Tahimik akong nakaupo rito sa sofa at nag-iisip nang mga dapat kong gawin laban kay Za Fuentenbella. Nagulat pa nga ako nang lumapit ang tita ko. Isa itong matandang dalaga. Na baka balang araw ay matulad din ako rito.
"Bakit malungkot ang pamangin ko?"
Tumingin ako rito. "Tita, bakit hindi ka na nagasawa? Saka ang ganda-ganda mo kaya tita.
Tumingin siya sa akin bago magsalita.
"Dahil ang mga lalaki ay manloloko kaya ikw Ella. Kung ako sa iyo ay huwag ka na lang mag-asawa kung gagaguhin ka lamang," bulalas ni tita.
Napanganga ako rito. Diyos ko po! Isasama pa ako nito sa kalungkutan sa buhay nito. May balak pa sana akong itanong sa aking tita nang mag-paalam na pupunta ng kusina.
Nanonood na lamang ako ng balita sa Tv. Nang biglang lumabas ang larawan ni Zach Fuentebella. Kaya napatitig ako roon.
"Oo, aaminin ko guwapo siya pero para sa akin iba ang tingin ko sa abnoy na lalaking ito.
"He's arrogant and a total jerk." Kung hindi ko lang kailangan mag-asawa agad ay never akong lalapit dito.
Ayon sa balita ay nakita itong meron kasamang babae sa isang Mall na pag-mamay-ari nito.Ngayon-ngayon lang.
Bigla akong napatayo at nagtatakbo pataas para kuhanin ang wallet ko, hindi na ako nagpalit ng damit.
"Tita Mel, alis lamang ako," paalam ko rito.
Tumakbo ako palabas ng bahay at pinara ko ang isang taxi sumakay agad ako at nagpahatid Sa Z,F Mall.
Nakasimangot akong tumingin sa driver para kasing nananadya, eh. Ang bahag-bagal kasi magtakbo nito hindi naman trapik.
"Manong, wala na bang ibibilis itong sasakyan mo? Para kasing mabilis pa ang pagong, eh," wika ko rito.
"Ma'am pasensya na po, bago pa lang po kasi ako at nag-iingat lang po sagot nito." Napakamot ako sa ulo. Dapat pala tumakbo na lang ako papuntang Mall mapapabilis pa ako.
Sawakas nakarating din ako grabe umabot yata kami ng isang oras, ibinigay ko ang bayad ko hindi ko na nga kinuha ang sukli.
Patakbo akong pumasok sa Mall. At kahit ikutin ko itong Buong Mall kahahanap sa abnoy Zach ayos lang sa akin.
May tatlong oras na ako paikot-ikot dito sa Mall pero ni anino ng Zach 'yun ay hindi ko makita.
Lintek na 'yan nagsayang lamang ako ng pamasahe. Mas maganda siguro kung umuwi na lamang ako. Naglakad ako palabas ng Mall at sumakay ng taxi pauwi para umuwi.
"Ohhh! Ano'ng nangyari sa 'yo Ella? Parang pasan mo ang mundo, ahh," puna sa akin ni Tita Mel.
"Wala po tita siguro'y nagugutom lamang ako," sagot wika ko.
Si Tita Mel ang tumayong magulang ko simula ng mamatay ng maaga si mama at papa dahil sa aksidente na bangga kasi ang sinasakyan ng mga ito ng isang truck, kaya ayun maagang kinuha ni papa God.
Hindi naman ako pinabayaan ng mga tita ko, kaya swerte pa rin ako pagdating sa pamilya.
Pagpunta ko sa kusina ay agad akong nagsandok upang kumain dahil ginutom ako kahahanap kay Zach abnoy.
Ano kaya ang gagawin ko para makausap ko ang Abnoy na Zach na iyon? Pagkatapos kumain ay agad akong pumanhik sa aking silid para matulog. Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakahiga ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha upang alamin kong sino. Nakita kong si Lea ang tumatawag.
"Oh! Napatawag ka?" bungad ko agad dito.
"Ay grabe, wala man lang kamusta, besty? Nagtatampong na ako, ahh," wika nito.
"Aahh! Okay take two...Kamusta ka na bestfriend," natatawang turan dito.
"Bruha ka talaga," sabay tawa nito sa kabilang linya.
"Mas bruha ka. Saka bakit ka ba napatawag?" tanong ko.
"Mayroon lamang akong sasabihin sa 'yo at alam kong matutuwa ka. Alam mo bang nabalitan ko na dadalo rwlaw si Zach Fuentebella sa kasal ng kaibigan nito.
Ito na ang pagkakataun mong makausap siya besty kaya huwag munang palampasin iyon."
Bigla akong napangiti sa binalita nito. "Sinong kaibigan nito ang ikakasal?" tanong ko.
"Jusko besty, lagi ka na lang huhuli sa balita!" palatak nito sa kabilang linya.
"Si Lex Lord, 'di ba bali-balita ang nalalapit na kasal nito nextweek nakalagay rin naman kung saan sila ikakasal at kung saan gaganapin."
"Ano ka ba Lea, hindi basta makakapunta roon ang hindi invited," turan ko rito.
"Ella, hindi ka naman papasok sa loob maghihintay ka lamang sa labas, noh," wika nito.
May point din ito, basta't agahan ko na lang ang nagpunta roon.
"Hmmmm...sige pupuntahan ko kung saang gaganapin ang kasal," pahayag ko rito.
"Ngayon pa lang ay pag-isipan muna kung ano'ng plano mo bestfriend, dahil malapit na rin ang kasal," saad ni Lea.
"Oo, akong bahala sa lalaking iyon," sagot kong nakangisi.
"Ella, mag-iingat ka dahil hindi basta ang iyong haharapan. Malaking tao siya at sa aking pagkakaalam at sobrang sama ng ugali ni Zach Fuentebella. Baka sa malamig na rihas ang bagsak mo," may pag-aalalang saad ni Lea.
"Huwag kang mag-alala kaya ko ang aking sarili. At may plano na ako sa lalaking iyon oras na magkita kaming muli. Ipapakita ko sa kanya ang hagupit ko," mayabang na sabi ko sa aking kaibigan.
"Huwag mo nang magsalita nang tapos besty, baka sa kangkongan ka bumagsak. Alalahanin mo kung gaano kagwapo ang isang tulad ni Mr. Fuentebella."
"Samalat sa paalala besty."
"Walang ano man, ayaw ko lang kasing magpabalik-balik sa kulungan oras na makulong ka," baliw na wika ni Lea sa akin.
"Malabong mangyari ang sinasabi mong makukulong ako."
Narinig kong nagbuntonghininga ito sa kabilang linya. Hindi naman nagtagal at ito'y nagpaalam na sa akin mayroon pa raw itong gagawin. At nang mawala ito sakabilang linya ay agad akong nag-isip kung ano ang una kong gagawin.
Kung sakaling magkita kami ng lalaking mangkukulam na iyon. Ngayon pa lang ay gusto ko na siyang balatang ng buhay.
Nakangiti akong humiga sa kama. Siguro naman ay hindi na ako mamalasin oras na alis nito ang sumpa sa akin. Humanda ka sa aking Zach Fuentebella, sisiguraduhin kong ako ang mag wawagi sa ating dalawa.
Magsisisi ka na ako'y sinumpa mo. Nang dahil sa 'yo nagkamalas-malas tuloy ang buhay ko. Peste kang lalaki ka.
Sa sobrang lalim ng aking iniisip ay 'di ko na namalayang nakatulog na pala ako. Pero may ngiti sa aking mga labi.