"Miss, Montes! Ano pang tinutunganga mo riyan? Bilisan mo nang kumilos, linisan mo na itong sapatos ko. At pagkatapos mo ay paki-map na rin ng tiles. Naiinis ako dahil sobrang dumi rito sa aking kwarto! Parang hindi ka yata marunong maglinis, ah!" singhal na utos nito sa akin. Habang naglalakad papunta sa sofa at naupo roon. Parang gusto kong maluha ng mga oras na ito dahil sa galit kay Zach. Pero nagpigil ako. Lalo lang akong aasarin ng ulupong na ito oras na makitang may luha sa aking mga mata. Ang nakakainis pa'y lalong nagkalat ang putik dito sa kwarto nang muli itong naglakad nang naglakad. Kaya kahit masama ang loob ko ay sinunod ko lang ang pinag-uutos nito sa akin. Kumuha ako ng basahang damit at pagkatapos ay lumapit sa harapan ng lalaki. Agad kong pinunasan ang sapatos nitong k