"Gosh, na-miss ko 'to!" Enthusiastic kong wika habang naglalakad dito sa Seventh Street tungo sa isang KTV bar kung saan namin gaganapin ang welcome back party na gusto ng mga pinsan ko.
The whole place is alive and bright with partygoers this evening. Not to mention the sounds, laughter, and screams you'll hear all over here.
"I told you! Tapos gusto mo na sa bahay lang," sarkastikong saad ni Rianne.
Medium room na good for 15 persons ang pina-book namin instead of small room. Mas okay na iyong may leg room para naman makagalaw kami ng maayos kahit na kami-kaming magpipinsan lang naman, pati iyong girlfriend ni Qino. Inimbitahan ko rin si Doreen ngunit hindi raw siya makakapunta. Dalawang oras lang rin ang ilalagi namin dahil balak pa naming lumipat sa ibang bar.
Pagpasok namin sa loob ng room ay ang mic na agad ang dinampot ni OJ. Nandito na kaming lahat, maliban kay Qino na sinundo muna si Irah. Hahabol naman daw si Diana at Liam maya-maya, ayon sa kanila.
Inihatid na rin iyong mga inumin at pagkain na kasama sa kinuha naming package dito. Wala namang sinayang na sandali ang mga pinsan kong lalaki dahil sinimulan na nilang tumagay.
Umingay na rin kaming lahat dahil sumasabay kaming lahat sa bawat kanta na kakantahin ng isa sa amin dito. Huminto lang kami sa pagkanta nang bumukas ang pintuan.
"Aisla!" Malakas na tawag ni Diana na tumatalon-talon pa pagpasok niya dito.
Magilas akong tumayo at yumakap sa kanya. Bumeso na rin ako kay Liam na kaagad tinawag ni Rion.
"Sana sinama niyo si LJ!" Saad ko.
"As if pwede siya dito!" Natatawa niyang sabi. "Na-miss kita!" Muli itong yumakap sa akin.
"Na-miss ko rin kayo. Ang laki na siguro ni LJ, 'no?"
"Yes. At ang dami mo ng utang sa kanya! Dapat nga yata, sinama namin siya para masingil ka niya."
Pareho kaming tumawa saka na lumakad patungo sa couch kung saan nakaupo ang mga pinsan namin. Inabutan siya ng vodka ni Amara.
Muli kaming umingay sa mesa na parang mga lasing na kahit ang totoo kauumpisa pa lang namin. Kwentuhan dito, tawanan doon... and I still couldn't believe that I'm with them right now. Mas pinili kong hindi sila makasama sa loob ng apat na taon pero gano'n pa rin iyong trato nila sa akin.
"Wait, wait! Si Aisla naman pakantahin niyo!" Ani Amara saka kinuha ang songbook at ibinigay sa akin.
"Wala pa akong maisip. Wala pa ako sa mood kumanta," natatawang wika ko saka tinulak palayo ang songbook.
"Lasingin niyo na lang kung ayaw kumanta," suhestiyon ni Yosef. Inirapan ko siya habang nakangiti.
Nag-ayang mag-picture si Diana kaya nagsi-ayos kaming lahat, pero hindi natuloy nang bumukas ang pintuan.
Bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Qino habang nakakalawit sa braso niya ang kamay ni Irah na nakangiti rin.
"Late kayong dalawa!" Akusa ni Rianne.
When Qino's eyes met mine, I smiled sweetly, even though something sharp crossed my chest when I suddenly remembered the favor he was asking me. Maybe they have a plan to settle down. Kaya naman na nila dahil pareho na silang may trabaho. There is also no doubt that they love each other. Mommy and Daddy also like Irah for him. And I know our cousins like her too. And if you are going to ask me... I don't have a choice not to like her for him.
I really don't get why he asked for a favor like that. It would have been better if he had just asked me to go back to the province. Or maybe he wants me to watch him be happy with another girl before finding my happiness.
Bumeso sa aming lahat si Irah at saglit na nakipag-kwentuhan. Normal naman akong nakiharap sa kanya at ikinubli ang inggit na nararamdaman ko. Maya-maya pa ay tinawag na siya ni Qino at pinaupo sa tabi niya.
Mas lalong nabuhay ang inggit sa sistema ko ngunit pilit ko iyong pinapatay sa pamamagitan ng pag-inom ng mapait na alak. Maingay dito sa loob at ang dami kong pwedeng pagbalingan ng atensyon ngunit pinipili ng mga mata ko ang tumingin sa gawi nila.
Nakikita ko ang bawat paglapit ng bibig ni Qino sa tenga ni Irah saka sila parehong matatawa. Pati ang pag-akbay ng braso ni Qino sa balikat ni Irah, at ang paghaplos sa likuran ng ulo nito, malinaw kong nakikita.
Ni hindi man nga lang naliligaw ang tingin niya sa akin. Nakatuon lang ang buong atensyon niya kay Irah. Parang siya lang ang kasama ni Qino ngayon dito sa kwartong ito.
Kailangan ko pa ba silang hintayin na maikasal kung nakikita ko naman nang masaya na siya? Ang unfair talaga niya sa gusto niya na 'yon.
Inalis ko ang tingin ko sa kanila bago pa may makahalata sa akin. Bahagya ring tumahimik sa loob nang wala nang may gustong kumanta. Nilibang ko ang sarili ko sa pakikipag-usap sa pinsan kong babae habang umiinom.
"Paps, pansin ko lang, ba't parang hindi kayo nag-uusap ni Aisla?"
Marahas akong napatingin kay Rion dahil sa sinabi niya. Namilog pa ang mga mata ko dahil sumang-ayon sa kanya ang iba naming pinsan. Dumaan ang paningin ko kay Qino na nakatingin rin sa akin pero kaagad rin niyang inalis. Kahit si Irah ay sa gawi ko rin nakatingin.
"Oo nga!" Gatong pa ni Gregg. "Away na naman siguro 'tong dalawa just like old times." Humalakhak ito.
"No, no! We're good. Ano ba kayo?" Agap ko.
Gago yata 'tong magkapatid na 'to, eh. Nananahimik na nga lang ako dito, idadawit pa ang pangalan ko.
"Hindi mo ba siya na-miss, Qino? Four years mong hindi nakita ang nag-iisang babaeng kapatid mo, uy!" Pakikisali pa ni Rianne.
Hindi ako naging komportable sa mga sinasabi nila lalo na't alam nila ang tungkol sa amin noon. Bakit ba sinasabi nila ang ganito ngayon? Hindi ba nila nakikita si Irah dito? Ang girlfriend ni Qino? O wala naman 'to sa kanila. Sadyang napansin lang talaga nila na hindi ako pinapansin ng kuya ko.
"Of course I did miss her," nakangising sagot ni Qino. "But, come on! Am I responsible for the bond I didn't break? No, right?" Umiling pa ito saka na muling itinuon ang atensyon sa katabi niya.
Kinurot ang puso ko at gusto kong mainis sa mga pinsan ko pero pinili ko na lang tawanan iyong sinabi niya. Tama nga naman siya. Ako 'tong lumayo at nang-iwan. Pero hindi ba niya alam ang dahilan? Wala ba siyang ideya? Tapos hihingi pa siya ng pabor sa akin na parang siya lang ang may karapatan na sumaya!
"Kumanta na nga lang tayo." Kinuha ni Ivette ang songbook saka nagsimulang pumili ng kakantahin.
Kinuha rin ni Qino iyon pagkatapos ni Ivette, at ibinibay kay Irah na siguradong pumipili rin ng kanta. Nawala na sa amin ang atensyon ngunit hindi nawala iyong iritasyon na nararamdaman ko. Pati iyong sakit at sama ng loob, nanatili sa sistema ko.
"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko kay Ivette nang iabot niya sa akin ang mic.
"I like this song. Sing it for me, please?" Pakiusap nito. Sapilitan niyang ipinahawak sa akin ang mic.
Nang makita ko ang title ng kanta sa flat screen ay mabilis kong ibinalik sa kanya ang mic ngunit muli rin niyang ibinalik sa akin.
"Vette, ayoko 'to. Ibang kanta na lang."
Sino ba ang gustong kantahin ang kantang Before It Sinks In ni Moira Dela Torre sa ganitong sitwasyon? Definitely not me! Ano ba ang pumasok sa utak ni Ivette?
"Ayan na!" Pagmamadali nito nang mag-umpisa na ang kanta.
Hindi ko ibinuka ang bibig ko kahit na nagsisimula na ang kanta. Ilang beses nila akong pinilit at pinag-cheer pa hanggang sa wala na akong magawa kundi ang kantahin na lang.
Nakakatakot na baka mailabas ko ang emosyon ko dito dahil lang sa kantang napili ni Ivette Rebecca! Pero mas maganda na siguro na sa pamamagitan ng kanta ko na nga lang ilabas kaysa sabihin ko mismo sa kanya.
Inihanda ko ang sarili ko at boses saka sinimulang kantahin ang lyrics na nasa screen. Kahit na kumakabog ang dibdib ko ay nagpatuloy pa rin ako.
Kanta lang naman 'to. Pero bakit ba kasi ito ang napili ni Ivette? Bakit?
"Before it's too late... I'll take a step away..." dinama ko ang kanta at ibinagay ang tinig ko sa tono.
I could feel the pain in my own voice, but I continued anyway. Maybe through this song, he will realize that four years didn't make me go numb. That, even though I was the one who broke it off and f*****g walked away, doesn't mean I didn't feel the pain.
Naghiyawan ang mga pinsan ko at pumalakpak nang matapos ko ang kanta. Tumayo ako at bahagyang yumuko saka humalakhak.
Nang dumako naman ang paningin ko kay Qino ay nakatingin rin siya sa akin. Kaagad ko rin inalis ang paningin ko sa kanya. Kinuha ko ang phone sa bag na dala ko at bahagyang kumunot ang noo nang makita ang limang missed calls galing kay Dada.
"Guys, labas lang ako saglit. Tumatawag si Dada," paalam ko sa mga pinsan ko saka itinuro ang screen ng phone.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at dumiretso na sa may pintuan. Lumakad ako tungo sa mismong labas ng KTV bar.
Isinandal ko ang lower back ko sa railings sa tapat ng KTV bar saka tinawagan si Dada.
"Are you out of the house right now? I've been calling you for a while." May himig ng sermon ang tinig nito nang sagutin ang tawag.
"Uh, yup, Da. Sorry! I'm here at Seventh Street with my cousins."
"It's okay. I just want to tell you that you should pay a visit to your grandma, anak," mungkahi ni Dada. "She knows you're in town. Nagrereklamo siya sa Ate mo kung bakit hindi ka raw pumupunta sa kanya."
Apologetic akong ngumiti at humarap sa railings. Mag-iisang linggo na nga ako dito bukas pero hindi ko pa rin siya napupuntahan sa kanila.
"Bukas, Da, pupunta po ako doon," wika ko. "Sunday naman, at saka nando'n sigurado si Ate. I might spend the night there too. Sabihan ko na lang po si Ate."
"Do it, okay? Kahit magpakita ka lang sa lola mo. Sabihan ko na rin ang Ate mo mamaya para masundo ka niya bukas."
"Okay po, Da. Nasa bahay ka na?" Ngumiti ako at parang bigla ko siyang na-miss.
May kung ano rin sa akin na nag-uudyok ngayon na magpasundo na. Parang gusto ko nang bumalik doon. Gusto ko nang balikan iyong tahimik na lugar na 'yon.
"Yes. Umiinom ba kayo ng mga pinsan mo?" Malalasahan mo ang konting pag-aalala sa tono ng boses nito.
"Opo, pero konti lang. Don't worry, Da."
"Alright. Sige na, anak. I might be disturbing your bond with your cousin. Just don't drink too much, Aisla."
"Opo. Bye, Da!" Paalam ko saka na tinapos ang tawag.
Bumuntonghininga ako saka ilang minutong tumitig sa phone. Hindi ko alam kung babalik pa ako doon sa loob o hihintayin ko na lang silang lumabas dahil malapit na rin namang matapos ang dalawang oras. Parang gusto ko na ring umuwi dahil bigla akong napagod.
Sumagi rin sa isipan ko iyong eksena noong birthday ni Qino na ginanap dito. Ang saya namin no'n kahit patago. Wala pang problema at wala pa akong alam sa totoong pagkatao ko.
Tumitig ako sa kawalan saka muling bumuntonghininga. Nakita ko naman sa sulok ng mata ko ang paglapit ng isang tao sa may tabi ko pero hindi ko iyon pinansin. Baka gusto rin niyang makahinga kaya nandito rin siya labas ngayon.
"I'm sorry," usal ng pamilyar na tinig kaya napalingon ako sa katabi ko.
Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang histura ni Qino. Sinundan ba niya ako dito? Tsk.
"Okay lang," sagot ko kahit na hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry ngayon. "Babalik na ako sa loob," paalam ko at hahakbang na sana paalis ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko nang mahigpit.
Kunot-noo ko siyang tiningnan na may halong iritasyon. Ano na naman ba ang gusto nito? Ano na naman kaya ang sasabihin niya? Ano na naman ang lalabas mula sa bibig niya na makakasakit ng damdamin ko?
Magtatanong na sana ako kung ano pa ang gusto niya ngunit may iilang babae na lumapit sa kanya para makipag-picture. Inilingan sila ni Qino at hindi man lang siya tumingin sa kanila. Ni hindi man nga lang niya ako binitawan.
"Am I hurting you?" Malamlam niyang tanong habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko nang umalis ang mga babae.
"Yup! Yes, you are." Sinulyapan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"Do you want me to let go?" Tanong pa nito na ikinairap ko.
"Well, yes, Qino! Kasi, hello? Nasasaktan ako!" Irita kong sabi. Hindi ba niya alam ang ginagawa niya? Paniguradong magmamarka ang kamay niya sa braso ko!
Tumitig ito sa akin at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya, ngunit hindi pa rin siya bumibitaw. Gumapang ang iritasyon sa akin kaya pwersahan kong binawi ang braso ko na hindi niya napaghandaan kaya napabitaw siya.
Masama ko siyang tinitigan habang hinahaplos ang parte ng braso ko na hinawakan niya saka na sinimulang humakbang palayo.
"I am hurting too!" Malakas niyang sabi sa tinig na nanunumbat. "And even after four years, why can't I still let go of you?"
Saglit akong huminto sa paglakad saka siya nilingon, ngunit may mga babae nang lumapit sa kanya kaya itinuloy ko na lang ang paglakad ko palayo.
Pero, holy s**t! Anong sinabi niya?