IRON POV
"Teka---!"
"Wag mo nang subukan pang kumawala dahil mabibigo ka lang," sabi ko.
"A-Anong gagawin mo s-sakin?"
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at itinali ko ito gamit ang lubid na nakatago sa bulsa ko. Ipinaupo ko siya sa isa sa mga upuan na nasa bandang dulo ng kwarto at itinali ko ang katawan niya rito.
"Sandali, sino ka ba?" tanong ng lalaki.
Sumampa ako sa harap niya. Bale, nakakandong ako sa ibabaw niya ngayon at ang lapit namin sa isa't isa.
"S-Sandali, wag muna ngayon, please..."
Tumaas ang kilay ko at nang matauhan na ako, sinampal ko siya.
"Tumigil ka nga. Wala akong interes sa bata."
"A-Ano? B-Bakit ka pala nandito?"
Huminga ako ng malalim. Uumpisahan ko na ang pagtatanong.
"Nandito ako dahil kay Dutch Weiss. Nasaan na siya ngayon? Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nawawala? Isa ka sa naalala kong huli niyang kasama. Tinangay niyo siya noh?" sunod-sunod kong mga tanong.
"W-Wala akong alam sa sinasabi mo."
"Hindi ako naniniwala," sabay iling na sabi ko.
Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yun. Isa siya sa mga estudyante na sinundo si Dutch sa cafeteria. Siya yung nag-iisang lalaki na may kasamang dalawa pang babae.
"'Yung mga kasama mong babae, nasaan na sila?"
"Hindi ko alam..." bitaw niya.
"'Wag kang magkakamaling magsinungaling sakin dahil hindi mo alam kung paano ako magalit at hindi ako magkakamaling isuplong ka sa mga pulis na nasa baba lamang ng palapag na ito."
"H-Hindi ko nga sabi alam. Bakit kung makapagsalita ka, parang hindi ka isang journalist? Bakit parang..."
"Tumigil ka nga. Wala ka bang sasabihin?"
Hinawakan ko ang gitnang bahagi ng necktie niya at hinila ito.
"Wala nga akong alam sa nangyari, bakit ba ayaw mong maniwala?" bakas sa tono ng boses niya ang matinding pagkainis.
Pero hindi ako patitinag dahil do'n.
Hinawakan ko ang dulo ng necktie niya at hinigpitan ang pagkakatali, 'yung tipong masasakal na siya.
"Hindi ka pa rin ba magsasalita?"
He sighed. Hindi ko alam kung paano niya nakuhang huminga ng malalim gayong nasasakal ko na siya.
"Isang minuto na lang ang nalalabi bago sila umakyat dito. Ang tanong, gugustuhin mo bang magpahuli sa kanila?" kahit na nasasaktan na siya, binigyan niya pa rin ako ng isang nakakalokong ngiti.
Isang ngiti na tagumpay na nakapagpainis sakin.
Isa sa mga kinaiinis ko ng todo ay ang pag-ikli ng oras ng break time ng Holmberg. Bahagi ito ng pagkawala ni Weiss kaya naman iniklian ang oras ng break time para mas mahaba ang imbestigasyon na mangyari. Dahil hindi nga pwedeng makita ng mga estudyante ang mga imbestigador, ang mga Almighty lang ang nakakaalam at iilang mga Behemoth.
Tumayo na ako.
"s**t. Mamaya, aabangan kita pag-uwi. Humanda ka," sabi ko at naglakad na palayo.
"H-Hoy! Alisin mo ako dito!"
---
"Kumusta?" tanong ko sa lalaking itinali ko sa upuan kanina.
Napahalukipkip siya.
"Ikaw na naman?" tila problemadong tanong niya.
"Hindi ba't binalaan kita na aabangan kita pag-uwi mo? And so this is."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pagkalayo na pagkalayo niya sa Holmberg ay hinila ko na siya at inihagis papasok sa sasakyan na ibinigay ng agency.
Pinaandar ko ito.
"Saan mo ba ako balak dalhin?"
Sa katunayan niyan ay hindi ko rin alam. Basta pinapanatili ko lang na umandar itong kotse patungo sa hindi ko alam na direksyon.
"Uuwi na ako."
Binuksan niya ang pinto sa passenger seat habang walang pahintulot ko at umaandar pa rin ang sasakyan.
"Gusto mong tumalon at magpakamatay? Sige. Papayagan kitang gawin 'yan pero hindi ngayon."
Hinila ko siya papasok ng sasakyan at isinarado ang kotse.
"Ano ba talagang kailangan mo sakin?" kulang na lang siguro ay sapakin niya ako sa sobrang inis o galit na nararamdaman niya pero dahil babae ako ay siguro hindi niya magawa.
Inihinto ko ang sasakyan na ikinagulat niya—pareho talaga sila ni Fleen. Gabi na naman kaya mas okay na ito.
Tahimik ang lugar na ito at tamang-tama ito para malaman ko ang kasagutan. Ang tamang impormasyon.
"Alam ko, alam kong nagkasama kayo ni Weiss nung araw na huli siyang namataan," seryoso ngunit dahan-dahan kong wika.
"Hindi totoo 'yan!"
"Bakit ba ang dali-dali lang sayo na itago ang lahat? Hindi ka ba nababahala sa pagkawala ng isang Behemoth?"
Kaklase niya si Dutch Weiss dahil ang lalaking kasama ko ngayon ay kabilang din sa section ng Behemoth.
Naramdaman ko ang pagsimangot niya. Payat ang isang ito, halata sa pangangatawan niya na lampahin siya at sakitin. Mukha siyang nerd dahil sa kapal ng salamin na suot niya pero hindi tulad ng ibang istorya, wala siyang braces. Pero isa siyang Behemoth. At ayon sa pagkakaalam ko, hindi makakapasok ang isang ito sa section na iyon kung wala siyang kahit anong tinataglay na kakaiba.
"Hindi ko lang siya basta kaklase, kung alam mo lang..."
"Sabihin mo sakin ang lahat at willing akong makinig."
"Hindi pwede. Isa ka lang journalist..."
Ah... kung gano'n.
Inilabas ko ang lisensya ko sa pagiging agent mula sa aking wallet at ipinakita ito sa kanya.
"Okay ka na?" sabi ko habang mariin niyang tinitignan ang lisensya ko.
"T-Totoo ba talaga yan?" manghang-mangha na sabi niya.
Tumango ako.
"Sa katunayan, top 2 ako among all the agents nationwide."
"So, nandito ka ba dahil may mission impossible ka?"
Kumunot ang noo ko matapos ay tsaka ko lang naintindihan ang sinabi niya.
"Oo. Gano'n na nga."
"Pero bakit hinahanap mo si Dutch? Siya ba ang iimbesigahan mo? Akala ko ba journalist ka?"
"Hey, isa-isa lang. Basta kailangan kong mahanap si Weiss dahil sigurado akong siya ang susi para maresolba ko ang kasong ito. Pero magagawa ko 'yun kung makikisama ka."
Umiiling siya.
"Hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga nangyayari," panimula niya.
"Kahapon, may biglang sumugod sa bahay na hindi ko kilala at ngayon naman---"
Mabilis kong nahuli ang sinabi niya.
"May sumugod sa bahay mo? Sino siya? Pulis ba, imbestigador, o yung mismong kumuha ka---"
"Sigurado akong wala siyang kaugnayan sa lahat ng sinabi mo, Miss---"
"Iron. Iron Haynes."
Tumango siya.
"Gaya nga ng sinabi ko, tingin ko, wala siyang connection sa lahat ng sinabi mo."
"Nakilala mo ba kung sino siya? Anong pangalan niya? Anong ginawa niya sayo?"
"Wala siyang kahit na anong ginawa sakin. Physical contact, kahit ano. Nagtanong lang siya sakin at umalis na matapos ang ilang minuto."
"Anong tinanong niya sayo?"
Napangiti siya.
"Tulad ng tinanong mo."
"A-Ano raw ang pangalan niya?" hindi ako makapaniwalang nanginginig ako ngayon.
"Hindi ko alam. Hindi ko nakuha. Basta ang nahalata ko lang, may tattoo ang lalaking iyon sa kanang wrist niya at sa batok niya na magkaparehong-magkapareho."
"Saan ko siya pwedeng mahanap? May alam ka ba?"
"Wala. Kahapon ko lang siya nakita."
"Bumalik na tayo sa isinagot mo sa lalaki."
Huminga siya ng malalim.
"Hindi ko alam kung anong nangyari kay Dutch. Sinundo namin siya sa cafeteria dahil balak sana namin na isama siya sa pag..."
"Pag? Ano?"
"Pagka-cutting. Binalak namin na gawin 'yun. Pumunta kami sa tambayan namin at nag-arcade gaya ng napag-usapan. Pero nang pauwi na'ko, may isang hindi inaasahang lalaking dumating sa tambayan."
"Isang lalaki? Kilala niyo ba siya? Kilala mo?"
"Namumukhaan ko ang taong iyon pero hindi ko alam kung bakit siya nasa tambayan nung araw na 'yun. Wala naman kaming inaasahang bisita that time dahil walang sinasabing kahit na ano sila Dutch."
May pagka-gatecrasher pala ang taong tinutukoy niya.
"Maaari mo bang i-describe sakin yung lalaki?"
"Mas matangkad siya sayo ng kaunti, medyo may pagka-maskulado ang katawan ng bahagya, may itsura siya kung titignan pero mukhang bad boy."
"Gangster type?"
"Exactly."
"Nung dumating siya sa tambayan niyo, may nakakakilala ba sa kanya?"
"Meron. Si Sandra, yung isa pa naming kasama."
Tumango-tango ako.
"At si Dutch din."
Mabilis akong napatingin sa kanya.
"Si Dutch Weiss? Kilala niya 'yung lalaki?"
"Oo. Sa katunayan niyan, si Dutch pa ang unang sumalubong sa lalaki pagdating nito. Pero bukod pa do'n, wala na akong alam na nangyari dahil sabi ko nga kanina, pauwi na ko nang dumating ang naturang lalaki."
Kapag nalaman ng mga pulis ang tungkol sa impormasyon na ito, malamang ay magkakaroon si Weiss ng kasalanan at maaaring lumabas sa imbestigasyon na ginusto niya at bukas sa loob niya ang nangyari.
Baka lumabas na kasalanan mismo ni Weiss kung bakit siya napahamak. Bakit naman siya magka-cutting kung wala namang kahit na anong hindi kagusto-gusto sa Holmberg? Maaari pang lumabas sa unang pagtataya na maaaring ang lalaki ang kumuha kay Dutch at may nangyari sa kanila na ginusto naman ni Dutch.
At pag nagkatotoo ang mga hinala kong ito, isa lang ang alam kong maiipit sa gulo, at iyon ang Holmberg.
Alam na nila ang mangyayari kaya maaga pa lang ay pinoproteksyunan na nila ang kanilang unibersidad.
"Bukod sayo, sino pa ang nandun?"
"Ang lalaking hindi ko kilala personally, si Sandra, si Colleen, at si Dutch lang."
"Sino si Sandra?"
"May phone number ako niya pero hindi ko alam kung saan siya mahahanap maliban na lang sa tambayan namin. Gaya ko, inimbitahan lang siya."
"Sino ang nag-imbita?"
"Si Colleen."
"Nasaan na siya ngayon?"
Natigil siya ng sandali bago magsalita.
"Nawawala na rin siya ngayon."