Here I am, watching my favorite KDrama. Three episodes down, seventeen to go. I finished the last one three hours ago. At bago ko pa maramdaman ang separation anxiety dahil natapos ko na ito ay nanood na kaagad ako ng panibago. I don't know why I love KDramas. They are too good to be true but what can say? They are amazing. Plus, hottie actors are so good in my eyes.
I just still can't believe that things happen so fast. Isang linggo na ang nakakaraan matapos kong suntukin si Dane sa isang Café. Hindi ako pumunta noong pinapapunta niya ako sa bahay nila 'cause his mom wanted to see me. Sino ba siya para utusan ako? Sino ba siya para paglaruan ako? I mean, sobra na 'yong pangti-trip niya sa'kin! All I want is to have a peaceful life. Mabuti na lang at semester break na kaya almost one week ko na siyang hindi nakikita. I still have two weeks to prepare for the next Semester.
And Jeremy...
Sighed. What was he thinking? Hanggang ngayon iniisip ko pa din 'yong sinabi niya at 'yong tingin niya. Parang may gusto siyang sabihin? Or baka paranoid lang siguro ako? Well, yes I am. I am always paranoid. Kaya nga wala akong nararating, eh. Hindi ko pa siya inistorbo since that day kasi natatakot lang ako na baka anong sabihin niya sa'kin. Baka sabihin niya na hindi na niya ako best friend. My gawd, no. Hindi pwede. He's been texting and calling me pero hindi ko sinasagot. Yes, I am scared. I don't want to lose him either. Pero paranoid lang talaga ako. Ayoko lang talagang pag-usapan kung ano man 'yong sasabihin niya. Ang gulo, right? Well, you're inside my mind so what would you expect?
My phone beeped. Kinuha ko iyon sa tabi ko at binasa kung sino ang nagtext.
It's Jer.
From: Jer
Wanna come over? I miss my best friend :(
Aw.
I miss you too, Jer. I just don't want to see you right now. You're becoming complicated now. I just don't know what to feel. Nailang ako sa kanya matapos niyang sabihin na siya na lang ang maging boyfriend ko.
My phone beeped again.
From: Jer
If you don't come over, hindi mo na ako makikita. Aalis na ako papuntang Canada.
What?!
Mabilis pa sa cheetah ang pagbihis at pagtakbo ko palabas ng bahay. Anong sinasabi niya?! Iiwan na niya ako?! My gawd, hindi pwede. Hindi siya pwedeng umalis. Paano na lang ako?! Wala na akong kakampi wala na akong best friend wala na makikinig sa'kin. Hindi ko namalayan na I'm crying so hard.
Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay nila. I'm calling him but he's not answering it! Dammit!
"Kuya, pakibilis po!" sigaw ko kay manong.
"Mabilis na tayo, gusto mo bang maaksidente?" inis na sabi ni manong driver.
Hindi ko na lang kinibuan baka matarayan ko lang siya. Hindi pwedeng umalis ang lalaking 'yon! How could he?! Hindi man lang niya sinabi sa'kin na aalis na siya! Grabe, hindi na niya ba ako tinuturing na kaibigan? My head is throbbing. Tila nagpa-panic ang lahat ng brain cells ko.
Matapos ang thirty-minutes na byahe ay nakadating na ako sa harap ng bahay nila. Dire-diresto akong pumasok dahil pumupunta naman ako dito at matagal ko na siyang kaibigan. Feel at home ang peg. Akala mo kakauwi lang galing school. Pero wala muna diyan ang focus ko. Hinanap ko ang kwarto ni Jer ngunit nakasalubong ko 'yong kasambahay nila. "Ate, si Jeremy po nasaan?" hinihingal kong tanong.
"Nasa kwarto siya," sagot nito.
Teka, bakit hindi naman yata nagmamadali itong si Ate? Di'ba dapat nag-aayos na din siya ng gamit?
"Ate, teka lang, aalis po ba si Jeremy?"
"Ah, oo aalis siya, nag-aayos na siya ng gamit. Puntahan mo na. Kanina pa nagmumukmok 'yong alaga ko," malungkot na sabi ni Ate.
No. Why, Jer? Iiwan mo na talaga ako?
"Sige po, Ate. Thank you," sabi ko kay Ate at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ni Jeremy.
Pagkabukas ko ng pinto, nanlaki 'yong mata ko.
"Ahh!" sigaw ko at napatakip pa ng mata.
My gawd! Ano 'yon?!
"Jer! What the heck?!" sigaw ko kahit pa nakatakip ang mata ko sa mga kamay ko.
"Lia! Anong ginagawa mo dito?" he asked. The heck? Ano yung nakita ko?! "Nakita mo na tuloy abs ko." Tumawa siya ng tumawa pagkasabi no'n.
"Aatakihin ako sa'yo alam mo ba 'yon, ha?!" sigaw ko. Feeling ko binuhusan ako ng pulang pintura sa sobrang init ng mukha ko.
"Okay na, alisin mo na pagkakatakip ng mata mo, nakita mo na, eh," sabi niya at pagkatapos ay umupo sa kama niya as if nothing sinful happened.
"Alam mo talaga akong pakabahin, alam mo akong takutin," I told him. I'm not referring to the abs and that V-shape abdomen.
He got silent. He looked at me with concern. What's with that?
"Hindi naman ako aalis," he said.
"Then, why did you tell me na aalis ka?" naiinis kong tanong. "Kung biro man 'yon, hindi nakakatawa." Napakuyom ako ng kamay. Gusto kong magalit. But everytime I do, naiiyak na lang ako. Katulad ngayon. "Bakit mo sinabi 'yon? Alam mo namang ikaw lang ang mayroon ako." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ayokong umiyak but I can't help it.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mukha ko. He's so close. I could feel his breath on my face. His sweet and manly scent. Kung ibang babae lang siguro ako, magkakagusto ako sa kanya. He's so caring and understanding. He got the looks as well. But he's my best friend.
He wiped my tears with his thumb. "Aalis na talaga ako," he said. Nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya.
"No, hindi pwede. 'Wag kang umalis," paki-usap ko at mas lalo lang akong naiyak. Ang sakit-sakit. Ang sakit ng iyak ko. Lalo na 'yong puso ko. Mas lalo pa siyang lumapit sa'kin, ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha. "Bakit ayaw mo akong umalis?" he asked as if he's waiting something more from me. His eyes were searching for something.
"Hindi ka pwedeng umalis, wala na akong kaibigan, ikaw lang ang nakakaintindi sa'kin, Jer. No one else. Kahit magulang ko hindi ako maintindihan. Ikaw lang, Jer. Please, 'wag kang umalis," I plead.
And before I knew it, he kissed me on my cheek. "Dahil lang sa kaibigan mo ako kaya ayaw mo akong umalis?" nangungusap ang mga mata niya. I don't know what to say. He's hurting. I don't know what to do.
"Jer..."
"I like you," he confessed.
Before I could say anything, he kissed me.
His lips touched mine.