"I was strong. Sabi ko dati kung ano man ang problemang dumating magiging okay lang sa akin kasi halos nalagpasan ko na lahat at familiar na ako sa lahat ng sakit na pwedeng i-offer ng pag-ibig sa akin. Yun palagi ang akala ko at yun ‘yong confidence na hawak ko palagi kaya parang handa ako palagi sa pwedeng mangyari."
Tahimik lang na nakikinig si Mark kay Sm habang paisa isang sumusubo ng chips na nabili nila sa nadaanang tindahan habang naglalakad sila kanina at napadpad dito sa Manila Bay. Nasa dagat nakatutok ang mga mata nya pinagmamasdan ang mga ibong nagliliparan sa maalon na dagat.
"Pero mali ako. Kapag andyan na, ibang level of pain palagi. You can’t compare yung pain sa past at pain sa present. Kasi ano man yung pagmamahal na meron sa past, naging thankful ako kasi naramdaman ko 'yon. Ibang level of effort yung ginagawa ko dahil pumupunta pa ako ng ibang bansa para lang magkita kami dati. Sobrang haba ng process kung paano ko ulit natagpuan ang sarili ko dahil 'yon ang isa sa mga relasyong nagmarka sa akin. Doon ko nasabing lumakas ako nung nakabangon ako. Ang hirap kapag may gusto kang patunayan pero hindi mo na nagawa kasi tinigil na. Yung mga pangarap na sinubukang buuin ulit, mga sayang baon ko na gusto ko sanang aming pagsaluhan ay kinuha lang ng isang taong hindi nirerespeto ang teritoryo ng iba. Magtatanong ng status ng babae tapos onti-onti nang poporma rin. Doon ko natutunan na hindi porket nauna ka, siguradong ikaw na. Lahat pala talaga ay risks."
Napatango tango si Mark, sang ayon sya sa sinabi ng dalaga, pero dipa rin sya nagsalita sa halip ay dinampot nyang mineral water at uminom.
"Never ako nagalit sa mga taong dumaan at nawala sa buhay ko. Palagi lang sumasama ang loob ko kasi hindi ko dapat deserve 'yong pain na nararamdaman ko kapag nag-decide silang umalis kasi wala naman ako ibang gusto kundi makita lang silang masaya. Palagi ko silang pinagmamalaki para aware silang sila lang at wala ng iba. Palaging ganoon lang. Never ako nagalit kasi alam kong tao lang sila at possible silang magkamali sa feelings nila. Kaya pilit kong iniintindi palagi 'yong sitwasyon at hinahayaang isaisip ang tanong sa kanila kung paano nila nagawa sa akin 'yon. Palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na baka mas pinili lang talaga nila 'yong taong mahal nila. At kailangan ko respetuhin 'yon. Kailangan ko silang pakawalan kasi mahal ko sila. Kailangan ko ipagkatiwala sa mga taong ito na aalagaan nila 'yong mga taong pinangarap ko makasama habambuhay."
Nakaramdam ng awa si Mark sa dalaga. Humahanga din sya sa katatagan at higit sa lahat sa pananaw nito sa buhay. Napapalatak pa sya dahil hindi nya akalaing magiging ganito sila kalapit sa isa't isa. Yung tipong sa bawat pagkikita at pagsasama nilang dalawa lalong lumalalim ang pagiging magkaibigan nila. Lumelevel ang samahan nilang dalawa na labis nyang ikinatutuwa.
"Ikaw Mark, naka move on kana ba sa ex mo?" Tanong ni Sm sa binata na kanina pa walang imik at nakikinig lang sa mga sinasabi nya. " Ikaw naman kaya ang magkwento."
Nilapag ni Mark sa tabi nya ang hawak na mineral water, napahinga ito ng malalim bago nagsalita.
"Lam mo aminin mo man o hindi, gusto nating lokohin ang sarili natin palagi na nakakalimutan na natin yung taong gusto nating kalimutan. Pero matatawa ka dahil alam mong isa itong malaking kalokohan. Maaring sinasanay mo ang sarili mong wala siya, pero siya at siya pa rin ang iniisip mo. Wala kang magawa kundi ang lahat ng bagay na nararamdaman mo sa kanya eh tanggapin. Minsan sinasabi na nating ok na tayong wala sila. Pero bigla ka na lang magugulat. Isang iglap na matunganga ka.. Siya bigla ang naiisip mo.. Siguro nga mahirap utusan ang puso.. Unang una wala naman itong isip at utak naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Alam mo yun.. Yung ok ka naman. Tapos parang trip mo maging malungkot eh iisipin mo lang siya. Nakakaloko.. Minsan you can’t help but to think na masaya na kaya talaga siya? Kaya na niya talaga kayang wala ka sa buhay niya? Yung mga ganyang tanong na palaging gugulo sa isip mo. Pero pagtapos ng araw. Tatanggapin mo na lang eh. Na wala na talaga ang lahat. Maaring naiisip natin sila. Pero malaki ang chance na hindi nila tayo iniisip. Ang galing no? After ng lahat ng ginawa sayong kagagohan. Sa huli.. Kabutihan pa rin ng lagay niya ang iniisip mo. Katangahan lang."
Napangiti si Sm ng maramdaman ang pagkagulat ni Mark ng hawakan nyang kamay nito saka bahagyang pinisil.
"Mark, Hindi katangahan ang mag mahal ng sobra sobra. Ang lumalabas na tanga ay yung matapos mong mahalin ng sobra sobra, ipagpapalit ka pa rin sa iba."
Napapangiti si Mark habang nilalaro na nito ang mga daliri ng dalaga.
"Sabagay, tama ka naman dyan sa sinabi mo. Lam mo parang dika 16 yrs old kung makapagsalita. Dinaig mo pako sa mga payo at karanasan sa love life hahaha."
Natawa na rin si Sm sa huling sinabi ni Mark sa kanya, ibinaling nyang tingin sa harapan nila, napatitig sya sa dagat at tila nangangarap na nagsalita.
"Gusto ko dumating yung araw, na isang araw kakatok yung mga taong dumating at mapatunayan kong mali sila. O kaya ay may bagong dumating tapos sasabihin sa akin na bakit nila nagawa 'yon? 'Yong taong magsasabi sa akin na isa akong magandang klase na uri ng tao. Dapat sa akin minamahal lang at hindi dapat iniiwan. Sa ngayon, wala akong choice kundi magtiwala ulit kay God. Siguro another phase para may bagong matutunan? Siguro realization kung gaano dapat i-cherish ang isang tao kapag hindi nag work out sa iba. Sana ganoon. Para maging worth it ang lahat sa huli. Kasi naaawa na ako sa sarili ko. Deserve ng sarili kong mahalin din ng buo. Yung pagmamahal na walang alinlangan. Yung pag-ibig na akin lang. Meron siguro 'yan. Kailangan ko lang ipagtiwala at isuko lahat kay God."
Titig na titig si Mark sa maamong mukha ni Sm, para syang namamahika sa taglay nitong ganda at sa di inaasahang mangyayari at di man lang nakapag isip ng matino biglang nasambit nyang salitang matagal ng inaasam na marinig ni Sm mula sa kanya.
"Meron ngang pag ibig na para lang sayo Baby girl, yun ay ang pag ibig ko sayo."
Tila nagulat sa narinig kaya biglang nilingon ng dalaga ang binata. "Anong sinabi mo?"
"Mahal kita Sm Chancery." Seryosong sagot ni Mark.
Napatakip ng bibig si Sm ng biglang nagtubig ang kanyang mga mata.
'Totoo ba ito O baka naman binibiro nya lang ako? Ito na bang sagot sa mga hiling ko? Sana nga ang lahat ng ito ay totoo!!'
"Hoy! Baby girl, ok ka lang ba?"
Napakurap kurap si Sm. "Ha! Ah Oo naman, Ok lang ako. Ahm.. Mark, yung sinabi mo totoo ba yun o joke lang?" Lakas loob nyang tanong sa binata.
"Ang alin dun? Yung mahal kita, yun ba?" Pigil ang ngiti ni Mark habang titig na titig sa mukha ni Sm na bahagyang namumula.
'Kaygandang pagmasdan ng inosenteng mukha mo, baby girl ko.' Mahinang bulong nya na tinangay naman ng hangin palayo.
"Oo." Tila nahihiyang sagot ng dalaga.
"Syempre naman, lahat ng sinabi ko totoo, kaya halika na."
"Ha! Anong halikan na?" Nanlalaki ang mga mata ni Sm at bahagya pa itong lumayo sa binata.
Malakas na napatawa si Mark, naaaliw talaga sya kapag magkasama sila ni Sm. Mula ng ma broken hearted sya tanging ang dalaga lang ang nakapagpatawa sa kanya ng ganito. Kakaibang ligaya't saya ang dulot nito sa buhay nya. Minsan nga naiisip nya na sana hindi mawala at agad na magwakas ang samahan nila. Sana ganito na lang sila parati.
Sana..
At Sana ulit..
Hay buhay..
Talagang puno ng surpresa.
?MahikaNiAyana