Kinabukasan. Maaga akong nagising para maaga ring makapunta ako sa lugar na kung saan gaganapin ang kasal. Para akong ipo-ipo sa liksi nang mga kilos ko. At paglabas ng bahay ay nakita ko ang aking tita.
Nakangiti akong lumapit. "Tita, alis na po ako," paalam ko sa aking mahal na tiyahin.
"Aba'y saan ka pupunta, Ella?" tanong sa aking ng tita ko. At may pagtataka rin sa mukha nito.
"Balak ko lang po sanang mamasyal sa Mall, tita Mel, medyo kailangan ko yatang makahanap ng magandang view. Nakakasawa rin po pala ang trabaho, bahay, tapos bahay, trabaho ulit," saad kong nakangiti pa.
"Ay! Ganoon ba siya sige at mag-iingat ko, hija," saad pa nito. Pagkatapos ay tumalikod na siya sa akin ngunit bigla ring napahinto at tumingin sa akin muli. Pansin ko pa nga ang pagkunot ng noo nito at tila may mali sa itsura ko. Pansin ko rin ang pag-iling ng tiyahin ko.
"Aalis ka na ganyang ang suot mo, Ella?!" tanong nito at nasa boses ang pagkadisgusto. Ako naman ay
Nagtataka na tumingin ako kasuutan at pagkatapos ay sa aking tita Mel.
"Ano po bang mali sa aking suot, tita?" naguguluhang tanong ko rito.
"Ikaw na bata ka! Tingan mo nga ang iyong damit pumunta ka sa harap ng salamin nang makita mo ang aking sinasabi! Tingin ko'y hindi ka man lang sumilip sasalamin bago ka lumabas ng iyon silid, tama ba ako, Ella?!" palatak na tanong ng tiyahin ko sa akin.
Napangiwing tumingin ako rito. "Ang totoo po niyan ay hindi po talaga," alanganin sagot ko.
Hindi naman talaga ako lumapit sasalamin dahil nagmamadali ako. Naligo lang ako at nang makapagbihis na ay basta na lang lumabas ng aking silid. Ito ngang suot kong damit ay basta ko na lang hiniklas sa loob ng cabinet ko.
Ang nais ko lang kasi ay makarating ng maaga sa hotel upang makita agad ang bulto ng lalaking sumpa sa akin. Walang iba kundi si Zach Fuentebella.
Kahit nga pagsuklay sa aking buhok ay 'di ko na rin ginawa. Saka wala akong pakialam kung short at t-shirt lang ang suot ko. Naka flat sandals naman ako kahit pambahay lang aking kasuutan.
"Hindi ka talaga makakahanap ng mapapangasawa kung ganyan ka mag-ayos, Ella. Parang nasa bahay ka lang, ah!" sermon sa akin ni tita Mel.
Napakamot na lang ako sa ulo. "Tita, okay na po ito hindi naman mahalaga ang pupuntahan ko, eh," katuwiran kong malupit sa tiyahin ko.
Umiling na lamang ito at tumalikod na. Ano'ng masama sa suot ko na isang short na kulay black na hanggang hita ang eski, saka maganda naman ang mga legs ko, maputi at makinis walang kahit isang galis.
Kaya malakas ang loob kong mag-suot nito, okay rin naman ang damit ko na kulay black, iwan ko rito kay tita pati suot ko'y pinupuna.
Para hindi na humaba ang usapan ay magalang na lang akong nagpaalam sa aking tiyahin. Nakita ko pa nga itong umiiling-iling at tila 'di makapaniwala sa akin. Walang salitang lumabas na lang ako ng bahay at naghanap ng masasakyan papunta sa venue ng kasal ng kaibigan ni Zach Fuentebella. Sana'y makausap ko agad ito. At sana lang ay maayos ang paghaharap namin.
Mabilis lang naman akong nakarating sa Makati na kung saan gaganapin ang kasal. Hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa harap ng hotel. Nakikita ko ang mga guess na naglalabas-pasok sa loob ng gusali. Tumingin ako sa mga sasakyan na dumarating na nagpapark sa parking lot.
Hanggang sa sumapit ang ilang oras na aking paghihintay. Peste! Dahil ni anito ng lalaking iyon ay 'di ko makita.
Hindi kaya nakatunog ito? At biglang lumihis ng daan?" tanong ko pa sa aking sarili. Kaya naman kuyom ang mga kamao ko habang sinasakal sa aking usipan si Zach.
Mayamaya pa'y napansin kong kaunti na lang ang lumalabas na mga bisita. Ang tagal-tagal ko nang naghintay rito tapos wala naman pala akong mapapala! Anak ng tinapa, oh!
Kaya naman marahas akong tumayo mula sa aking pagakakaupo sa upuang bato. Tatalikod na sana ako nang makita ko na may isang tao na papalabas galing sa loob ng hotel. Mapatitig ako sa gandan ng katawan at guwapong mukha nito, mabuti na lang masikip ang garter ng panty ko. Kung nagkataong maluwag, sure akong nahulog na ito.
Ngunit habang papalapit ito'y nakikilala ko na kung sino ang lalaki. Kaya nama wala na akong sinayang na oras, dali-dali akong lumapit sa taong peste sa buhay ko walang iba kundi, si Zach Fuentebella.
"Mr. Zach Fuentebella!" patawag ko agad dito nang saktong makalapit ako. Agad naman siyang tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.
"Who are you?" tanong nitong may pagka-brusko ang dating.
Napataas naman ang kilay ko. "So, hindi ako nakilala ng lalaking ito...?" pabulong na tanong ko sa aking sarili.
"Ella Montes," pagpapakilala ko, tumingin siya sa aking mukha papaba sa mga legs ko at nakita kong palunok ito. Namataan ko ring pasimple nitong binasa ang labi niya gamit ang dila.
"It's really nice to see you here, mayroon ka bang kailangan sa akin? Parang kasing sinusundan mo ako, Miss. Montes?" mayabang na tanong nito.
"Hindi kita sinusundan, Mr. Fuentebella, nagkataon lamang na may kailangan ako sa 'yo!" masungit na saad ko.
"Oh, I see." Tumango-tango pa ito.
Tumingin ako sa mga mata nito. "Mr. Fuentebella, alisin mo ang sumpang binigay mo sa akin nang dahil sa sumpang iyon hanggang ngayon ay wala pa rin akong asawa. Alam mo bang gusto ko nang makapag-asawa pero dahil sa ginawa mo ay baka tumandang akong dalaga ako!" bulyaw ko rito. At walang paligoy-ligoy pa.
Nakita ko sa mga mata at labi nito ang kakaibang ngisi pero hindi nito pinahalata at bigla ring nawala.
"Don't take it as a compliment, Miss. Ella. Malaki ang naging atraso mo sa akin, maninigil na ako ngayon mabuti na lamang at ikaw ang kusang nagpakita sa akin," pahayag nito. At mayabang ang dating sa akin.
Pumalatak ako. "Matagal na akong nakapagbayad sa iyo Zach, matagal nang miserable ang buhay ko ng dahal sa binigay mong sumpa, ikaw pa nga ang may atraso sa akin!"
Lumakad ito palapit sa akin. "Ella! Ella! Matapang ka pa rin hanggang ngayon."
"Zach Fuentebella, matagal na akong nakapag apologize sa iyo, remember? Kaya puwede ba lubayan mo na ako!"
"Hindi ko iyo tinanggap, remember?" katuwiran nito.
"Buong puso ang panghingi ko sa iyo ng dispensa para sa naging pagkakamali ko noon. Kung tinanggap mo man iyon o hindi ay problema mo na 'yun! Kaya puwede ba, alisin mo na ang sumpa sa akin. Oh, kaya ay mag-asawa ka na lang baka iyon lamang ang makakaalis ng sumpa!
I want to be happy, Zach Fuentebella, and you will give me that happiness!" nanggagalaiting sigaw ko.
Tumaas ang sulok ng labi nito "You just made the second biggest mistake of your life, Ella. Hindi mo ba alam na sa isang laban ay hindi mo dapat inire-reveal ang kahinaan mo?"
Lumapit pa siya sa akin at tumapat sa may puno ng tainga ko. "Alam ko na tuloy ang kahinaan mo..." bulong nito sa akin.
Napaisip ako sa sa sinabi nito. Naku naman! Ang tanga ko talaga bakit kasi nasabi ko iyon?
Tumingin siya sa akin sabay napangisi pa. "Ahhmm!
May ganda ka rin naman pala puwede na," wika nito. At humawak pa ito sa panga nito at at bumababa ang mata nito sa mga legs kong naka-expost.
"Ano'ng gagawin mo? Para makumbinsi mo ako na alisin ang sumpa na sinasabi mo na ibinigay ko sa iyo?"
"G-gagawin ko lahat nang paraan, Mr. Fuentebella. Kung kinakailangan maghahanap ako ng babaeng magugustuhan mo, oh, magiging asawa mo ay gagawin ko!" mariin saad ko sa lalaki.
"Ohh! Gagawin mo talaga, Miss. Ella?" tanong nito.
"O-oo,' nauutal na sagot ko.
"Desperada ka na nga mag-asawa," ngisi nitong sabi sa akin.
Nag-isip ito. "Kung gusto mo talagang makapag-asawa siguro naman gagawin mo ang nais ko 'di ba?" tanong nito.
Tumango ako rito ng alanganin. Medyo kabado rin ang dibdib ko.
"Good, magkakasundo tayo. Kailangan ko ng maid sa bahay ko, na sa 'yo na kung gusto mong pumasok na katulong, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Hindi naman kasi ako desperado na mag-asawa, eh, ikaw lang iyon."
Masamang-tingin ang binigay ko rito. "Gagawin mo akong mutchacha? My Gosh! Okay ka lang?" reklamo ko.
"Hindi ba, sinabi ko nga hindi kita pipilitin, hindi lang ikaw ang puwede kong makuha." Sabay talikod nito na alam kung patungo na sa kotse nito.
Shit! Kahit mahirap tatanggapin ko ang maging isang katulong ng pesteng lalaki. Wala akong magagawa dahil ito lamang ang tanging paraan para maalis ang sumpa nito sa akin.
Kaya naman hinabol ko ito. "Wait lang, Mr. Fuentebella." Sabay hila ko sa laylayan ng suot nitong damit.
Tumigil naman siya sa at tumingin sa akin na may pagbabanta.
"What?!"
"May sasabihin pa ako!"
"Miss Montes, sinasayang mo lang ang oras ko, kaya kung may sasabihin ka akin ay sabihin muna, puwede ba?" masungit na sabi nito sa akin.
Ngumiti ako ng alanganin sa lalaking mangkukulam. "S-Sige papayag na ako maging maid mo."
"Okay, pumunta ka sa address na nakalagay riyan. At kailang seven ng umaga ay nandoon ka na. Ayaw ko ng late," saad nito at umalis na sa aking harapan upang pumunta sa kotse nito. Hindi man lang ako hinintay na makapagsalita.
Umiiling na tumingin na lamang ako sa addres nabibinigay nito sa akin. Masama rin ang loob ko na umalis ako sa lugar na ito. Mukhang nabaliktad ang plano ko.
Sana lang ay hindi patagalin ni Zach ang pag-stay ko sa house nito. Ang dapat kong gawin ay araw-araw ko itong kukulitin na mag-asawa na. Para naman marindi sa akin. Kala niya, ha. Mas mautak ako sa kanya.