Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Pero nakikita ko pa rin naghahabol ito nang hininga. Dahil sa ginawa ko. Kahit gusto kong tumawa ay nagpigil ako at baka tadyakan na ako. Oh, kaya ay ihagis papalabas ng bintana. "Gusto mo ba akong patayin?!" singhal nito sa akin. "Sir, patay agad? Di ba puwedeng mapunta muna sa hospital. Saka, Sir. Sinunod ko lang po ang pinag-uutos mo sa akin," katwiran ko sa lalaki. "Damn it! Get out!" sigaw nito sa akin, namumula rin ang mukha dahil galit sa akin. Ako naman ay nagmamadaling umalis dito sa loob ng banyo. May kaba rin sa aking puso, lalo na sa nakikita kong galit ni mangkukulam sa akin. My Gosh! Bakit ko ba nagawa iyon? Baka bigla na lang akong sakalin nito. At mauna pa ako sa lalaking iyon na mamatay. Dahil sa takot kay Zach