IRON POV
Hindi ko isinasara ang posibilidad na maaaring tulad ng iniisip ko ang taong iyon pero... nangyari na ito dati.
Pero Miss Iron, hindi ako sigurado sa ideyang yung lalaking iyon ay isang produkto ng pagiging robot. Matagal nang lumipas ang panahon ni Shinozui Miyamoto at imposibleng ia-adapt pa rin ng kung sino mang main controller ang pagkontrol ng tao at gawing robot.
Patuloy na bumabagabag ang mga linya ni Arthur sa isipan ko. Hindi ko lubos maisip na darating sa puntong makaka-encounter ako ng robot sa totoong buhay. Tsk. Akala ko, fictional lang ang mga iyon.
Naguguluhan na ako.
Sigurado akong tauhan iyon ng Phantom na sumugod sa kwarto ni Sandra pero 'yung bagay na robot ang tauhan ng Phantom. s**t. Mas magulo ito kaysa sa inaakala ko.
Ipinangako ko pa naman kay Artery na gagawin ko ang lahat para lang mahuli ko ang Phantom at patayin sa sarili kong kamay pero mukhang magiging imposible na ito.
Haay. Sa tanang-buhay ko, ngayon lang ako pinanghinaan ng ganito.
"Excuse me po, Miss Haynes. Pwede na po kayong pumasok," sabi ng isang lalaki.
Nasa Holmberg ako at naisipan ko ng asikasuhing hanapin ang bumangga at sumira sa ilaw ng sasakyan ko.
Isa pa naman iyong Proton preve at higit sa lahat, ipinahiram lang iyon ng agency para sa misyon ko. Kung ibinigay kasi nila na maayos ang condition, dapat maayos pa rin ang condition no'n hanggang sa pagsasauli. At hinding-hindi ko mapapalampas ang damage na iyon.
Pumasok na ako ng kwarto at bumungad sa akin ang napakaraming monitors. Karamihan ay nakadikit sa pader. At tulad nang nasa van namin, bawat isang monitor ay equivalent ng isang CCTV camera.
"Saan po ba nakapwesto yung kotse niyo?" tanong ng lalaki na siyang nagbabantay sa CCTV.
Ang isa sa mga ikinaganda ng Holmberg ay ang serbisyo dito. Inaasikaso nila ang bawat tao at itinuturing na bisita na kailangang bigyang-pansin at agarang aksyon. Iniiwasan kasi nila na magkaroon ng issue o may masasabing hindi kanais-nais ang mga tao tungkol sa Holmberg. Isa pa, elite ang university na ito kaya ganon.
"Sa may bandang harap ng main gate."
"Ah okay po," may kinalikot siya na hindi ko na nakita.
"Kailan po ba nangyari yung insidente?"
"Two days before this afternoon."
"Ano pong kotse niyo?"
"Proton preve."
Tumango siya at ibinalik ang tingin sa tinitignan kanina.
Inaasahan ko na baka empleyado ng Holmberg government ang naka-hit ng kotse ko. Pero kung opisyal siya ng Holmberg, hihingi siya ng kapatawaran dahil sa nangyari. O baka naman isang professor dito sa Holmberg?
"Miss Haynes, nakita ko na po."
Iniharap niya ang laptop niya sa akin at nakita ko nga doon ang kotse ko.
Tahimik at tila mahimbing na natutulog ang kotse ko na naka-park sa harap ng gate ng Holmberg. May bayad kapag dito nag-park sa harap ng unibersidad kumpara sa parking lot, pero nagmamadali na kasi akong makababa nung tanghaling iyon kaya naman nagbayad na lang ako ng fee para lang makapag-park doon.
Ilang minuto ang lumipas at ganon pa rin ang nangyari, hanggang sa may sumulpot na isang Limousine mula sa likuran ng kotse ko at nagpupumilit na makadaan sa pagitan ng kotse ko at ng isa pang kotse. Bale, napapagitnaan namin ang Limousine. Ilang beses pinagtangkaan ng Limousine na makadaan pero hindi niya magawa.
Tinitigan ko ang senaryo kahit na alam ko na ang mangyayari. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mapanood ko ang susunod na nangyari. Pinipilit ng Limousine na makadaan kahit na alam niyang imposible iyon kaya naman binangga niya na lang ang kotse ko para makaalis. Nasira ang ilaw sa likuran ng kotse ko pero yung isang kotse na nakaharang din, hindi niya nagawang banggain? Bwisit.
"Sino ang nagmamay-ari sa Limousine na 'yan?" may pagtitimpi na tanong ko.
"Alam ko po, si Thomas Beuford---"
"Anong building at floor ko siya matatagpuan?"
"Building C, 4th floor."
Tumakbo agad ako palabas ng kwarto. Buti na lang at kahit papaano, alam ko 'yung building na sinasabi niya.
Nang marating ko ang building ay tinungo ko agad yung 4th floor. Medyo nakakapagod pero walang urungan ito.
Huminto ako nang nasa pinakamataas na palapag na ako at napagdesisyunan ko na magtanong sa isang estudyante sa tapat ng room ng Almighty.
"Sino si Thomas Beuford?"
Natagpuan ko lang 'yung lalaking lumabas mula sa room ng Almighty at mukhang pababa na ito.
"Ah yung kulay tsokolateng buhok! S-Siya 'yun!" may panginginig na sabi niya.
Tumango ako at walang pahintulot na pumasok sa kwarto nila. Wala akong pakialam kung maging isa akong trespasser dito, mas walang kwenta yung ginawa no'ng Thomas na iyon sa kotse ko.
Nilapitan ko 'yung lalaking nakita kong nagbabasa ng Encyclopedia. Siya 'yun.
Ramdam ko 'yung mga tingin sakin ng ibang estudyante sa kwarto. Marahil ay nagulat sila dahil sinugod ko 'yung lugar nila.
Ibinaba ko 'yung librong binabasa niya at kwinelyuhan ito.
"Ikaw si Thomas Beuford, 'di ba?"
Binigyan niya lang ako ng isang malamig na tingin na sa palagay ko ang sagot ay oo.
"So, ikaw 'yung may-ari ng Limousine na sinira yung ilaw ng kotse ko sa likod. 'Yung walang-hiyang---"
"I never did something hilarious like that."
Natigilan ako. Sa tono ng pananalita niya, parang nagsasabi siya ng totoo na ayaw namang paniwalaan ng mga tenga ko.
"Iron---!" narinig ko pa si Cream na pinigilan ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi lang ako ang nagmamay-ari ng ganong sasakyan dito sa Holmberg. Sana man lang inalam mo muna bago mo sinugod ang maling tao rito."
"Sino pa?"
"Si Xenon---"
"Saan ko siya makikita?"
"Malay ko, hindi naman ako directory."
Mas humigpit ang paghawak ko sa kwelyo niya pero binitiwan ko 'yun nang magsalita si Cream.
"Pauwi na siya. Siguro nasa kotse niya na siya na naka-park sa harap ng main gate."
Agad akong bumaba ng building ng marinig ko yun. Hindi pwede. Hindi pwedeng makawala siya ng ganun ganun lang.
Halos lumuwa na ang puso ko dahil sa bilis ng heart beat ko habang tumatakbo.
Nang marating ko ang main gate ay agad kong nakita ang Limousine. Hinarang ko ito.
"Hoy! Lumabas ka dyan!" pagwawala ko.
Walang lumalabas. Tsk.
Kinalabog ko 'yung unahan ng kotse. Kung pwede lang maglabas ng baril dito, ginawa ko na.
"Sinabi ng lumabas ka dyan!"
Mula sa driver's seat ay lumabas ang isang matandang lalaki na nasa edad forty pataas.
"Ma'am, ano po ba ang kailangan mo?"
"Binangga mo ba 'yung likurang ilaw ng Proton preve ko?"
Hindi nakasagot 'yung driver dahil mula sa isang pinto ay lumabas ang isang lalaki. Kulay itim ang buhok nito at maayos na naka-tuxedo.
"Ano bang problema dito?" unti-unti siyang lumapit samin ng driver. Habang naglalakad siya, hindi ko maiwasan na mapatingin sa panginginig ng driver.
"Walang habas niyong binangga yung likurang ilaw ng kotse ko para lang makadaan. Sino ba namang hindi maiinis sa ginawa niyo?"
Nalipat ang tingin ni Xenon sa driver niya.
"Totoo ba 'yun?"
"O-Opo Sir. P-Pasensya na po."
Tumalikod si Xenon samin at nagsalita bago pumasok sa kotse.
"Pumasok ka sa loob, Iron," sabi niya nang walang kahit na anong ipinupukol na tingin sakin.
Noong una, nagdadalawang-isip pa akong pumasok pero ginawa ko na. Para sa ekonomiya.
Binuksan ko ang pinto ng Limousine kung saan ko nakita si Xenon na pumasok.
Malamig ang loob at parang may air con. Nakita ko siya sa kabilang dulo ng upuan na nakatingin sa bintana.
"Anong kailangan mo?"
"Pambayad sa damage na ginawa niyo."
"Kailan mo gustong ibili kita ng kotse?"
Awtomatiko akong napangisi sa sinabi niya. Hindi niya lang alam, may Lamborghini Aventador ako. Nakatago nga lang.
"Ang sabi ko, pambayad sa na-damage niyo. Ibig sabihin, pera."
"A---"
"Four hundred thousand. Huling tawad."
Pagkatapos kong masabi 'yun, lumabas ako ng kotse at padabog na isinarado ang pinto.