Akma na susuntukin ko ang ugok na ito nang hinawakan ni Rose ang kamay kong nasa ere na kaya nakakunot-noo ko itong nilingon.
"Fp, madaming tao." saway nito sa'kin. "Umupo ka na, hayaan mo na." pagkasabi niya niyon, nilibot ko nag tingin sa mga customer doon, sa akin sila nakatingin at nagbubulong-bulungan pa. So ako ang masama dito?
Bumuga ako ng marahas na hininga, saka tumango kay Rose, tama siya hindi ko na papatulan ito at nakakahiya madaming tao at nandito pa si Mama baka pagalitan ako. Sinulyapan ko muna si Ugok saka inagaw ang upuan na hinablot nito kanina. Akma na uupo na ako ng hinablot niya ulit ito kaya naiinis akong nag-angat ng tingin dito.
"Ano na naman ba?!" mahina pero may diin na sabi ko dito.
Pero sa halip na sagutin ako, itinulak ako sa gilid saka umupo ito sa pwesto kung saan sana ako uupo.
"Seriously?!" I muttered, at saka akma na aagawin sa kaniya ang upuan ng bigla sumingit si Nj.
"Dito Fp, may vacant pa." anito kaya naman kaysa makipagtalo, wala akong imik na umupo doon. Buti pa talaga itong si Nj, mabait. Pero itong, sabay sulyap kay ugok na nakatingin lang sa'kin, napaka demonyo.
Naputol lang ang tinginan namin ng magsalita si Carl, na para bang nastress ito sa bangayan namin ni Ugok.
"Guys, pakilala naman kayo sa kanila para hindi na magkailangan." si Carl
Tumango-tango naman ang tatlong lalaking kaibigan nito, samantala si Ugok, malamig lang nakatingin sa'kin. Tinignan ko ito ng nagtatanong mukha, kung bakit nakatitig siya sa'kin. Pero siguro nga anak ng dyablo ito, hindi lang nagpatinag ang hayup.
Napasulyap ako sa kaibigan nilang nasa dulo nitong mesa ng magsalita. He has a hazel color of pair eyes, mapupungay ang mga mata nito, saka matangkad at may katamtamang laki ng katawan. At may matangos na ilong ito at bagsak ang buhok nito.
"Hi, Fp" nakangiting bati nito sa'kin. "I'm Mark."
Bakit kaya alam nila ang pangalan ko? Hindi naman ako sikat sa school, ako ay hamak na ordinaryong estudyante lamang na nag-aaral ng mabuti.
After a while, nagsalita naman ang katabi ni Carl. I immediately looked at him. And guess what napa-awang ang labi ko ng magtama ang aming mga mata. He has a unique pair of eyes, jusko ano ba mga lahi nito at ang gaganda ng mga mata. Meron lang naman siyang amber na kulay na mata. Pinagkatitigan ko talaga siya at ang lakas ng dating nito. Ngumiti ito sa'kin kaya sumilay ang dalawang biloy sa pisngi hindi man ito malalim nakakadagdag sa gwapong mukha nito, at meron din itong matangos na ilong, and his hair is on top knot style na kung saan maakit ka talaga sa kagwapuhan nito.
"Oliver, nice meeting you, Fp." sabi nito, kaya naman tumango ako habang nakangiti.
"Nice meeting you too, Oliver."
"Tss." biglang rinig ko kay ugok kaya napatingin ako sa kaniya saka bumaling ng tingin sa katabi ko. Pinasadahan ko ito ng tingin. Siya lang naiiba sa lahat, dahil siya lang mareno, bagama't moreno ito, bagay sa mala adonis na katawan nito. He has a black color pair of eyes, matangos din ang ilong nito kagaya ng mga kaibigan.
"I'm Joshua." pagpapakilala nito sa'kin dahilan para manlaki ang aking mga mata, so hindi siya si Nj? Nasapo ko ang aking bibig at saka tumingin kay ugok, so siya pala si Nj? Ang tanga-tanga ko, paano kung tinawag ko si Joshua kanina na Nj, edi napahiya ako. Napapikit ako sa katangahan na nararamdaman ko.
Napa-angat ako ng tingin kay Carl ng magsalita na ulit ito. "And meet our friend, Nikolai." sabay turo kay ugok, kinabahan ako bigla, that name, so familiar, napasulyap lang ulit ako kay ugok nang naiiritang magsalita ito. Attitude talaga ito.
"Stop calling me that name." malamig na sabi nito kay Carl.
Tumawa si Carl at saka tumango-tango. "Fine" wika nito saka bumaling sa'kin. "Just call him, Nj."
Masamang tingin ang ginawad ko sa kaniya. Kahit ano pa ang pangalan niya, ugok pa rin siya. Nagtama ang tingin namin dahilan para magkatitigan kami. Ewan kong bakit bigla ako natigilan at para bang natameme ako ng magtama ang aming mga mata. Jusko kahit naiinis ako sa ugok nito may maganda siyang mata ha. He has a green color pair of eyes, mahahaba din ang pilimata nito, at saka kahit demonyo ang ugali nito, meron itong mapupungay na mata. May nakita na akong ganyang mataa noon nung bata pa ako, pero nasa ibang bansa iyon, nagbaba lang ako ng tingin dito when he licks his lips, goodness ang pula ng labi nito. Wala ako sa sariling nag-angat ulit ng tingin he has a perfect pointed nose.
For god's sake, saan ba ito hinulma. hindi ko mapigilan ang mamangha sa ugok na ito. He licks his lips again kaya nagbaba ako ng tingin doon, bigla napangisi ito kaya ngayon ko napansin na may maliliit na biloy pala ito sa ibabang bahagi ng labi nito.
Nagpakurap-kurap lang ako saka napayuko ng masama na ang tingin nito. Tanga ko naman bakit naman napatitig ako kay ugok. pagalit ko sa aking sarili. Nakakahiya tuloy.
Ilang sandali pa nang mangibabaw ang boses ni Mama kaya napa-angat ako ng tingin at akma na tutulungan ito para ilapag ang mga pagkain sa mesa nang napasulyap ako kay ugok ng tumayo ito saka nakangiting lumapit kay Mama.
Nagtataka akong tinignan sila. Ngumiti din si Mama na para bang ang tagal na nilang magkakilala ang dating nito sa'kin.
"Salamat, Hijo." nakangiting sabi ni Mama. Nagtataka talaga akong nakatingin sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na may crush si Mama kay ugok, hayup na pag-iisip na ito. Tignan mo naman matamis ang ngiti ni Mama. Si ugok naman, akala mo hindi demonyo kong makangiti din kay Mama.
"Wala po iyon, Tita." laglag ang panga ko ng sinabi iyon ni Ugok kay Mama, Tita? bakit close kayo para tawagin mo ng Tita ang Mama ko?
Maya maya pa napatingin lang ako kay Mama ng bumaling ito sa'kin. "Fp, hindi mo naman sinabi na nagkita na kayo ng kababata mo." nakangiting wika nito.
Naguguluhan kong pinagkatitigan si Mama."Sinong kababata?"
Kitang-kita ko kung paano si Mama nag-angat ng tingin sa matangkad na bulto nito ni ugok. Don't tell... Mama please... don't tell me.
"Hindi mo ba nakilala si Nikolai Jordan?" anito habang nagpapalitan ng tingin sa'min. "Siya ang kababata mo, anak ni Tita tess mo at Tito Nikolai." dire-diretsong sabi nito.
Bagama't gulat na gulat, I can still manage to talk. "Bakit siya??!" hindi ko makapaniwalang tanong nito kay Mama.
Tumawa lang si Mama. Kaya mas lalo akong naguguluhan. Ilang sandali pa nagsalita ito. "E kasi siya." pabalang na sagot ni Mama sa'kin, kaya napatawa na ang mga kasamahan namin. Napasulyap ako sa mga ito, tinignan ko ng masamang tingin kaya naman biglang nagseryoso ang mga iyon.
"Ay siya, maiwan ko na kayo. May pupuntahan pa ako." natatawang sabi ni Mama. Bago pa man ito umalis bumaling ito sa'kin. "Ikaw na bahala sa kanila, Fp pag may kailangan pa sila." aniya.
Napabuntong-hininga ako. "Opo." kibit-balikat na tugon ko kay Mama.
Akala ko aalis na ito pero nagkamali ako ng bumaling ito kay ugok. "Pag may time ka, mag dinner ka sa bahay, isama mo mga kaibigan mo" sabay tingin sa mga kaibigan nito.
Nagsihiyawan naman ang mga ugok na ito, na para bang tuwang-tuwa sa narinig mula kay Mama.
I just rolled my eyes and sat down. Kumuha nalang ako ng isaw at nagsimulang kumain.
"Thank you po, Tita." maamong sambit ni Ugok, I'm just murmuring na parang ginagaya ang sinasabi nito. Kala mo naman mabait talaga.
Umayos ako ng upo ng maupo na din si Ugok, nakaalis na din si Mama. Kaya naman nag-umpisa na din kaming kumain.
Habang kumakain, nagsalita si Rose dahilan para mapatingin kami sa kaniya. "Childhood friends pala kayo ha." parang nang-aasar na sabi nito.
Inirapan ko si Rose. "Malay ko." tugon ko habang kumakain ng isaw, pang sampu na ata tong stick ang nakakain ko, tinignan ko din yung kay ugok, mukhang parehas kami ng nakakain.
"Bakit hindi mo siya nakilala Fp?" sabat naman ni Carl habang ngumunguya ito.
Akma na sasagot ako ng sumingit naman si Joshua. "Baka pumangit si Nj kaya hindi nakilala ni Fp." may pang-aasar na tinig nito.
Natawa naman ang mga kaibigan nito sa sanabi ni Joshua kaya naman natawa din ako, kahit hindi ako sang-ayon sa sinabi niyon, kasi kaya hindi ko siya nakilala dahil ang laking ng pinagbago niya. though he looks familar to me, hindi ko talaga siya nakilala. Kasi ang natatandaan ko talagang itsura ng kababata ko noon ay chubby. Naalala ko tuloy yung mga panahon kung paano kami maglaro nito ni ugok, pero hindi akalain na mag-iiba pati ugali nito sa'kin. Hayup! kung sabagay hindi ko din hawak ang panahon.
Just like season, people change.
"Fp!" pukaw sa'kin ni Rose kaya napaigtad ako at tinignan siya. "Natulala ka na jan? Shock ka pa rin ghorl?" kasabay nun nagsitawanan sila.
Inirapan ko lang ito saka kukuha sana ng isaw nang may kamay na nahawakan ako. Nanlaki ang mga mata ko ng pag-angat ko ng tingin kay ugok kamay yun.
Nagkakansyawan naman ang mga kasama namin. Nagsisisi tuloy ako na sumama pa ako dito. Agad ko itong binitawan na para bang napaso ako sa bilis ng pagkakabitiw ko niyon.
Nakangisi lang ito na tinignan ako. Parang tanga to, panay tingin sa'kin. Bumaling nalang ulit ako sa isaw, isang stick na nalang iyon, kaya tinignan ko si Ugok na nakatingin din pala sa isaw.
Umayos ako ng upo para kumuha ng lakas para makuha ang isaw, napansin ko din na ganun din ang ginawa ni ugok. Unahan na ito, bahala na.
Akma na kukuhanin ko na iyon na naunahan niya ako, kaya naman ang ginawa ko ay hinawakan ang dulo ng stick para hindi niya makain.
"Akin yan!" sabi ko habang inaagaw sa kaniya ang isaw. "Ako ang nauna! akin na yan!" sabay sabunot sa sa buhok niya.
"Aray!" inda nito habang nakasabunot ako. "Ako ang nauna, kita mo naman ha!" nakangiwing tugon ni ugok, habang nasa ere ang isaw.
Tatayo sana ako para abutin ang isaw ng naunahan na ako ng tayo ni Carl at kinuha ang isaw na nasa ere hawak-hawak ni ugok.
Natigilan kami ni ugok nabitawan ko din ang buhok nito at saka sabay napatingin kay Carl na nagayon kinakain na nag isaw. Nang malunok iyon tinignan niya kami.
"Seriously? Magpapatayan kayo dahil sa isaw?" hindi makapaniwalang tanong nito sa'min, umupo ako ng maayos, ganun din si ugok.
"E kasi naman, ako naman ang--." pagpapaliwanag ko pa sana dito, naputol lang dahil sumabat si Rose.
"Pinagtitinginan kayo ng mga tao dito, actually kanina pa." medyo seryosong sabi nito. Kaya naman napayuko sa naramdamang hiya. "Kung magpapatayan kayo dahil sa isaw, doon kayo sa labas."
Walang umimik sa'min, nakayuko lang ako at alam kong pinagtitinginan nga kami. Ilang sandali pa nagulat na lamang ako ng may humawak sa pulsuhan ko at hinila ako palabas, nang makalabas pabalabag ako nitong iniharap sa kaniya. Hayup ka ugok!
"Ano ba ang problema mo?!" nakatingalang sabi ko dito, ang tangkad kasi nito.
"Ikaw ano ang problema mo?! Ako naman nauna sa isaw ha!" anito.
"Tanga ka! Ako ang nauna, naunahan mo lang ako."
Tumawa ito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ako pa talaga ang tanga, naririnig mo ba ang sinabi mo? naunahan kita. Kaya paano mo masasabi na ikaw ang nauna, kung naunahan kita?" nakapamulsa na itong nakaharap sa'kin.
Napakagat ako sa ibabang parte ng aking labi nang mapagtanto na mali pala ako ng sinabi. Ang tanga tanga ko talaga? Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko sa inis.
Sasagot pa sana ako nang mapatingin ako sa tumigil na sasakyan sa harap namin.
"Hindi pa talaga sila nagpaawat sa isaw na yan e no." umiiling-iling na sabi ni Rose.
Pero sa halip na pansinin iyon, nagtataka akong tinignan siya at saka aastang papasok ng sasakyan ng pinigilan ako nito.
"Hindi ka sasama sa'min may pupuntahan kami, mag away lang kayo jan." sabi nito saka itinaas ang bintana at humarurot ito papalayo, nagsibusina naman ang mga kasama nito hudyat na aalis na din sila, at grabe naman sa ganda ng mga sasakyan nito.
Bagama't nanlulumo ako dahil iniwanan ako ni Rose, humarap ako kay ugok ng magsalita ito.
"I'll drive you home." seryosong sabi nito sa'kin habang tinititigan ako.
Umiling ako. "Thank you but no thanks." maarte pang sabi ko, mayamaya pa nag salita ulit iyon.
"Okay, keep safe, then!" pagkasabi niya niyon, tinalikuran na ito at saka naglakad papalapit ng sasakyan nito, hindi man lang ako nilingon, dire-diretso itong pumasok at pinaharurot ang sasakyan papalayo.
Nanginginig ang kalamnan ko sa inis. "Urghh!" sigaw ko wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako , nagpapadyak pa ako, halos mangiyak-ngiyak na ako, saka nag umpisang maglakad.
Sobrang frustrasyon talaga ang nararamdam ko lalo nat wala pang tricycle na dumadaan, bigla naman humangin ng malakas, napatingala ako sa kalangitan, walang mga bituin. "Wag ka muna umulan, mababasa ang payong ko." pakikipag-usap ko dito, ewan ko ba kung ako lang to ang ayaw mabasa ang payong pag umuulan, at ayaw gamitin ang payong pag maaraw.
"Get in." may boses na nangibabaw.
Kaya napalingon ako sa kaliwang gawi ko, at laking gulat ko na si Nj, ano ang ginagawa niya dito, akala ko umalis na ito.
"Pasok na at paulan na." he said, coldly.
Kasabay nun ay humangin lalo ng malakas, kaya naman kahit ayaw ko, wala akong imik na pumasok sa kotse niya.
Nakapamulsa itong pimihit ng lakad papuntang driving seat, pinagmamasdan ko lamang siya hanggang sa nag seatbelt ito.
Sinulyapan niya ako. "Buckle up."
Nakakunot-noo ako sa sinabi niya."Ha?"
Bumuntong-hininga ito bago magsalita ulit. "Fasten your seatbelt."
"Ahh." tumango-tango ako na para bang nakuha ko na ang sinnabi niya, tangna naman kasi may pa buckle up pa, e pwede naman sabihin mag seatbelt ka, daming alam nito ni Ugok.
Pero sa halip makipagbangayan pa ay wala akong imik na buckle up ng seatbelt. Di'ba sosyal. natatawa kong sabi sa sarili.
At ilang sandali pa, napatingin ako kay ugok ng inistart nito ang sasakyan niya at saka pinaharurot na ito palayo sa lugar na iyon.
To be continued...