Walang Hanggang Pag-iyak 2

1016 Words
Basang-basa ang hawak kong tissue papaer dahil sa kaiiyak. Sobrang wasak ang aking puso at tila naghihingalo na ito. "Pesteng Larry 'yon! Bwesit talaga siya!" malakas kong bulalas sabay iyak ulit nang mas malakas. Nandito ako sa Mini Mart na pagmamay-ari namin ng kaibigan kong si Lea. "Ooh! Ella, ano na naman ang nangyari sa 'yo, ha?" tanong sa akin ni Lea. "Ang peste ko kasing boyfriend ay nakita ko lang naman na may kahalikang babae. May shotgun ka ba riyan at kung mayroon ay baka puwedeng pahiramin mo ako at papatayin ko silang parihas!" "Ha! Ano ka ba Ella, hindi ka na makakapag-asawa kung papatayin mo sila. Mag isip-isip din pag may time bestfriend sayang ang lahi mo." "Lagi na lang ba akong bigo sa pag-ibig?" Sabay iyak ko ng malakas. Pansin kong umiiling ito sa aking mga tinuran. Pero hindi ako tumigil sa kangangawa at muli akong nagpatuloy sa pagtangis. "Sabihin mo nga sa akin Lea. Ano bang mali sa akin? Pangit ba ako? Hindi ba ako karapat-dapat mahalin?" atungal kong tanong sa kaibigan ko. "Walang mali sa 'yo Ella, nagkataon lamang hind ka pa sinusundo ng iyong mapapangasawa. Haller ang ganda mo kaya, noh. Naniniwala akong may tamang lalaki ang nakalaan sa 'yo. Siguro'y namamasyal lang ang nakatadhana sa 'yo." Sabay tawa nito nang malakas. Kaya naman lalo akong umatungal nang pagkalakas-lakas at para bang wala ng bukas. "Oh! Wait, may ipapakita ako sa 'yong hot papa at bakasakali na makalimutan mo ang ex boyfriend mo," wika nito sa akin. Hindi ko kailangan ang masyadong gwapo kung lolokohin lamang ako. Dapat talaga maghanap na lang ako ng bulag o kaya ay pangit dahil may pag-asa pa akong mahalin nila. Pero sadyang makulit si Lea at pinagduldulan sa mukha ko ang magazine na hawak nito. Kaya naman napasulyap ako roon. At isang napaka guwapong mukha ang nabungaran ko roon, with piercing clear brown eyes, arrogant nose, sensuous lips, brownish black wavy hair long enough to curl at the base of his neck, and with a body fit to be a model. Kahit kailan ay hinding-hindi ko malilimutan ang pagmukhang iyon na punong-puno ng galit na tumingin sa akin. "Guwapo, no?" komento ni Lea. “That's Zach Fuentebella. He's the sole owner of Fuentebella Shipping lines, the biggest shipping line in the country. Siya rin ang may-ari ng top land development firm sa bansa. At sa kanya rin ang malalaking Mall dito sa bansa ganoon din ang Z,F Jewelry's. Mayroon din siyang negosyo sa ibat-ibang panig ng bansa. At ang balita siya na lamang ang hindi pa nag-aasawa, dahil si Lex Lord na kaibigan nito ay may asawa na rin. At ito ngang si Hanz Red ay nabalitaan na ikakasal na rin. Pero ayon sa balita baka susunod na rin itong mag-asawa dahil maraming naglalabasang report na nakikita itong nakikipag date sa mga magagandang babae,” pahabang litanya ni Lea. At nakikita ko rin sa mga mata nito ang kilig sa binatang Fuentebella. "Susunod na mag-asawa?" Napatili ako. "That's it!" Kinuha ko ang Magazine rito. "Siya nga!" Sabay turo ko sa picture nito sa magazine. "What?" namamanghang tanong ng kaibigan ko. "Siya ang may kagagawa kaya ako minamalas sa pag-ibig. Kailangan ko siyang makausap at bawiin niya ang sumpa sa akin. At dapat na siyang mag-asawa. Para naman makahanap na ako ng lalaking mapangasawa ko!" bulalas ko. "Ayos ka lang ba? Mukhng natuluyan ka na nga! Kailagan na ba kitang dalhin sa mental?" umiiling na tanong ni Lea. Tumingin ako kay Lea. "Saan siya nakatira ngayon?" Kakaibang tingin ang binigay niya sa akin. "Maghunos-dili ka Ella, baka tuluyan kang mabaliw oras na gawin mo ang balak mo. Huwag mong kalilimutan na bilyonaryo haharapin mo at baka sakulungan ka bumagsak," paalala ni Lea sa akin. "Hindi puwede! Kailangan ko siyang makausap, Lea," desididong saad ko. "Malabo ang gusto mong mangyari Ella, ang takulad ng ganyan tao ay hindi basta-basta makakausap." "Gagawa ako ng paraan," katuwiran ko rito.” Umiiling na lamang ito sa akin. "Naniniwala ka ba sa mga ganyan na sumpa? Malabong isumpa ka ni Zach baka nagkakamali ka lamang, Ella,” saad ni Lea. At nasa mukha nito ang 'di makapaniwala. Tumingin ako rito at nagsimula nang magkuwento kung ano ang totoong nangyari kung bakit hanggang-ngayon ay minamalas pa rin ako sa pag-ibig dahil 'yan sa pesteng si Zach Fuentebella. Hindi ko naman akalain na may pagka-witch pala ang bwesit at pesteng lalaking iyon. Sumula umpisa ay sinabi ko talaga kay Lea ang lahat-lahat. Napanganga si Lea at halos hindi makapaniwala sa aking mga pinahayag sa kanya. "Ang sabi ng lola ko dati kapag galit na galit daw ang isang tao at nakapag bitaw ng mga salita kalimitan daw ay nagkakatotoo," saad ni Lea, habang nanlalaki ang mga mata. "Kaya kailangan ko siyang makausap nang maayos," anas ko sa babae. Habang hindi maipinta ang mukha ko. "Mahirap kausapin ang isang katulad ni Zach Fuentebella!" palatal ni Lea. "Gagawa ako ng paraan para lang makausap ko si Zach." "Basta mag-ingat ka lang bestfriend sa iyong gagawin na paghahanting kay Mr. Fuentebella," paalala niya sa akin. "Kung kinakailangan puntahan ko rin ang mga lugar na pinupuntahan nito ay gagawin ko." Umiling na lamang si Lea sa akin mga sinasabi at plano laban sa lalaking iyon. "Iwan ko ba naman sa 'yo nagmamadali kang mag-asawa, eh. 24 years old ka pa lang naman," anas nito. "Alam mo naman nasa lahi namin ang tumatandang dalaga at binata, eh. Kaya ngayon pa lang kailangan ko nang kumilos, gusto ko magkaroon ng masayang pamilya lalo na ang mga anak. "Aahh! Ganoon ba? Dapat ngayon pa lang ay puntahan muna si Zach Fuentebella," wika nito sa akin. "Talagang gagawin ko iyon," anas ko sabay tayo upang umuwi ng maaga. Kailangan kong pag-isipan ang aking mga gagawin laban kay sa Zach Fuentebella. Agad naman akong nagpaalam kay Lea. Siya na ang bahalang magsara ng Mini Mart. Kahit ano’ng paraan ay gagawin ko para lang makita kami ng sumumpa sa akin Kahit ang pagkidnap dito ay puwede ko ring gawin. Peste ka talaga, Zach Fuentebella. Mas maganda siguro kung lasonin na lang kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD