Nakaw Na Condom 5

1159 Words
Sinundan ko na lang ng tingin ang lalaki habang papalayo sa akin. Kuyom din ang aking mga kamao. Parang aatakihin ako sa puso kapag 'di ko nailabas ang sama ng loob ko. Subalit bigla akong napangisi dahil may pumasok sa utak ko na kabaliwan. Kaya naman agad akong nagpalinga-linga upang maghanap ng masasakyan. Agad naman akong nakakita ng taxi. "Manong, pakisunda mo nga ang kotseng kulay itim," utos ko sa driver. Agad naman itong sumunod sa akin. Sinabi ko ring huwag masyadong lalapit at baka mahalata kami ng lalaki. Mangkukulam pa naman ito kaya alam kong malakas ang pang-amoy nito. Hanggang sa muli akong mapatingin sa kotseng nasa unahan namin. Nakita kong lumiko ito pakaliwa. Kaya patuloy pa rin kaming nakasunod kay Zach Fuentebella. Mayamaya pa'y huminto ito malapit sa isang hotel. Hinintay ko muna itong makababa ng kotse. At nang matiyak kong umalis na ito sa kanyang sasakyan ay nagmamadali naman akong bumaba ng taxi. Agad kong binayaran ang taxi driver at pinaalis ko na rin ito. Para 'di nito makita ang aking gagawin. Nagpalinga-linga muna ako sa buong paligid upang alamin kung may tao bang nakatingin sa akin. At nang matiyak kong walang nakatingin sa akin ay nagmamadali kong hinalwat ang bag kong dala-dala. Maliksi kong kinuha ang bolpen at maliit papel sa loob ng bag ko. Mabuti na lang at palagi akong may dala-dala nito. Pagkatapos ay agad kong sinulatan iyon ng malalaking letter na. . . "AAMIN NA AKO. . . BAKLA TALAGA AKO" AT AKO TALAGA SI MISS. Z. F" Napahagikhik pa ako habang sinusulat ko ang aking balak sa lalaki. Sure akong galit na galit ito sa akin. Kung ikaw ay isang mangkukulam, ako naman ang salot sa buhay mo. Titiyakin kong ikaw mismo at susuko at mag-aalis ng sumpang pinataw mo sa akin, Zach Fuentebella. At pagkatapos kong sulatan ang papel ay agad ko iyong idiniki sa kotse ni Zach, gamit ang scotch tape. Pagkatapos ay nagmamadali akong nagtago sa likod ng malaking truck na nakahimpil sa 'di kalayuan. Hinintay kong dumating ang binata upang alalim kung ano ang magiging reaction nito dahil sa aking ginawang kabaliwan. Muli akong sumulip upang alalim kung dumating na ba ito. At laking tuwa ko dahil nakikita kong naglalakad na ang binata papalapit sa kotse nito. Hanggang sa mapansin kong kumunot ang nito ni Zach. Alam kong nakatingin ito sa papel na aking isinulat. Hanggang sa malalaki ang hakbang nito habang papalapit sa kotse niya. Gusto kong humagalpak nang tawa nang makita kong pinagpupunit nito ang papel na nakadikit sa kotse nito. At pagkatapos ay agad iyong tinapon sa basurahan. Umikot din ang mga mata nito sa buong paligid. Alam kong hinahanap nito ang taong may kagagawan ng lahat. Ako naman ay gusto kong magdiwang dahil nakaganti ako sa lalaking mankukulam. 'Ella! Ano'ng ginagawa mo riyan?!" Napaunat ang likod ko nang marinig ko ang boses na iyon. Walang iba, kundi si Lea. "Peste...!" buling ko pa. Nakita kong haharap si Zach dito sa aking pinagtataguan. Kaya agad akong lumapit kay Lea. At hinila ko ito papalayo. "Teka! Ano bang ginagawa mo...." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito. Sapagkat agad kong tinakpan ang bibig nitong maingay pa manok na naloloka. Grabe naman kasi ang lakas ng bunganga nito. "Huwag kang maingay..." pabulong na sabi ko rito. At pinagdiinan ko pa ang palad ko sa bibig niya. "Ammmh!" tanging ungol na lumabas sa bibig nito. "What are you doing there ?!" Bigla akong napaunat ng aking likod nang marinig ko ang boses ni Zach. Peste! Baka mahuli ako ito. Oh, ako ang paghinalaan nito, ah. Tumingin muna ako kay Lea. Pagkatapos ay nilakihan ko ito ng mata. Isang simpleng tango lang ang bigay sa akin ng babae. Hanggamg sa dahan-dahan akong humarap sa lalaking makukulam. At isang plastik na ngiti ang bigay ko sa lalaki. "Ooh! Mr. Fuentebella. Ikaw pa la iyan. Mayroon ka bang kailangan sa akin?" tanong kong nakataas ang kilay. "Huwag na tayong maglokohan, Miss. Montes. Alam kong ikaw ang may gawa noon," anas nito at nasa boses ang pang-uusig sa akin. Nagsalimbayan naman sa pagtaas ang kilay ko. "Huwag mo nga akong pagbintangan, Mr. Makukulam!" paasik na sabi ko rito. "Sa ating dalawa, ikaw lang may masamang motibo sa akin. Kaya kahit ano'ng kaila mo. Ay na hahalata pa rin kita. Pagbibigyan ko muna ang ginawa mo sa akin, Miss. Montes. Pero oras na maulit ito. Baka magsisi ka na nagpakita ka pa sa akin!" pa-bruskong sabi nito. Ako naman ay lalong na high blood dito. Kaya masamang tingin ang binigay ko. Balak ko pa sanang magsalita nang maunahan ako ni Mangkukulam. "Alalahanin mo mayroon kang pabor na hinihingi sa akin. Baka magbago ang isip ko. At hindi ko alisin ang sumpang sinasabi mo! Hindi ka tuloy nakapag-asawa," saad nito at tuloy-tuloy na paglilitanya. Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko. Tanda na malapit na akong sumabog. Pero kailangan kong magtimpi. At habaan ang aking pasensyang halos umapaw na talaga. "Mr. Fuentebella. Mas mainam kong aalis na kami. Baka kasi biglang may sumabog na bulkan, eh, matamaan ka at maging abo ka pa," paalam ko at tangka na sanang aalis para yayain si Lea. Nang magsalita ito. "Miss. Puwde ko bang makausap si Miss, Montes? Huwag kang mag-alala. Ako na ang maghahatid sa kanya," saad nito sa aking kaibigan na si Lea. "Ay! Sige po, Sir," nahihiyang sabi ni Lea. Pagkatapos ay tumingin sa akin para magpaalam na ring umalis. Kahit ayaw ko pa na iwan ako ay wala rin naman akong magagawa lalo at pinaalis na ito ni Fuentebella. Muli naman akong tumingin sa lalaki. Nakita kong ngumisi siya sa akin ng mala-deminyo. Pagtakapos ay umikot ang mga mata nito sa buong paligid at tila mayroong hinahanap. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang tawagin nito ang dalawang pulis. Napansin kong agad na lumapit sa amin ang mga alagad ng batas. "Ano'ng balak mong gawin?" kabadomg tanong sa lalaki. Isang ngisi lang ang binigay niya sa akin. At nang tuluyang makalapit sa amin ng dalawang pulis ay magalang itong nakipag usap kay Zach. "Mr. Fuentebella, mayroon ba kaming maipaglilingkod sa iyo?" tanong ng isang pulis. "May gusto ka lang akong ipakulong. Halos taon na rin niyang ginugulo ang buhay ko. At kahit saan ako magpunta ay lagi siyang nakasunod. At ito lang nakaraan ay... " Tumingin muna siya sa akin. Bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. Nakita ko pa nga ang pag-ngisi nito at para bang may maitim na plano. Gustuhing ko mang magsalita ay para naman nalunok ko ang aking dila. Wala kasing lumabas ng tinig mula sa aking lalamunan. "Sige lang po, Mr. Fuentebella. Ituloy mo lang ang iyong sasabibin at makikinig po kami," muling sabi ng pulis. "Hindi ko talaga matanggap na. . . kinuha niya ang condom ko na bagong gamit pa lang." Halos lumuwa ang mga mata ko sa mga kabaliwang pinagsasabi ni Zach Fuentebella. Peste! Pigilan mo ako, self," baliw na kausap ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD