TILA MINAMARTILYO ang ulo ni Gianna nang magising sya kinaumagahan. Sapo-sapo nya ang sariling ulo habang dahan-dahan na bumabangon sa kama. This is so bad! Maingat syang tumayo saka tinungo ang banyo.
After her morning rituals, kahit nakapantulog pa ay lumabas na sya ng kwarto. Lamig ng hangin ang sumalubong sa kanya sa sala. Nag-inat sya saglit saka dumiretso sa kusina at nagtimpla ng kape.
She's living alone in her condo. Almost three years na siyang nandito at nakabukod sa mama at mga kapatid nyang pasaway. Mas gusto nyang mag-isa manirahan sa isang maliit na condo kaysa sa mansion ng pamilya nila dahil ayaw niya ng gulo at problema.
But unfortunately, talagang mahal sya ng problema dahil sinusundan pa rin sya nito.
She heard her phone is ringing. Kaagad syang bumalik sa kwarto upang kuhanin iyon. Saktong sinagot lang nya ang tawag ng kanyang ina nang nasa kusina na ulit sya. "Mom," aniya.
"Anak, are you busy? P'wede ka bang dumaan dito bago ka pumasok?"
"Bakit?" tanong nya habang sumisimsim ng kape. Hindi na nya iyon muling pinatong sa counter dahil nagtungo na sya sa sala at doon nagkape.Binuksan nya ang laptop na nasa center table saka tiningnan ang emails. Paminsan-minsan nyang hinahaplos ang ulo dahil makirot pa rin.
's**t this head!'
"May sasabihin kasi ako sa'yo, 'nak pero if busy ka naman, ayos lang—"
"Okay, hindi naman ako papasok sa publishing today dahil may ieedit ako rito sa condo. Mga 9 o'clock na ako pupunta r'yan."
"Thank you, my princess," ani mommy niya bago binaba ang tawag.
Kahit wala pang sinasabi mommy nya, alam na nya kung ano ang sasabihin nito. Tungkol na naman iyon sa ate niya at sa mga anak nito. She rolled her eyes nang maalala ang nangyari noong isang araw...
UMIIYAK ANG Ate Glessy nya sa harap nila ng mommy nila. Kitang-kita nya kung paano ito nahihirapan dahil sa ginawa ng demonyong asawa nito. Well, like a so-called cliché lovestory happens between martyr wife and a devil husband, may babae si lalaki.
"Ate, could you please stop crying?"
"Gianna," saway ng mommy nila.
"What? I am just concern about her looks. Look at her? Her eyes are so damn swollen! Sayang ang ganda mo, 'te kung iiyakan mo lang ang gagong 'yon!"
"Stop it, Gianna!" ani mommy nila at tinampal pa sya sa braso. "Glessy, tumahan ka na. Magdesisyon ka na ngayon din kung ano ang dapat gawin sa taksil mong asawa!"
Hindi kumibo ang ate nya at patuloy sa pag-iyak. Imbis na ipakitang naaawa sya rito, mas gusto nya itong asarin.
'Just to light up the mood, okay?'
"Ano bang balak mo sa asawa mo?" Si Gianna na ang nagtanong sa kapatid.
Nagpunas ng mukha ang kapatid nya bago sya tiningnan. "I want to sue him and his mistress. Ang kapal nilang sa mismong bahay at sa kwarto pa naming mag-asawa naisipang mag-s*x! Ang bababoy nila!" Galit na galit ito.
Kumuyom ang palad ni Gianna. "Are you sure about this?"
"Of course, I am sure, Gianna! Tinatanong pa ba 'yan?" galit na wika nito sa kanya.
Umayos sya ng upo. Naka-floral dress sya at pinatungan ng maong na jacket. Pinusod nya ang buhok nang mataas.
"Well, hindi mo ako masisisi dahil ilang beses mo na kasing nahuli iyang asawa mo at ilang beses ka na ring nagpakatanga na balikan sya. So think it wise. I know you. You loves him very much, right?" puno ng sarkasmo ang tinig nya. "Mag-decide ka na talaga. Please lang. Iyong totoo at yung kaya mong panindigan, ah!"
"Hindi na. Ayoko na," anito sabay tingin sa ina. "Mom, can we stay here?" Pakiusap nito sa mommy nilang nakikinig sa hinaing ng ate nya.
"Of course, anak. This is your house. Kayo ng mga apo ko."
"Thanks, mom," anito saka lumingon sa kanya."Gianna, alam ko masama ang loob mo sa'kin—"
"Just forget it. I don't wanna hear it again." Tumayo na sya at inayos ang damit abgo lumapit sa mommy at humalik sa noo nito. "I have to go, mom. Please take care, okay?"
Tumango ang mommy nya at saka sya lumabas ng library. Kaagad syang sinalubong ng mga pamangkin niyang sina Yuki, Yuri at Yumi. Triplets ang mga ito at identical pa. Lumapit ang mga ito sa kanya saka sya niyakap. At the age of four, madaldal na ang mga ito at nakakapaglambing na sa kanya.
Hinalikan niya sa noo ang mga bata saka binagtas ang daan palabas ng mansion nang makasalubong ang bunsong kapatid na si Geoffrey. Babatiin sana nya ito pero nagtaka sya nang umiwas ito ng tingin nang makita sya.
"Geff," tawag niya rito.
"Ate," anito habang nakayuko.
Tiningnan nya ang mukha nito pero umiwas ulit. Lumapit na sya nang tuluyan saka hinawakan ang baba nito at pilit na pinatingala. "Geff, what's with the bruise?"
"Wala 'yan, ate. Nagka—"
Hinila na nya ito sa loob papasok ng library kung saan nag-uusap pa rin pala ang mommy at ate nya. Pabalya nyang binitiwan ang kapatid paharap sa ina.
"Mommy, anong kagaguhan na naman ba ang pinasok ng lalaki na 'yan? Hanggang ngayon ba, nakikipag-away pa rin sya?" Masama niyang tiningnan ang bunsong kapatid saka humalukipkip.
Mabilis na tumayo ang ina nila saka nilapitan ang anak. "Geoffrey, hindi ba't sinabi ko sa'yo na iwasan mo na 'yang pakikisama sa mga awayan na 'yan."
Hindi kumikibo ang bunso nila kaya si Gianna na ang nagsalita. "Isang away pa, Geff. Ako na mismo ang gugulpi sa'yo. Aalis na ako, mmy."
Huminga sya nang malalim bago sumakay ng kotse.
Boys... sakit kayo ng ulo naming mga babae. At kahit kapatid ko, nakakatuyo ng dugo...
BUMABA SI Gianna sa ground floor ng kung nasaan ang condo nya. Dumiretso sya sa Clover Cakes and Pastries Shop at kaagad na kumuha ng Strawberry flavored na Yema sa counter. It's her favorite food lalo at kapag stress sya.Tila ito ang nagtutunaw at nag-aalis ng sama ng loob nya kapag kumakain sya nito.
Pagkabayad, dahan-dahan syang naglakad papunta sa pinto ng shop habang inaayos sa loob ng sling bag ang yemang binili.
Ganoon na lang ang pagkainis nya nang may bumunggo sa kanya dahilan upang mabitiwan nya ang pagkain. Mabuti na lang at naka-plastic iyon, kung hindi ay manghihinayang talaga sya.
"Ano ba 'yan!? Konting ingat naman!" bulyaw nya sa nakabungguan. Kahit hindi nya tingnan, alam nyang babae iyon dahil naka-dress ito na kulay asul at sandals na flat. Hindi nya ito tinitingnan dahil abala sya sa pagdampot ng mga yemang kumawala rin sa plastic.
"I-I'm sorry," ani babaeng nakabunggo sa kanya.
"Sa susunod kasi, Miss—" Hindi na sya nakapagsalita pa nang makilala ang babaeng nasa harap. "Ikaw?!" tanong nya. Ayan na naman ang puso nya. May kakaibang t***k na tila abnormal na yata dahil sa sobrang bilis.
Mukha namang nakilala rin sya ng babae dahil biglang sumeryoso ang mukha nito. Sa mabilis na paraan, napag-aralan agad ni Gianna ang itsura nito. Nakalugay ang buhok nitong kulay blonde na hanggang lampas-balikat ang haba.
'Bakit kagabi, parang ang haba ng buhok nya?'
Nakasuot ito ng isang dress pero tube style. May cardigan nakapatong doon na kulay itim.
"Would you please stop checking on me?" malamig na wika ng babae. The girl rolled her eyes.
Nanlaki ang mga mata ni Gianna sa gulat.
'Wait? Galit sya? For real? Sya pa ang galit?'
Huminga sya nang malalim bago tiningnan ang babae. "Excuse me! Bakit ba palagi mong sinasabi na pinag-aaralan ko ang itsura mo? I'm sorry to burst your bubble because I am not checking on you!" Gianna flip her hair. Hindi nakatakas sa paningin nya ang pag-iling ng babaeng nasa harapan.
"Alam mo, kung kanina sincere ang paghingi ko ng sorry sa'yo, well... binabawi ko na," anito sabay irap sa kanya.
"What?" Hindi sya makapaniwalang tiningnan ang babae.
"Hindi ko ugaling ulitin ang mga nasabi ko na, Miss Bad Influence. Excuse me, may trabaho pa ako." Tumalikod na ito sa kanya.
'Aba! Akala mo kung sinong maganda!'
Inis na hinawi ni Gianna ang mahabang buhok bago sinundan ang babae. "Anong bad influence 'yang sinasabi mo? Kilala mo ba 'ko para paratangan ng ganiyan?"
Tumigil ang babae saka sya muling hinarap. "Hindi ako interesadong kilalanin ka, miss. Okay? So, excuse me. Last ko na 'yang sasabihin, marami pa akong gagawin."
Nagsalita pang muli si Gianna pero hindi sya pinansin ng babae hanggang sa pumasok ito sa isang pinto sa loob ng shop. Gustong-gusto nya itong bulyawan at sabihin na hindi sya bad influence kagaya ng iniisip nito sa kanya.
'Eh, ano naman kung hindi ako magpaliwanag sa kanya? Sino ba sya? Badtrip!'
"OH, BAKIT ka nakasimangot, Gianna?" tanong ng mommy nya dahil kahit malayo pa lamang ito, bakas na sa mukha nya ang pagka-badtrip. Sinalubong sya nito sa entrada ng mansion.
"Wala, mom," aniya saka padabog na nilapag ang sling bag sa ibabaw ng lamesita.
"Kumain ka na ba, 'nak?"
"Nag-coffee lang ako sa bahay kanina habang kausap ka sa phone."
"Kanina pa 'yon, eh. Halika sa kusina. Nagluto ako ng Champorado. Paborito mo 'yon, 'di ba?"
Automatic na napangiti si Gianna dahil totoong paborito nya ang pagkain na iyon. Tumayo silang dalawa at nagtungo sa kusina. Habang sinasandukan sya ng mommy nya ng Champorado, pumwesto na ng upo si Gianna at hinintay ang mangkok.
Nagsimula syang kumain habang ang ina nya ay umupo lang at nakangiti syang tinitigan.
"Mommy, 'wag mo ako tingnan ng ganiyan. Nako-concious ako," aniya at sumubo. Bahagya pa syang napaso kaya natawa ang ina nya. "Mom!"
"Sorry, anak. Natutuwa lang ako sa'yo. Sa edad mong bente-sinco, ang dungis mo pa rin kumain niyan." Umiiling pa ito habang inaabutan sya ng tubig.
Kaagad na ininom iyon ni Gianna dahil nasaktan ang dila nya. Kumain na lang sya nang kumain. Ilang minuto niyang inubos ang masarap na agahan at saktong tapos na sya nang biglang magsalita ang kanyang ina.
"Anak, kailan ka mag-aasawa?"
Napalingon sya sa ina saka dahan-dahan na umiling. "Alam n'yo na kung ano ang sagot ko sa tanong na 'yan." Heto na naman ang kanyang ina sa palagiang tanong. Hindi nya alam kung bakit gustong-gusto na nitong mag-asawa sya.
"Pero hindi ka na bumabata, Gianna," anito na bakas ang pag-aalala sa mukha.
Napangiwi sya. "Mommy, I'm just only 25 years old, okay?"
"Sus, parang mag-aasawa ka naman talaga sa edad mo na trenta." Umirap naman ito saka sumandal sa inuupuang silya.
"Look, mom... I am not interested. Ayoko ngang magaya sa inyo ni ate," aniya saka sumandal sa inuupuang silya. "Kahit si Candy, niloko ng boyfriend nya. Ayokong kumuha ng bato na ipupukpok ko sa sarili kong ulo."
Hinawakan ng ina nya ang kanyang kamay. "Huwag mo sana isarado ang puso mo sa pakikipagrelasyon, anak."
"Mommy, ayoko pong pag-usapan iyan. Ano nga pala sasabihin n'yo?"
Ayaw nya magmukhang bastos sa kanyang ina pero mas okay na iwasan nya ang bagay na wala talaga sa plano nya. Isa pa, marami pa syang gustong gawin sa buhay na walang lalaking maiinvolve.
Huminga nang malalim ang ina nya saka mas diniinan ang pagkakahawak sa kamay nya. "Anak, I have a friend kasi. Natatandaan mo pa ba si Tita Joanna mo?"
"Yeah. Why?" Kumunot ang noo nya. Mukhang alam na nya ang gusto nitong sabihin.
"Kasi may anak sya at gusto sana naming na ipakilala sa inyo sa isa't isa."
Hinila nya ang kamay sa pagkakahawak ng ina. "What? Ayoko, mom! Hindi ako interesado," aniya. Umiiling-iling pa. Humulukipkip pa sya ng braso saka sumandal sa kahoy na inuupuan.
"Pero—"
"Mom, I'm sorry pero hindi kita mapagbibigyan d'yan. I have to go. Thank you for the breakfast." Tumayo na sya.
Narinig nyang tinawag pa sya ng kanyang ina pero kaagad syang sumakay sa kotse at nilisan ang mansion.
'Hinding-hindi ako papatol sa mga lalaki. Yuck!'
Habang binabagtas ang daan pauwi sa condo, hindi maiwasang makaramdam sya ng inis sa sarili dahil sa sinasabi ng kanyang ina. Naiintindihan naman nya na ayaw lang nito na tumanda syang mag-isa pero alam nyang sya pa rin ang magdedesisyon noon at hindi ang ibang tao. Hindi maski ang kanyang ina.