PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon ng kama si Gianna dahil sa walang tigil na pagtunog ng kanyang phone. Dinampot nya iyon na nasa ibabaw ng nightstand. It's 5 o' clock in the morning at kasarapan pa sana ng kanyang tulog. Inis niyang sinagot ang tawag.
"Hello?" paos pa ang boses nya.
"Is this Gianna?" tanong ng nasa kabilang linya. Hindi pamilyar ang boses ng babae.
"Speaking. Sino 'to?" Gusto na nya mairita dahil ang aga-aga mambulabog nito.
"Ako 'yong pinsan ni Candy. Nasaan ka?"
Nagtatakang nilayo nya ang phone sa tapat ng tainga at tiningnan ang screen ng phone. Hindi nakarehistro ang numero nito. Binalik nya ulit sa taingan dahil narinig nyang nag-'hello' ang babae.
"Bakit? Paano mo nakuha ang number ko? At excuse me, ang aga-aga pa—"
"Will you please shut your mouth, Miss?"
"Wow!"
"Look, hindi ako adik para lang basta ka istorbohin. Alam mo ba ang salitang 'emergency'?"
'Aba! Kaloka naman pala 'tong babae na 'to! Akala mo kung sino.'
Huminga sya nang malalim bago muling nagsalita. "Excuse me, Miss. Hindi ko alam kung anong trip mo—"
"Si Candy."
Natigilan sya. "Anong si Candy?"
Rinig nya na ito naman ang huminga nang malalim. "Kasama ko si Candy ngayon. Lumayas sya sa kanila. Kailangan nya ng tulong nga kaibigan."
"B-bakit ako? I mean, pinsan ka. Kaibigan lang ako, e!"
"Miss, hindi kita tatawagan kung hindi importante. Ikaw daw ang bestfriend ng pinsan ko kaya ikaw ang pinatawagan nya."
"E, nasaan ba si Candy? Ba't ikaw ang tumatawag sa akin at hindi sya?"
"Her phone was confiscated. So now, tell me. Saan ka nakatira? May trabaho pa kasi ako."
Tumaas ang kilay nya dahil sa katarayan nito. Sa inis nya, binabaan nya ito ng tawag at ni-text na lamang ang address ng condo unit nya. Pabalya nyang binagsak muli ang katawan sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.
Ilang minute lang ang nagdaan, tunog ng doorbell ang muling nagpamulat kay Gianna. Padabog syang bumaba ng kama at nagtungo sa pinto. Pupunas-punas pa ng mukha habang ang isang kamay ay pinagkamot sa ulo. Ngunit para syang binuhusan ng malamig na tubig nang bumungad sa kanya ang magandang mukha ng pinsan ni Candy.
Tila nahipnotismo nito ang kanyang katinuan dahil natulala sya rito. Simpleng white v-neck shirt ang suot nito nan aka-tuck in sa maong pants. Gusto nyang matawa dahil naka-brown boots pa ito. Ang buhok ay naka-braid na may kaunting nakakulot sa bandang tapat ng magkabilaang patilya. Ang ganda nito ay tila nakakaakit, hindi sya naiinggit bagkus hangang-hanga sya rito.
"Papasukin mo muna kaya kami bago mo pag-aralan ang itsura ko."
Noon sya natauhan. "S-sorry," aniya sabay bukas nang malawak ng pinto. Noon lang nya napansin si Candy na nakangiti sa kanya at may mga bagaheng dala. Siguro dalawang maleta iyon. "C-candy?"
"Sorry, Gianna. Wala na kasi akong mapupuntahan pa, e!" Nagsimulang magtubig ang mga mata ng kaibigan niya na kaagad inalalayan ng pinsan nito para makaupo sa sofa.
"Mamaya ka na magkwento. Natulog ka na ba? Kumain na ba kayo?" tanong nya sabay lingon sa maganda mata ng pinsan ni Candy.
"Hindi pa. Ayaw kumain ng babaeng 'yan!" Iba ang dating ng boses nito. Hindi malaki iyon pero hindi rin matinis. Sakto lang. Pero ang hindi nya maintindihan, bakit iba ang t***k ng puso nya, mabilis.
"Excuse me, ano nga pala ang pangalan mo?" seryosong tanong nya rito at ganoon na lamang ang pagkapahiya nya nang tingnan lamang sya nito nang walang emosyon. "Sorry naman, hindi kasi ako nagpapasok nang basta-basta sa loob ng bahay ko. For security purpose... you know." Nagkibit-balikat si Gianna saka lingon kay Candy.
Rinig nya ang pagbuntong-hininga ng babaeng nakatayo na sa harapan ng sofa, sa tapat nya mismo. "Arisia."
"Huh?"
"Arisia de Lara," anito sabay lingon kay Candy. "Magpinsan kami sa mother side. Magkapatid ang mga mommy naming. 27 years old na ako at isang pastry chef."
Halos mapanganga si Gianna dahil sa mga sinasabi nito. Pangalan lang naman ang tinatanong ko, naglitanya na.
"Pasensya ka na talaga, Gianna. Wala na kasi akong mapupuntahan."
"Huwag mo isipin 'yon. Ano ba kasing problema?"
Nagtinginan muna ang magpinsan bago yumuko si Candy at nagsimulang humikbi. "G-Gianna, buntis a-ako. Pinalayas ako ng mga magulang ko kasi ayaw ako panindigan ni Bryle. Ang sama-sama nya. Pinag-isipan pa nya ako nang masama na baka hindi raw kanya 'tong dinadala ko," ani Candy sabay pahid ng mga luha.
Kumunot ang noo nya. "Pinalayas ka? Gago pala 'yang ex mo, e!"
"P'wede bang dito na muna ako, Candy? Please?"
Hinawakan nya ang kamay ng kaibigan. "Oo naman. Walang problema sa akin pero kaya mo bang magtrabaho kahit buntis ka?"
"Kung panggastos ang ibig mong sabihin, ako na ang bahala sa pinsan ko," ani Arisia.
"Hindi ako magiging pabigat sa'yo rito, Gianna. Kailangan ko lang talaga ng matutuluyan."
"Candy, alam ko naman na kaya mong buhayin sarili mo kahit hindi ka magtrabaho dahil sa yaman ng pamilya mo. Ang iniisip ko, nakapirma ka ng kontrata sa pubhouse."
Nagtinginan ang magpinsan. Huminga nang malalim si Arisia saka naupo sa tabi ng pinsan. Ganoon na lang ang gulat nya nang batukan nito si Candy. "Puro kasi landi, cous. Hindi ka nag-iingat!"
Napaaray naman itong Candy at hinimas ang ulo. "Arisia, masama na loob ko sa pamilya ko at ikaw na lang kakampi ko. Huwag mo na ako sermunan! Hindi mo na ba ako mahal?"
Muntik na syang matawa nang ngumiwi si Arisia dahil sa sinabi ng pinsan. "Manahimik ka." Lumingon ito sa kanya. "If my cousin need something, nasa baba lang ako. I mean, nasa shop ko lang ako."
Takang tiningnan nya ito. "Anong shop?"
"CCAP," anito at tumayo. "I have to go. Paki-save ang number ko para madali lang tayo makapag-contact about sa pinsan ko. Salamat, Gianna." Iyon lang at tumalikod na ito at tinungo ang pintuan.
Magtatanong sana sya kung anong CCAP pero hindi na nakapagsalita pa si Gianna. Hindi nya maintindihan, tila kasi nakaramdam sya ng bahagyang lungkot dahil sa kaalamang aalis na ito. Sinundan nya ito ng tingin. Ultimo ang paglalakad nito, tila isang modelo na sanay na sanay dalhin ang suot. Mukha syang modelo sa tindig at pustura.
Pinilig ni Gianna ang ulo, pilit na inaalis ang nararamdaman na kakaiba para sa Arisia na iyon. Tumabi sya ng upo kay Candy at pinatahan ito. Maya-maya pa ay kinakausap na nya ito tungkol sa kung anong plano nito ngayong hindi na ito solo sa buhay.
NAGPALINGA-LINGA si Gianna sa kabuuan ng shop na palagi nyang binibilhan ng strawberry flavored na yema. Ngayon lang nya napag-aralan ang lugar dahil sa tuwing bibili sya rito, sandaling-sandali lang sya rito. Pagkabili ng sadya, alis na agad. Wala rin syang matandaang pinagmasdan nya nang ganito ito. Halos mapanganga sya sa ganda ng interior design ng shop. Pinaghalong white, silver and gold ang mga kulay na tanging makikita sa loob. Ang lakas maka-glamorous sa pakiramdam.
Naglakad pa sya sa bandang kanan kung saan may mga paintings nakasabit sa dingding. Ngunit ang mas nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang malaking portrait ng mukha ni Arisia. Black and white iyon at napaka-fierce nitong tingnan.
"Gianna?"
Lumingon sya sa gawing likuran nya at doon nakita nyang nakatayo si Arisia. Nakapang-chef attire ito at nakatingin sa kanya. Hindi malaman ni Gianna ang gagawin dahil ayan na na naman ang abnormal na pakiramdam. Iyong puso nya, ang bilis. Nakatingin lang sya sa babaeng palapit na sa kanyang harapan.
"Giaana, ayos ka lang?"
Sa gulat, dali-dali syang tumango. "O-oo. Pinapunta kasi ako ni Candy rito para kuhanin iyong pinabibili nyang c-cake na ikaw raw mismo nag-bake."
Ngumiti ito saglit ngunit kaagad din na nawala. Napalitan na naman ng mukha nitong walang emosyon na mababanaag. "Follow me," ani Arisia.
Sumunod sya rito kahit na naiilang at lihim na pinakakalma ang sarili. Pumasok ito sa isang pinto at sumunod naman sya rito. Isang malaki at maaliwalas na office ang bumungad sa kanya. Dalawang mesa ang naroon at may isang mini sala. Kulay gold, silver and white rin ang mga kulay na makikita sa loob ng opisina na iyon.
"Kumusta ang pinsan ko?" tanong ni Arisia habang hinuhubad ang suot na pang-chef na damit. Hindi maiwasan ni Gianna na makaramdam ng hiya at nag-iinit ang mukha nya. Marahan syang tumalikod.
"O-okay naman sya. Nagke-crave lang talaga sya sa Carrot cake na ikaw daw ang gumawa. Ano bang espesyal sa cake mo na 'yon?" Hindi naman sya gusto maging rude o harsh. Curious lang talaga sya.
"With love?"
Ngumiwi sya. "Corny."
Narinig nyang tumawa ito pero mahina lang. "Have a seat. Kukuhanin ko lang sa labas iyong cake ni Candy," paalam nito. Hindi na ito nakasuot ng chef uniform nito at heto na naman sya, humahanga sa ka-sexy-han at kagandahan ni Arisia.
'Self naman. Ano bang nagyayari? Hindi ko naman first time makakita ng babaeng maganda na kagaya ni Arisia.'
Naupo sya sa pang-solohan na sofa at nilibot ang mga mata sa loob ng opisina. Parang ang sarap magtranaho rito dahil sa aliwalas na taglay nito. Malamig din at humahalo ang amoy ng mga tinapay sa aircon. Hindi masakit sa ilong kahit nakakagutom.
"Sia, tumawag iyong client—"
Biglang napatayo si Gianna kasabay ng pagtigil sa pagsasalita ng babaeng kapapasok lamang sa loob ng opisina. Nakasuot ito ng skinny jeans, flat sandals at croptop na kulay black. Mukha syang manika sa ganda. Mestisa ang balat, ang buhok na hanggang balikat ay kulay ash gray. May bangs din ito na.
"H-hi," bati nya rito.
Ngumiti ito pero alangan. "Yes? May I help you, Miss? What are you doing here inside my office?"
Nagtataka syang tumingin ditto. May hiyang bumalot sa kanyang katawan at gusto nyang lamunin ng lupa. "Ah, b-bisita ako ni Arisia. Sya ang nagpapasok sa akin dito," aniya habang nakatingin sa babae.
Ngumisi ito at tumango-tango. "Ah, girlfriend?"
Hindi alam ni Gianna kunga no ang meaning ng babaeng ito sa salitang girlfriend.
'Bakit? Para na rin naman akong kaibigan ni Arisia kasi kaibigan ako ng pinsan nya. Tama, we're... girlfriends.'
Tumango na lamang sya para wala ng usap-usap pa. Nahihiya sya rito at nakakatuwa talaga ang mukha nitong mala-anghel.
Nilahad nito bigla ang kamay at alanganin nya iyong tinanggap. "I am Serena. Arisia's bestfriend. Have a seat. Pasensya ka na sa nasabi ko. Hindi kasi kami basta-basta nagpapapasok ng mga tao rito. Even our employees are not allowed," anito sabay ngiti. Lumakad ito sa isang mesa na malapit sa sulok. "So, gaano na kayo katagal ni Arisia? Siguro bago lang kayo, 'no?"
Nagtataka syang ngumiti rito. Hindi nya kasi maintindihan kung anong pinahihiwatig nito.
"Ay naku, pasensya ka na kung madaldal ako, ha? Anyway, nasaan na pala iyang kaibigan ko na iyon?"
"Kinuha lang 'yong carrot cake na request ni Candy."
"Candy? So you know her cousins already?"
"Candy is my bestfriend," sagot ni Gianna.
Tumango si Serena saka naupo sa silya nito sa tapat ng sariling mesa. May kinalikot ito sa harap ng laptop at sya naman, mamata-mata na naman sa loob ng opisina.
Bumukas ang pinto at bumungad si Arisia na may hawak ng box ng cake. "Oh, nandyan ka na pala. Muntik ka pa ma-late," ani Arisia na mukhang ang bestfriend ang kausap.
"Oo nga. Nakakainis naman kasi ang traffic."
Lumapit sa pwesto niya si Arisia at inabot ang cake sa kanya. Napansin naman nya na may plastic ng strawberry flavored na yema sa loob.
"Uy, ba't may yema?"
"Bigay ko na 'yan. Pakonswelo sa abala ng pinsan ko sa'yo," ani Arisia saka naupo sa tabi nya.
"Hoy, Sia. Hindi mo man lang ba ako ipakikilala sa girlfriend mo?" tanong ni Serena na kaagad naming ikinatayo ni Arisia.
Hindi nya alam kung anong nasa mukha nito dahil naglakad na ito palapit sa kaibigan. "She's not my girlfriend. Bestfriend sya ni Candy. Manahimik ka nga muna, Serena." Muli itong humarap sa kanya. "Let's go? Hatid na kita sa unit mo."
Nagtataka man, nagpaalam na alang sya kay Serena na kumaway pa at nakangisi sa kanila.
Lumabas sila ng shop nang walang kibuan. Gusto nya magtanong kung anong meaning ba ni Serena ng 'girlfriend' kaso nahihiya sya. Tila naumid ang dila nya lalo na at amoy na amoy nya ang mabangong pabango ng dalaga.
Nasa elevator na sila nang magsalita si Arisia. "Pasensya ka na sa kaibigan ko. Mahadera talaga iyon, eh."
Ngumiti sya at umiling. "Don't worry, okay lang. Salamat nga pala rito sa yema. Favorite ko kasi 'to," aniya at inamoy pa ang plastic.
"Alam ko," ani Arisia saka naunang lumabas ng elevator.