Two

1194 Words
Napahinto sa paglalakad si Sm ng biglang may dumikit sa kanya at humawak sa kanyang braso kasabay ng pagkatutok ng matulis na bagay sa kanyang tagiliran, ramdam din nyang pagkasugat ng balat nya dun kaya natitiyak nyang patalim ang hawak ng lalaking halos yumakap na sa kanya. " Wag kang kikilos at wag kang lilingon Miss. Wag ka ring sisigaw kung ayaw mong ibaon ko sa tagiliran mo itong patalim na hawak ko. Holdap 'to akin ng bag mo." Kalmado lang si Sm, ni hindi sya nagsalita ng kahit na konti, basta na lang nyang pinadausdos ang nakasukbit na bag sa kanyang balaikat. Ayaw nyang may masamang mangyari pa sa kanya kaya kusa na lang nyang ibibigay ang hinihingi ng holdaper kesa mapahamak pa sya. "Hehe madali ka naman palang kausap Miss eh! Hindi ka lang maganda kundi masunurin kapa." Nakangising sabi ng lalake kay Sm ng makuha na nitong bag ng dalaga. Akma na itong aalis ng may pumigil dito. "Hep,, san ka pupunta ha? Ibalik mo kay baby girl yang kinuha mo." Napabaling ang tingin ni Sm at ng mamang holdaper sa nagsalitang si Prince. Katabi nito si Mark na nakapamulsang nakikinig lang sa kanilang usapan. "At sino ka para utusan ako. Akong nakaunang kumuha ng bag sa kanya kaya dapat akin lang to." Galit na singhal ng mamang holdaper kila Prince at Mark na ganun pa rin ang porma, walang pinagbago ang hitsura ng dalawa. At ng akmang aalis ng holdaper inisang hakbang lang ito ni Mark, dinakma nyang kamay nitong my hawak sa patalim pagkatapos ginamit nyang kaliwang braso payakap sa leeg nito para pangsakal dito. "Akkk.. bit - akk bitawan mo.. ko hahh." Pilit kumakawala ang lalaki kay Mark pero wa epek, sa laki ng pangangatawan ng binata malabong makatakas pa sa mahigpit nitong sakal ang lalaki, hanggang sa mabitawan na nito ang hawak na bag ni Sm. Na pinulot naman ni Prince at iniabot sa nakatulala pa ring dalaga. "Baby girl oh! Bag mo, umuwi kana kami ng bahala sa kanya." Inabot ni Prince ang dalawang kamay ni Sm saka inilagay ang bag nito doon. "Ha!" Napakurap si Sm ng maramdaman sa mga nakabukas na palad ang bag nyang ipinatong ni Prince dun. Na kay Mark kasi nakatutok ang kanyang tingin at nakatitig din ito sa kanya, kaya di nya narinig ang mga sinasabi ni Prince sa kanya. "Wooohooo... Nak ng tipaklong naman.. Ibang level na talaga itong sa inyo ah! Medyo halatain ng titigan nyung dalawa.. Nangangamoy libre na naman ituuu." Sabay pang nagkangitian sa isa't isa sila Mark at Sm. Na ikinatawa naman ng malakas ni Prince. "Tangna, parang hangin lang ako dito ah! Akin na nga yang bihag mo ng madala ko na sa presento.. Sige mag moment na kayong dalawa, tuloy nyu lang yan ha!" Napailing iling na lang si Prince habang hila hila sa damit ang holdaper, malayo ng nalalakad nila ng maisipan nyang lingunin sila Mark at Sm. Nandun pa rin ang dalawa, ganun pa rin ang pwesto nagtititigan lang at nagngingitian sa isa't isa. "Hay.. Lentek na pag ibig yan nakakabuang hahaha." Wala sa sariling biglang nasambit ni Prince. Na sinagot naman ng holdaper na hawak hawak nyang kwelyo ng damit nito. "Ba't nyu nasabi yan Sir? siguro dipa kayo nain love nuh? hehe." Bibigwasan nya sana ito ng suntok dahil sa inis pero kaagad ding nagbago ang mood nya ng maalala ang sinabi ng bestfriend nyang si Mia. 'Wag na wag kang mananakit ng kapwa lalo na't wala namang ginagawang masama sayo.' Napabuntong hininga na lang si Prince saka binilisan ang paglalakad gusto na nyang matapos ang lahat para mapuntahan na nyang kaibigan. Samantalang sila Mark at Sm naman ay napadpad sa loob ng isang cafe, masayang nagkukwentuhan ang dalawa na tila close na't walang pagkailang namagitan sa kanila dati. "Paano kaba maging girlfriend? Ahm... ibig kong sabihin, hmm.. anong klaseng girlfriend kaba?" Biglang napahinto sa pagsubo ng cake si Sm ng marinig ang tanong ni Mark sa kanya. Napaisip tuloy sya sa tanong nito, kahit na medyo nagtataka sya sa pagbabago ng topic nila sinagot nya pa rin ito ng may sensiridad at ngiti sa mga labi. "Anong klaseng gf ako?" Nag isip naman sya ng malalim.. "Hindi ako yung tipo ng girlfriend na demanding, hell no. Ang gusto mo, gusto mo. Hindi kita babaguhin for the sake na masabing.. 'nang mapunta ka sakin', malaki ang pinagbago mo. Dahil hindi ako rehab, girlfriend ako. Hindi kita sasabihan na bili mo ko nito, bili mo ko niyan. Dahil hindi mo naman ako anak, girlfriend ako. Hindi kita pipilitin na gawin mo yung mga bagay na hindi naman nakakapagpasaya at pabor sayo. Hindi kita pagbabawalan mag-laro ng online games at physical games katulad ng basketball, at hindi rin kita babawalang uminom. Dahil kung pinayagan ka ng magulang mo, anong karapatan kong maging kj sa buhay mo? Kung ayaw mo ng clingy, I'll give you what you want. Ang sakin lang kasi eh, you get what you deserve. Kung ayaw mo ng walang pakialaman, edi wag. You get what you want. Just that, give me your time. All I ask for is your time. Kahit na half of it, quarters of it, kahit na hindi buo. Maramdaman ko lang even once na mahal mo ako. Na you care for me. Na I am worthy of you. Now, kung hindi pa sapat para sayo yun, aba! Eh, goodluck sayo este sa future boyfriend ko pala." "Hahaha Perfect! So, single kapa pala, kasi, kasasabi mo lang 'future boyfriend' hmm." Napatitig na lang si Sm kay Mark, pinasadahan nya ito ng tingin. Kahit na simpleng white shirt lang ang suot ng binata saka namumutok sa muscle ang katawan nito at kitang kita ang mga tattoo nito sa braso gwapong gwapo pa rin ang tingin nya dito. Crush nya na ito noon pa ng una nyang makita ito sa bahay ni Prince. At kahit na malaki pang agwat ng edad nila hindi yun hadlang para kalimutan at balewalain ang nararamdaman nya dito. "Ikaw Mark, paano kaba maging boyfriend? anong klaseng boyfriend kaba?" Lakas loob nyang tanong sa binata na kaagad napangiwi at napakamot ng batok nito. "Paano ako maging boyfriend? Wala namang rules akong binibigay basta mahal ko, mahal ko. Yun na yun, kasi para sakin kapag mahal mo ang isang tao, hindi naman required na dapat may dahilan pa. Kasi ang love, kusa lang natin yang nararamdaman. Yung tipong pag tinanong ka nya kung bakit, ikaw mismo clueless kung bakit. Ikaw mismo hindi mo maeexplain kung saan, paano, at kailan nag umpisa yung feelings mo sa kanya. Ang tao naman hindi mo yan minamahal ng dahil sa nakikita mo sa kanya eh. Minamahal mo yan kasi yun yung nararamdaman ng puso mo at sinasabi ng isip mo. And only God knows why…" Sa narinig na sinabi ni Mark sa kanya mas lalong nahulog ang loob nya dito. Hindi na lang basta crush nya ito kundi parang mas minahal nya pa ito ngayon. Wish nya lang na sana sya na lang ang mahalin nito. 'Sana ako na lang ang mahalin mo Mark!' Yun ang hiling nya. Ay mali!... Hiling pala ng puso nya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD