Kinabukasan, naging abala kami ni Rose sa pag re-review para sa last subject na ita-take namin for this Prelim week. As usual andito na naman kami sa bench kung saan malapit sa LNU house. Hindi ko alam kung anong oras na kaming nandito at nagbabad sa pagre-review. Sinulyapan ko si Rose, hindi ko alam kung nagre-review pa ba ito, or tinititigan lang ang reviewer.
"Hoy!" pukaw ko sa kaniya.
Napaigtad pa nga ito, sabi na hindi nga ito nagre-review. "Bakit?" tanong nito na para bang wala sa sarili.
"Inaano ka?" Anong nangyayari sa'yo? tanong ko dito habang nakalumbabang tinitignan siya.
Umiling ito, saka nag-iwas ng tingin. "Nothing." sabi nito, but I'm not convinced, the way she acts, siguradong may problema ito.
"May problema ba?" sabay hawak ng mukha nito para pilit na patinginin sa'kin. Nang makaharap ito sa'kin. Bigla itong yumakap sa'kin. Bagama't nagulat ako, niyakap ko na din ito.
"He cheated on me." mahinang sambit nito sa'kin habang nakabaon pa rin ang mukha nito sa balikat ko, hindi ko man makita ang mukha ni Rose alam kong umiiyak ito. "W-we br-oke up"
"Paano mo nasabi?" mahinahon na tanong ko kay Rose habang hinihimas-himas ang likod nito.
Kumalas ito sa pagkakayakap, kaya nakita ko na din ang mukha nito na puro luha. "Nakita ko silang nag se-sex." umiiyak na sabi nito. "And the worst part. Pinili niya yun kaysa sa akin." mas lalo itong umiyak kaya naman niyakap ko ulit ito.
Bigla naman ako nakaramdam ng awa sa kaibigan ko. Bakit kailangan niya pang maranas ang mga ito? Nagmamahal lang naman siya, bakit love mapanakit mo?
Ilang sandali pa ay kumalas na naman ito sa pagkakayakap saka pinagkatitigan ako, kitang-kita ko sa mga mata nito ang magkahalong lungkot at sakit. "Alam mo Fp" patuloy lang ang tulo ng luha nito. "N-nothing is worse than being in love with someone who doesn't love you back" pagkasabi niyon ay sabay turo sa puso nito. "Ang sakit sakit,Bi" humahagulgol na sabi ni Rose.
Tanging yakap na lamang ang maibibigay ko sa kaibigan ko, dahil wala pa naman akong experience sa love. Gusto ko siyang patigilin sa pag iyak pero alam ko naman na hindi niya tatanggapin ang pang-aalo ko sa kanya. Kaya napabuntong-hininga na lamang ako bago magsalita.
"It's okay Rose, it's okay that you're in pain right now." sambit ko habang hinahaplos ang buhok niya. "Feel the pain until it hurts no more" ganun naman diba, damhin mo lang ang sakit hanggang sa mawala ito.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka ini-angat ang mukha nito upang pinunasan ang mga luha nito sa mukha. "You know what?" sabi ko dito. "He doesn't deserve your tears. I mean your ex doesn't deserve you, and you deserve someone who is terrified to lose you." senserong sambit ko. "I know you're hurting right now but you need to be strong para sa sarili mo. Sometimes you have to forget what you feel and remember what you deserve." bumuntong hininga ako bago magsalita ulit. "Hayaan mo siya, and it's his loss anyway kaya wag kana umiyak ang panget mo alam mo ba yun?" pagbibiro kong sabi nito para naman mahibsan ang bigat ng nararamdamn niya. "At tsaka andito ako tutulungan kitang mag move on."
Tumawa ito bigla. "Baliw." saka hinawakan ang kamay ko. "Thank you! Francis Pauline" nakangiting sabi nito sa'kin na nagpasimangot naman sa'kin.
"You're not welcome at tinatawag mo ako sa buong pangalan ko." wika ko na para bang nagtatampo.
Natawa ulit ito saka nagsalita. "Bakit ang galing mong mag advice ha." saad nito habang kinikiliti ako."Kung sino pa ang walang experience sa love, sila pa ang madalas magbigay ng payo" natatawang sabi nito.
"Well." mayabang tugon ko.
"You give the best relationship advice, yet your single." dagdag pa nito habang nakahawak parin sa kamay ko. "How is that possible?"
I just smirked. "Coaches don't play." pagkasabi ko niyon ay sakto naman tumunog nag bell hudyat na exam na namin.
Halos mag iisang oras din kaming sabay na natapos ni Rose mag exam, it's friday today, kaya naman excited akong umuwi para makapagrelax.
Habang bumababa kami sa hagdan ng magsalita si Rose. "Tara clubbing?" nakangiting sambit nito, pero halata pa rin ang lungkot nito sa mga mata.
Napaisip muna ako sa sinabi nito, gusto ko na talaga umuwi para magpahinga sana dahil ilang araw na din akong puyat kaka-aral. Pero dahil sa broken tong hinayupak na ito, sasamahan ko nalang, namiss ko na din mag night-out, noong 18th birthday ko pa kasi ang huling nakapag clubbing kami.
Tinignan ko ito, mukhang nag-aantay sa sagot ko, kaya napangiti ako at tumango. "Sige. Ipagpaalam mo ako kay Mama."
"Oo naman, kailan pa hindi." natutuwang sabi nito sa'kin. "Tara na para makapag-ayos." sabay hila sa'kin pababa ng hagdan.
Nang makarating kami sa parking lot, akma na sasakay na kami ng may tumawag kay Rose mula sa malayo, kaya naman sabay kami napatingin doon, para tignan kong sino iyon, Si Carl. Anong ginagawa nito dito? Eh, nasa kabilang building naman ang mga rooms ng Thrm.
"Tapos na exam niyo?" he asked ng makalapit ito sa'min
Tumango si Rose. "Uuwi na kami. Bakit?"
"May practice kami ngayon sa music room for this upcoming foundation day, baka gusto niyong manuod. At sabay sabay na tayong umuwi." nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa'min na para bang pinahihiwatig na pumayag na kami.
Humarap si Rose dito. "Gusto sana namin, baby... kaso mag clubbing kami ngayon." kibit-balikat na sabi nito.
"Edi after practice, magni-night out din kami ngayon." pangungulit nito, ayaw talaga nitong pakawalan si Rose, paano naman ako kung pumayag si Rose, ayaw kong makita si ugok, after noong hinatid niya ako kagabi, hindi ko na siya iniisip. For what reason pa, e nalaman ko na naman na kababata ko siya.
Tinignan ko si Rose, pinagdadasal ko na sana hindi ito pumayag. Sumulyap sa'kin si Rose, sumenyas ako ng bahagya na para bang sinasabi ko na wag pumayag, pero siguro tanga tanga itong kaibigan ko hindi na gets ang ibig sabihin ko.
Ngumiti ito saka bumaling kay Carl. "Sige, baby... after nang practice niyo uuwi muna kami ni Fp para makapag-ayos."
Tumango-tango ito. "Sure, uuwi pa din kami at bawal naman naka-uniform sa bar." giit nito saka mayamaya pa niyaya niya na kami sa kabilang building kung saan aandun ang music room.
Pagkarating namin doon, namamangha akong inilbot nag buong tingin sa loob niyon. Ang daming instrument, ay malamang music room nga pero nakakamangha lang at napakalawak nito kaysa sa music room noong highschool ako. Kung hindi niyo naitatanong dating kumakanta ako sa mga events sa school dati. Pero ngayon iba na ang focus.
"Fp?"
Awtomatiko akong napalingon, si Oliver, kaya naman nginitian ko ito. "Hi." bati ko dito, pansin kong natataka itong nakatingin sakin. "Niyaya kami dito ni Carl."
"Uh!" sabay hawak sa mga labi nito. "Eh, asan sila?" tanong nito habang nagpapalinga-linga.
"Nasa--" naputol na ang sasabihin ko ng pumasok na sila Rose at kasama nito sila Mark at Joshua. Hinanap naman na aking mga mata si Nj, ewan ko kung bakit? Basta hinanap ko lang siya.
"Hinahanap mo si Nj?" biglang nagsalita itong si Mark.
Hindi ako makapaniwalang tinignan siya at umuling-iling. "Hindi no? Bakit ko naman hahanapin yun." suwistyon ko sa kanya.
Ilang sandali pa bumukas ang pinto kaya sabay-sabay kaming napatingin doon. Pumasok ang bulto ni Nj, naka sunglasses habang nakapamulsa, takte hindi ko alam pero natigilan ako, para bang huminto ang mundo ko ng makita ko siya at tumingin ito sa direksyon ko, hindi ko lang pala sure kung sa'kin at hindi ko kita ang mata niya, pero base sa direksyon ng ulo niya sa'kin ito nakatingin.
Nagpakurap-kurap lang ako ng dumungaw sa likuran niya ang babaeng maarte. "What are you doing here?" maarteng tanong nito sa'min nang makita kami ni Rose.
Napansin ko sa gilid ng mga mata ko na aastang sasagutin iyon ni Rose nang pinigilan iyon ni Carl.
"I invited them here, Marijess." anito.
So, Marijess pala ang pangalan nitong maarteng babae na ito, pero kung sabagay bagay lang naman sa personality niya ang pangalan.
Pagkasabi niyon ni Carl, sinulyapan ulit kami nito na para bang nanunuri, at ilang sandali pa bumuntong-hining ito. "Okay, tara na mag practice." napipilitang sabi nito sa kaibigan na hindi manlang bumibitiw sa pagkakatingin sa'min.
Ano kaya problema nito? Hindi naman inaano pero ang taray-taray. Same talaga sila ni Ugok. Napatingin na naman ako sa gawi niya, tangna naman nagtama na naman ang mga mata namin, nag-iwas agad ako ng tingin, naiilang na ako.
After a while ago, nagsipunta na sila sa parang stage nitong music room. Kanya kanya silang kuha ng instrument. Si Carl, piano organ, Si Joshua, bass guitar, Si Mark, violin naman ang hinahawakan at napasulyap ako kay Oliver, sa drums naman siya.
Napatingin lang ako sa gawi ni Marijess ng chine-check nito ang dalawang microphone, sinundun ko ito ng tingin kung saan niya ito iaabot, kay Nj, so vocalist sila, ilang sandali pa ng tanggapin ni Nj ang microphone inilagay ito sa stand saka isinaklay ang sling ng lead guitar.
Umupo kami ni Rose sa medyong dulo ng music room na ito, at ilang sandali pa ay nag-umpisa na si Oliver maghahampas ng drum at kalaunan ay nag-umpisa nang kumanta si Marijess.
Oh, ey
You don't know, babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If I had it my way
You would know that you are
Napangiti ako ng marinig iyon, ang ganda din pala ng boses nito, mataray lang. Ilang andali pa nag chorus na ito, kaya medyo sumasabay si Nj sa kaniya.
I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part
Napalunok ako at nang init bigla ang mukha ko ng sumulyap si Nj sa gawi ko. Hindi ko talaga alam kong anong meron sa lalaki na ito para maghurumintado ang puso ko, wala naman itong ginagawa sa'kin pero takte grabe ang epekto nito sa'kin.
"Nakatingin si fafa Nj sa'yo, Inday." bulong ni Rose sa'kin, pero hindi ko iyon pinansin, masyado akong namumuhaling sa boses ni Ugok.
It's the sunrise
And those brown eyes, yes
You're the one that I desire
When we wake up
And then we make love
It makes me feel so nice
Oo masamang mag asssume pero tangna naman feeling ko kasi kinakantahan niya ako, sa'kin nakatingin. Hindi ko alam kung ano lagay ng mukha ko ngayon pero ramdam na ramdam kong pulang-pula na ako.
You're my water when I'm stuck in the desert
You're the Tylenol I take when my head hurts
You're the sunshine on my life
Masyado na ata ako nadala sa boses ni Nj at hindi ko manlang namalayan na natapos na ang kanta. Kung hindi lang ako niyugyog ni Rose baka nakatulala pa rin ako hanggang sa matapos silang mag practice. At ngayon andito na kami sa kotse, papuntang bahay after ng practice nila Carl ay nagpaalam agad kami para makapag-ayos. Magkita-kita nalang daw kami sa Diplomat.
Habang nasa byahe, panay kanta si Rose nung kinakanta nila Nj kanina, may pag ngiti pa itong nalalaman pag sumusulyap sa'kin.
"Ano na naman?" naiinis kunyareng tanong ko.
"Sus, kunyare pa lumalande na din naman." kasabay nun ay inihinto na nito ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. "Alam mo ikaw yung malanding pabebe." dagdag pa nitong hinayupak na ito, hindi pa nakuntento.
"Ewan ko sa'yo." sabay irap ko sa kaniya saka dire-diretsong bumaba ng kotse. Sinigawan ako ng Rose na hinintayin ko siya, pero hindi ko na iyon nilingon, dire-diretso lang ako pumasok ng bahay. Masyadong maraming alam si Rose, baka kung hintayin ko pa ay masakal ko na.
To be continued...