Hatid ko nalang order niyo." sabi ni Mama habang nag-aayos ng inorder namin para iyawin.
"Thank you, Ma." nakangiting sabi ko dito atsaka naglakad na papalapit kina Rose na kumakaway-kaway pa sakin, as if naman hindi ko sila nakikita. At hindi na ako nagulat na aandun yung mga kaibigan ni Carl, pero wala si Ugok. Buti nalang. Siguro Nj ang pangalan nung lalaking umawat sa'min noon.
Nang makalapit ako ay agad naman ito nagsingitian. Nginitian ko din ang mga ito, at pansin ko din nag mga customer na kumakain dito sa kanila ang tingin. Ikaw ba naman makakain ka ng maayos kung may ganitong kagwa-gwapo nilalang ang kasama mo.
"Maupo ka na Fp." biglang sambit ni Nj sa'min, kaya nagtataka akong tinignan ito, bakit alam niya pangalan ko? pero sa halip naintindihin iyon ay tumango ako. Akma na uupo na ako sa vacant chair ng may humila nito palayo sa pang-upo ko, siguro kong hindi ako naging alert siguradong babagsak ang pang-upo ko sa sahig.
Napapikit ako sa naramdamang inis, saka nilingon ko iyon kung sino ang hayup na iyon.
Napaawang ang labi ko ng pagharap ko si Ugok pala, nakangisi ang hayup akala mo ay gwapo, pero oo gwapo nga demonyo lang.
"Ikaw na naman!" hindi makapaniwalang bulalas ko dito.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, mabilis itong pinagpantay ang mga mata namin at sumilay ang nakakalukong ngisi nito. "Oo, ako nga!"
Nagkatitigan kami, walang nagpapatalo sa'min. Siguro kung panggatong lang ang mga mata namin kanina pa nagliyab iyon.
Punyeta ka! mura ko sa kaniya sa aking isipan.
To be continued...