No choice ako kundi linisan na lamang ang loob ng banyo. Kumuha muna ako ng gwantis gloves para isa-isa kong pulutin ang mga condom na nagkalat sa ibaba ng tiles. Halos mandiri ako sa aking nakikita. Hindi ko rin alam kung may malam iyon sa loob lalo at basa iyon ng tubig. Nang maalis ko na ang mga nagkalat na condom ay sinimulan ko nang kuskusin ang tiles. Ganoon din ang pader lalo at puro may bahid na sabon. Inayos ko rin nanag pagkakapatas mga shamphoo lalo at nasa ibaba rin ito. May boxer pa ngang nakakalat dito. Kaya asar na asar na talaga ako sa mangkukulam na iyon. Hindi naglaon ay tuluyan na akong nakatapos. Kaya naman nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto nito. Habang pababa ng hagdan ay namataan ko si Manang Rose. Dito na lang ako magtatanong kung saan ang magiging silid ko.