CHAPTER 6

1812 Words
We were on our way to Club Diplomat. I raked through my hair while I were inside Rose car. Mahaba at natural ang buhok ko, never ko pa itong pinaputulan since then. It was straight and in deep black hue. I mostly preferred this type of hairstyle. Nakasanayan ko kasi. Long black straight really suited woman with my kind of features. Brown eyes with skin that was white as snow. I wore simple halter style maroon dress for tonight clubbing. Actually, I have two personalities the boyish type and the girly type. At nakadepende iyon sa lugar or event na pupuntahan ko. Pagkapasok namin sa mataong club we went directly to our reserved table. Napatingin ako kay Rose nang halos ng mga waiter doon binabati siya, siguro ay regular customer nila ito. Ang alam ko this club known to be the party place for the rich and famous. Mayamaya pa ay nahagip na ng mata ko sila Carl. Agad naman itong kinawayan ni Rose. Tumango ito saka nakangiting naglalakad papalapit sa pwesto namin, and as usual lahat ng aandun sa loob ng club ay sa kanila nakatingin. No wonder mga gwapo naman kasi ito.  Napansin ko din si Nj na nasa likuran ni Carl, malamig na nakatitig sa'kin habang pinasadahan ng tingin ang suot ko. Sinulyapan ko siya ng palihim para tignan ang suot niya. He looked smokin hot  while wearing black long sleeve polo; its sleeves was folded up to his elbow. It was paired with dark blue jeans. I rolled my eyes ng makitang nakapalupot ang braso ni Marijess sa braso nito, Napailing nalang ako saka bumaling kila Carl.  "Hi." bati ko sa kanila. "Have a seat." anyaya ko pa. Napatingin ako kay Rose at Carl na halos na maglampungan sa harapan namin, hindi pa yan nakaka-inom paano pa kaya mamaya. I stared earnestly at Rose. She's fiercely gorgeous. Ikaw ba naman magsuot ng sobrang hapit na itim-na tube style dress.  Bagay ito sa sexy na katawan ni Rose. Napasulyap lang ako kay Mark ng tumabi ito sa'kin. "You're gorgeous tonight, Fp." nakangiting sabi nito sa'kin. Hinawi ko ang aking buhok sa likod para naman makita ang umiigting kong collar bone. "Thank you, Mark." kunyareng nahihiya kong sambit. Once in a while, umorder na kami ng alak. Agad naman iyon hinatid ng waiter sa table namin. Sinulyapan ko iyon isa isa, at takte mukhang maglalasing si Rose ngayon, meron lang naman dalawang bote ng black label at tatlong bote ng Mojitos sa harapan namin. Mukhang mapapalaban ako sa inuman ngayon. Napangiti ako bigla nang maisip na mukha lang akong inosente, pero pag dating sa inuman, matulog ka nalang at expert ako jan. Napa-angat lang ako ng tingin ng kinuha ni Oliver ang isang bote ng black label at saka binuksan iyon, kinindatan pa nga ako nito habang binubuksan ang bote, pagkabukas ay sinalinan nito isa-isa ang glass na naroon.. Inabot naman ni Joshua sa'kin ang isang glass na may laman na alak.  I smiled at him, sweetly. "Thank you, Josh." hindi ko alam kung naririnig niya ito at medyo lumalakas na ang music. Lumapit ito bigla sa'kin para siguro marinig ko ang sasabihin niya. "Oh! Nice... ikaw lang tumatawag sa'kin ng Josh na magandang pakinggan sa tenga."  "Talaga?" I muses, saka nilagok ang hawak na alak, napangiwi pa nga ako ng maramdaman ang lasa nun.  Nagsi-inuman na din sila, pero pansin ko gilid ng mata ko na madilim ang mukha ni Nj habang nakatitig sa'kin. Ewan ko lang ha pero ramdam na ramdam ko talaga na madilim ang mukha niya at magkasalubong ang kilay nito. Kaya naman para hindi ako mailang, tinignan ko siya at saka nginitian. Childhood friend ko din naman siya after all at saka hindi naman kami pumunta dito para magbangayan. Hindi ko mawari kong nakangiti ba ito o ngumisi lang ito sa ginawa ko at hindi ko mabasa ekspresyon ng mukha niya. Kinuha niya ang baso na may alak sa mesa at ininom iyon na hindi inaalis ang tingin sa'kin. Paksyet talaga to, nang-aakit ba siya? Kasi tangna naman naakit ako.  He licks his lips para simutin ang alak na nasa labi nito, napalunok ako a ginawa niya, at ilang sandali pa ay naghuhurumintado ang puso ko, nakaramdam ako ng ilang kaya nag-iwas akong tingin at nilagok ko na naman ang alak sa baso, hindi pa ako nakontento, binuksan ko na din ang Mojitos. Tangna pakiramdam ito, nakakaloka.  Pagkabukas ko  niyon, sinalinan ko iyon ng Mojitos pagkatapos ay naglagay ako ng asin sa itaas na bahagi ng hinlalaki ko. Alam kong nakatingin sila sa'kin, gayundin si Nj. Nilagok ko ang alak saka ginaya ang ginawa ni Nj kanina sa'kin, dahan-dahan kong dinidilaan ang asin sa may hinlalaki ko ng hindi kumakalas ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko kung paanong nagtaas baba ang adams apple nito. Pero hindi ko na iyon pinansin. I licked my lips as well as I continued to looked at him intently. Napatingin lang ako kay Mark ng magsalita. "Oh, that was so hot, Fp."  "You wanna try?" alok ko sa kaniya, tumango naman ito kaya sinalinan ko ng alak ang shot glass pa rin na ginamit ko kanina at saka inabot ito kaniya. Pagkabigay ko niyon ay kinuha ko ang kamay nito para lagyan ng asin sa may hinlalaki niyon, pagkatapos ay nag-angat ako tingin dito. "Drink." nakangiting sabi ko. After few hours of drinking ay mukhang natamaan na si Rose at Carl sa alak at naghahalikan na. Para sa'kin normal lang ang makakita ng nag mamake-out session lalo na't club ang pinuntahan ko, kaya inaasahan ko na iyon na ganun ang mangyayari kila Rose, ang problema lang paano ako uuwi hindi ako marunong mag drive. Nagpaalam kasi sila Mark na aalis muna gawa ni Marijess nagpapahatid umuwi, ewan ko kung ano lang ginawa niyon dito, hindi naman din uminom. Bumaling ako sa dance floor, gusto kong sumayaw kaso wala akong kasama, kasi ang dapat taong yayain ko ay abala. Hay nako, pag may alak talaga may balak. Sinulyapan ko nalang si Nj, nakapatong ang siko nito sa likod ng couch habang tinitignan ako. Pag niyaya ko ba ito sa dance floor, papayag ba? tanong ko sa sarili, pero agad nagpailing-iling ako para mawaksi ang iniisip ko, alam ko naman impossible iyon pumayag. Medyo may tama na ako pero promise hindi naman ako nalalasing agad. Kaya naman lumapit nalang ako sa kaniya, wala akong maka-usap at busy si Rose makipag chokchakan kay Carl. hindi ko naman pwedeng yayain ito para makipag sayaw. At ang boring naman kung uminom ako ng mag-isa. Nang makalapit ako ay inabutan ko na agad si Nj ng alak na para bang close kami sa totoong buhay, wala na eh, no choice ako. "Drink with me." sabi ko. Ngumisi ito. "Tss."  saka kinuha sa'kin ang baso na may alak saka linagok ito.  Ngumiti ako saka akma na sasalinan ng pinigilan niya ako. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya.  "What?" "Ako na." anito saka inagaw sa'kin ang bote at sinalinan ako.  "Thanks." kasabay nun ay itinungga ko na ang alak, tahimik lang kaming umiinom ni Nj nang mayamaya pa napatingin sa'min direksyon sila Rose. "Kanina pa kayo jan?" nagugulat na tanong ni Rose sa'min, halatang lasing na ito.  Inirapan ko ito, alangan kanina pa. Paano abala ka. bulong ko sa sarili.  Ilang sandali pa ay tumayo si Carl habang hawak hawak ang kamay ni Rose. "Guys, maiwan muna namin kayo." nakangiting sabi nito sa'min at saka bumaling ito ng tingin kay Nj. "Bud, ikaw na muna bahala kay Fp." pagkasabi niya niyon ay nagmamadali sila ni Rose lumabas ng club. Naiwan na talaga kami ng lubusan dito, yung tatlo hindi pa rin bumabalik. Ano ba naman ito?Ang alam ko clubbing ang pinunta namin dito hindi making.  Napabuntong-hininga ako at saka tumayo. Pupunta na muna akong banyo, titignan ko ang sarili ko baka wasak na lipstick ko, though light lipstick lang naman ang linagay ko, gusto ko pa rin mag banyo at nakakailang kasama si Nj, tahimik. Ayaw ko din daldalin, nahihiya ako. Akma na hahakbang na ako nang bigla may humawak sa pulsuhan ko kaya nagbaba ako ng tingin.  "Where are you going?" he asked. "Magba-banyo lang ako." paalam ko kaya naman tumango ito saka binitawan ang pulsuhan ko. Nang makarating nang banyo ay agad akong humarap sa salamin para tignan ang itsura ko, buti nalang ay maayos pa rin, medyo mapungay lang ang aking mata dahil sa madami na akong nainom, naghilamos ako ng mukha para matanggal na ang make up ko, at saka para na din ma preskuhan ko. It is my way to freshen-up para hindi ako malasing. Pagkatapos kong maghilamos kinuha ko yung tissue sa pouch kong Gucci, isinabay ko na din ang panali ko sa buhok at suklay. Itatali ko ang buhok ko at naiinitan na ako. Actually hindi ako mahilig magtali ng buhok, pag nakainom lang para mahimasmasan ako. Pag sobrang init kasi tulad ngayon ay nalalasing ako. Kaya naman nang nakapagpunas na ako ng mukha, nagsuklay ako saka itinali ko ang buhok ko ng ponytail style, taas na taas iyon para mas bumagay pa rin sa outfit ko. Pagkatapos ay nag toothbrush ako. Sorry not sorry, pero basta inuman ang pupuntahan ko hindi pwedeng mawala disposable tootbrush. Gusto ko kasi amoy fresh pa rin ako kahit naka-inom na. Ten minutes ata tinagal ko sa banyo, kakaayos ng sarili para hindi malasing, bago napagdesisyunang lumabas. Napaigtad lamang ako ng mangibabaw ang boses ni Nj sa gilid ng banyo. "What took you so long?" awtomatiko akong napalingon dito, magkasalubong ang kilay nitong tinitignan ako halatang nag-antay talaga ito ng matagal sa'kin, pero bakit naman? Humarap ako sa kaniya. "Nag-ayos lang ako, sobrang init dito sa loob." pagpapaliwanag ko. "Let's go home, then." sabi nito saka akma na hahawakan ang pulsuhan ko ng iniwas ko ito, kaya napakunot-noo siyang tinignan ako. "What?!" "Paano sila Rose?" sambit ko dito. "Baka bumalik yun, tapos wala na tayo." Nakapamulsa itong humarap sa'kin. "Nakabalik na sila nung nasa banyo kana." wika nito sa'kin. "Eh? Asan na sila? Tara puntahan natin." aasta na akong aalis para bumalik sa pwesto namin kanina ng pinigilan ako ni Nj.  "Wait." sabay hawak ng braso ko. Nakataas ang kilay kong nilingon siya. "Why?!" pag ito may magsabi ng wala matatadyakan na naman ito. bulong ko sa aking sarili. "Umalis na sila." kibit-balikat na sabi nito sa'kin. Napaawang ang labi ko. "Bakit?! Paano ako?! Hindi ako marunong mag drive. For god's sake." naghihisterikal na sabi ko habang sapo sapo ang noo. Lagot ka talaga sa'kin Rose. Lagot ka sa'kin. Akma na magsasalita pa ako nang bigla nalang akong nagulat ng hinatak na ako ni Nj palabas ng club hanggang maka-abot kami sa parking area. Hingal na hingal akong tinanggal ang kamay nito sa pulsuhan ko. Takte naman ang bilis maglakad nito, alam naman niyang naka high heels ako.  "W-wait!" pigil ko sa kaniya ng maglalakad na ito papalapit sa sasakyan. "Nakakapagod, ang bilis mong maglakad alam mo ba yun?" suwistyon ko sa kaniya. Ngumiti ito at sa pagkakataon na iyon, tumigil na naman ang mundo ko ng makita sa unang pagkakataon ang nakangiting mukha ni Nj. Takte, bakit nagkakaganito ako? Hayup? wag mong sasabihin self may crush ka jan sa ugok na yan. No no for me. muntangang pakikipag-usap ko sa sarili. Ilang sandali pa napatitig ako kay Nj ng lumapit ito sa'kin at pinagpantay ang aming mukha. Inaakit ba ako nito? Takteng lalaking to. At mayamaya napatingin ako sa pulsuhan ko ng hinawakan niya ito at saka hinila na papasok ng sasakyan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD