It all started out at a simple interaction.
who would have thought that, the mere interaction could lead to something bigger and something great.
I actually do know him. but only by his name, kasi he was my neighbor’s friend. If it wasn’t for him, l wouldn’t have met him in the first place. I only get to see him everytime na pupunta siya sa apartment and tatambay sila sa kapitbahay namin, it was technically our first meet.
But then, our first and real intention, happened all because of a simple gesture, if it weren’t for me staying longer sa school that day, that simple moment wouldn’t have happened.
I was on my way home. at syempre dahil nga walking distance lang naman ang school ko sa inuupahan namin, legit na walktrip lang. Siguro more or less, 30 steps ko yung layo ng bahay namin sa school ko. So ayun, I stayed longer sa campus before I decided to go home, kasi I was actually having banters with my friends before kami umuwi kasi it was our exam day.
So syempre, mga sabik umuwi para makapagrest and everything. but before we go off, nagstay kami saglit sa campus and kwentuhan, and when we decided to take off, I started taking my route pauwi sa bahay, and when I was about to reach the compound of our apartment, l already saw that the gate was wide open. So without having any second thoughts, dumiretso na ko papasok ng compound kasi l thought that someone might have gone out and forgot to close the gates. So as a tenant sa compound, instantly dumiretso na ko to close the gate before ako dumiretso sa unit namin.
Kaso, mali pala yung akala ko. kasi all this time, Mark was there. it just happened na mas nauna akong nakaabot sa gate to close it kasi he just went there to park his car kasi pupunta siya sa unit ni Prince. when I was done closing the gates kabababa niya lang ng sasakyan niya and that happened to be our very first interaction.
He said na, he will close the gate naman daw after he turn off the car, it just happened na naunahan ko siya, and who would have thought? that all because of a simple gesture, lead to a bigger picture in the future?
And as the saying goes, the littlest things, truly matters the most. so never underestimate the power of a simple act that a person can give and provide for you. You never know, that simple gesture might happen to have a huge impact for you in the future. Always be grateful, and most importantly, always do things with compassion and joy in your heart.
⚔⚔
"Sana kapag sinabi ng babae na mahal ka. Yung totoong mahal. Yung totoong mahal na hindi ka kayang tiisin. Yung totoong mahal na palaging may oras sa ‘yo kapag kailangan mo siya. Yung totoong mahal na hindi ka iiwan sa ere kapag malungkot ka. Yung totoong mahal na kapag nagtatampo ka, susuyuin ka at hindi na makikisabay pa. Yung totoong mahal na kapag malungkot ka, itatanong kung ano yung problema at susubukan niya ang lahat maging okay lang ang lahat, para sa 'yo. Sana yung ganung pagmamahal. Hindi yung sinabi lang dahil masarap sabihin at naramdaman. Ibinibigay din 'yan. Para maramdaman din nung taong palaging nagbibigay." Mahabang litanya ni Aeris kay Mark.
"Naks! Iba talaga kapag Dj ang syota malalalim mga hugot hahahah."
Si Prince na abala sa pag iihaw ng barbeque sa garden ng inuupahan nitong apartment.
"Kung ako sayo Bro. Yung medyo bata naman ang piliin mo, kasi pag kaedad mo parating nauuwi na lang sa ganito parati eh."
Sabi naman ni Gaelan na binubuksan ang mga bote ng beer na nakahilera sa mesa.
"Ayaw nyu ba nun? Parating may lebreng inuman tayo dito hahaha."
Nakikipag biruan sya pero sa loob loob nya natatamaan pa rin sya sa mga sinasabi ng mga kaibigan.
"Basta ako bro, kung sinong mahal mo tanggap ko, susuportahan kita."
Seryosong sabi ni Brent habang kumakagat ng pork barbeque.
Lalong naging maingay ang magkakaibigan ng dumating si Keros, Griffin, Pyre, Prick, Zylven, Eruto at Blaire.
"Hanggang umaga ba'to?" Bungad na tanong ni Griffin sabay kuha ng beer at pork barbeque, saka umupo sa tabi ni Mark.
"Sige lang, pakasawa kayong lahat. libre ngayon 'to, pero bukas may bayad na kaya pakalunod kayong lahat habang nilalatak pang utak ni Mark hahaha"
"Hoy Prince, sa pagkakaalam ko ikaw ang nag imbita samin. Eh bakit ako ang manlilibre ha! Ginugulangan mo na naman akong hayop ka." Matalim ang tinging pinukol ni Mark sa kaibigan.
"Teka lang naman, sino bang problemado ngayon taas ang kamay." Palusot pa ni Prince.
Unang nagtaas ng kamay si Gaelan, sunod si Brent at Eruto.
"Hahahah.. wag na kayong mag kwentong tatlo, kasi parang alam na namin ang problema nyo." Naiiling na tatawa tawang sabi ni Griffin.
"Tsk. Napaka pihikan naman kasi ng mga puso nyu eh. Titibok lang dun pa sa mga mangkukulam hahaha." Pang aasar naman ni Prince sa tatlo.
"Aeris, sumpain mo nga yang si Prince. Dina nakakatuwa ang tangnang yan eh." Inis na turan ni Brent.
"Hahaha. Takot sakin ang salitang sumpa kaya manigas ka dyan." Sabi pa nito.
Nahinto ang asaran nila ng may pumasok sa bukas na gate, isang napakagandang dalaga na deri deretso patungo sa kinaroroonan nila.
"Hoy mga epal, tumabi nga kayo dyan. padaanin nyo si baby girl."
Sigaw ni Prince sa mga kaibigang nakatingin lang kay Sm.
"Heloo.. po sa inyo, makikiraan lang po sana ako kung pwede!"
Kaylapad ng ngiting sabi ni Sm pero ang mga mata nya nakatutok lang sa isang lalaking tahimik na nakayuko habang abala sa cellphone nito.
Nagkatinginan naman ang magkakaibigan sabay tayo at hinilang mga upuan sa tabi. Sinundan nila ang tinitingnan ng dalaga. Nagtapikan sina Gaelan at Aeris. Porket abala ang kaibigan sa cellphone nito wala man lang ito kaalam alam sa mga nangyayari.
"Ahemmm.. Mark, baka naman gusto mong tulungan kami mag ihaw. Aba! Ikaw lang ang walang inambag samin dito ah. Galaw galaw din bro baka maging bato kana dyan." Papansin ni Aeris.
"Marami pa ba?" Tanong nitong ni hindi man lang nag angat ng tingin.
"Oo nga, bilisan mo na't aalis kami ni Gaelan. Bibili kaming beer, tumayo kana kaya dyan."
Si Eruto na ngingisi ngising nakatutok ang mga mata kay Mark.
Lahat ng mga kaibigan nya nakatutok ng tingin kay Mark at kay Sm na tila naestatwa na sa kinatatayuan habang nakatingin pa rin kay Mark. At ng tumayo na ang binata saka ibinulsa ang cellphone nito. Sa pagharap nito sa kanila saglit itong natulala kapagkuwan napangiti ito ng makita si Sm.
"Hi Baby Girl, musta na?"
"Yun oh! Hahahah...." Napuno ng tawanan at hiyawan ang buong compound sa ingay ng kanyang mga kaibigan.
?MahikaNiAyan