"How was your welcome-back party last night? Was it good?" Nakangiting tanong ni Doreen habang minamaneobra ang steering wheel ng sasakyan.
We are now heading to grandma's house -- where she also lives. I called her as soon as I woke up and told her to pick me up after lunch, pero 9 pa lang nasa bahay na siya.
Maayos naman akong nagpaalam kanina kay mommy at daddy. Bakas man sa mukha nila na ayaw nilang pumayag, hindi naman nila ako pinigilan. Sinabi ko rin na doon muna ako matutulog mamayang gabi para makasama ang mga Velasco. Sigurado ako na pupunta rin 'yong mga tita ko doon dahil ang alam ko, every Sunday nandoon sila.
Itinaas ko ang mga paa ko sa dashboard saka ngumiti sa kapatid ko.
"It was so good that I couldn't even remember how I got into my bed."
Malakas na tumawa si Doreen saka napailing. Pero totoong hindi ko talaga matandaan kung paano ako napunta sa kama. Ni hindi ko nga alam kung paano kami nakauwi, eh. Ang natatandaan ko lang ay after namin do'n sa KTV bar, dalawang club pa ang pinuntahan namin.
"Kasama niyo...si Irah kagabi?" Usisa pa ni Doreen sa nag-iingat na tinig. "I've seen the pictures uploaded by your cousins." Tipid itong ngumiti.
"Yup. She was there with Qino. Pero umalis na rin sila after namin do'n sa KTV bar," tugon ko sa normal na tinig.
Hindi na sila sumama pa sa amin sa ibang bar dahil ihahatid pa daw niya si Irah. Ewan ko lang kung hinatid lang ba talaga. Baka doon na rin siya natulog sa bahay ni Irah since hindi ko siya nakita kanina. Wala rin 'yong sasakyan niya na katulad no'ng sasakyan niya dati. Iyon nga lang, itim na siya ngayon. Hindi na puti.
At ayoko na lang isipin ang tungkol sa kanila o ang tungkol sa mga sinabi niya kagabi at noong mga nakaraan. Nagugulo ang utak ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Naiinis ako sa kanya at naiinis ako sa sarili ko. Nabubuhay iyong mumunting pag-asa sa dibdib ko sa mga sinasabi niya, pero kaagad rin namang namamatay kapag nakikita ko silang dalawa ni Irah.
Pero siguro gano'n ang way niya para maglabas ng sama ng loob. Gano'n ang paraan na napili niya para malaman ko na nasaktan ko siya. Gusto siguro niya akong makaramdam ng guilt o kaya ay gusto niya rin akong masaktan... at nagtagumpay naman siya.
Kabado ako nang makarating sa bahay. Ngayon pa lang rin ako makakatungtong sa bahay nila dito. Iniisip ko pa na baka mapagalitan ako dahil ngayon ko lang naisipang pumunta, ngunit kaagad rin iyong nawala at napalitan ng tuwa nang makita ko ang lola ko na nakaabang na sa amin sa may porch.
Nakaupo ito sa wheelchair habang nasa likuran naman niya ang nurse na nag-aalaga sa kanya.
"Mabuti naman at naisipan mo na akong bisitahin dito," ani Lola nang humalik ako sa kanya. May pagtatampo man ang tinig nito ngunit mas nanaig ang tuwa. Humalik rin ito sa magkabilang pisngi ko.
"Sorry po kung ngayon lang ako nakapunta," wika ko.
Hindi na gano'n kalakas ang mama ni Dada. Marami na rin siyang komplikasyon sa kalasugan.
Noong unang beses ko silang nakita at nakasama ay noong ipinakilala ako ni Dada sa kanila. Sila na lang ang pumunta sa probinsya dahil ayoko nang bumalik pa dito noon. Sobrang takot iyong naramdaman ko noon nang sabihin ni Dada na gusto nila akong makita at makilala. Ilang beses ko pang kinausap ang tatay ko na huwag muna dahil hindi pa ako handa. Baka rin tulad ni lola -- ng lola ni Qino -- hindi nila ako magustuhan. Baka kung anu-ano rin ang sabihin nila tungkol sa akin at tungkol sa nanay ko. Maybe it was my trauma that was talking at that time. Pero hindi naman nangyari ang gano'n. Walang nangyaring gano'n.
The Velascos were very welcoming. Tinanggap nila akong lahat ng walang tanong. At kay lola ko naranasan iyong pagmamahal ng isang lola na hindi ko naranasan sa kinilala kong lola. But that was understandable. Hindi naman niya ako ka-ano-ano.
Marami kaming pinagkwentuhan ni Lola. Tinanong niya rin ako tungkol sa mga Fontanilla. Hindi naman ito ang unang beses na nakausap ko siya. Nagbakasyon na rin kasi siya doon sa probinsya at nakasama ko rin siya ng ilang buwan. Iyon nga lang ay mas gusto niya dito sa syudad kaysa doon.
Mas lalo pang natuwa si lola nang dumating ang dalawang tita ko kasama ang mga asawa't anak nila nang mga hapon. Nagulat pa sila na makita akong nandito rin ngayon. May mga pinsan rin ako dito, pero hindi ko sila mga ka-edaran. Mas bata sila sa akin. Si Terrence talaga ang pinakamatanda sa apo ni lola. Panganay kasi si Dada at tatlo lang silang magkakapatid.
Tinawagan ko na rin siya at sinabing nandito na ako kay Lola. Baka sumama pa 'yong loob niya sa akin kapag hindi ko sinabi.
Kinagabihan, pagkatapos maghapunan ay nag-ayang manood ng horror movie ang mga pinsan ko. At imbes na matakot ako sa panonood, tawa pa ako nang tawa dahil sa mga ekspresyon nila at reaction kapag nakakatakot 'yong scene. Sobrang ingay namin sa TV room na naririnig yata ang mga sigaw at tawanan namin sa buong bahay.
"Does your mom and dad likes Irah for Qino?" Kumunot ang noo ko sa biglaang tanong ni Doreen.
Nandito na kami sa kwarto niya at nakahiga na. At hindi ko alam kung bakit nagtatanong siya tungkol sa bagay na 'yon. Or maybe she was just plain curious.
"Yup. I think everyone does. And there is nothing to dislike about her. Irah seemed nice." Nilingon ko siya at nginitian.
Hindi ko lang alam kung na-meet na ba niya ang mga tito at tita namin. Pero siguro, na-meet na ni Irah ang buong angkan ni Qino, pati na rin ang mga Ortiz.
"She is," sang-ayon nito. "Kahit sa office, gusto siya ng mga workmates namin."
Tumango-tango ako. "Kaya dapat hindi na siya sayangin ni Qino. Irah's rare."
"Does she knows something about you... and him?" Tumagilid ito nang higa paharap sa akin.
Sandali akong natahimik. Naalala ko rin iyong oras na ibinunyag ng lola ni Qino ang tungkol sa amin sa maraming tao. Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng hiya.
Sa loob ng apat na taon, hindi pa niya iyon nakalimutan. Paano pa kaya iyong ibang nakarinig? Paano pa iyong ibang nakaalam? Sigurado kapag nakita nila ako o nakasalubong sa daan, ang unang papasok sa isip nila ay nagkaroon ako ng relasyon kay Qino.
"I... don't know," umiiling kong sabi. "Hindi naman siguro niya sasabihin iyon kay Irah, 'di ba? Nakakahiya iyon. Tsaka baka biglang magbago ang tingin ni Irah sa kanya kapag sinabi niya. Baka nga pandirihan pa siya."
Kahit siguro ako, hindi ko aaminin 'yon kung sakali man na makahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin. Unless magtanong siya sa akin tungkol do'n. Pero kung wala naman siyang ideya, mas gugustuhin ko na itago na lang.
Hindi na muli pang nagtanong si Doreen, at hindi na rin ako nagsalita. Hinayaan ko na lang na lamunin ako ng kawalan nang tumahimik na ang buong kwarto.
Kinabukasan ay halos sabay kaming gumising ni Doreen. Nagmamadali naman siya dahil papasok pa siya sa trabaho.
"Magpahatid ka na lang sa driver kung ngayong umaga ka uuwi, ha? Hindi na kita maihahatid. Sorry, sis! Pero kung mamayang hapon pa, hintayin mo na ako," aniya habang dinadampot ang bag niya saka na tumakbo palabas ng pinto.
Napailing na lang ako at natawa. Hindi man lang niya nahintay ang sagot ko.
Salo-salo kaming nag-almusal ng mga pinsan ko at mga tita. Nang magla-lunch na ay biglang nag-ayang magtungo sa mall ang mga pinsan ko at doon na lang kumain. Sumang-ayon ako sa gusto nila para na rin hindi ko na kailangan hintayin si Doreen hanggang mamaya. Tsaka balak ko rin puntahan si Mama. Huli ko siyang napuntahan ay noong nalaman ko ang tungkol sa totoo kong pagkatao.
"I'll be back on Saturday, La. Dito po ako hanggang Monday morning," pangako ko kay Lola na nagtatampo dahil sinabi ko na uuwi na ako sa mga Fontanilla.
"Oh, siya, sige! Hihintayin kita." Matamis akong ngumiti saka yumakap at humalik sa ulo niya.
Pagdating namin sa mall ay kung anu-anong boutique ang pinasukan ng mga pinsan ko. Kasama rin namin ang mga tiga-alaga nila. And I almost lost track of time.
"Ate, mauna na po ako, ha?" Paalam ko sa nanny ng pinsan ko. "Dadaan pa po kasi ako sa sementeryo. Pupuntahan ko po si Mama."
"Hindi mo na kami hihintayin? Para maihatid ka na lang namin doon."
"Hindi na, Ate." Sinulyapan ko ng tingin ang mga pinsan ko na abala sa paglalaro dito sa arcade. "Mukhang wala pa naman silang balak umuwi." Tumango ito sa akin.
Lumapit ako sa mga pinsan ko at nagpaalam sa kanila. Ayaw pa nila akong paalisin ngunit sinabi ko na may pupuntahan pa ako. Tumawag rin ako sa isa kong tita para ipaalam na iiwan ko na dito ang mga pinsan ko. Baka kasi kapag nalaman nila na umalis lang ako basta-basta, magalit sila.
Makulimlim ang panahon paglabas ko ng mall. Nag-taxi na lang ako tungo sa sementeryo. Nakabili na rin ako ng bulaklak para kina lolo at para kay Mama. Unang kong tinunton ang tomb house nila lolo nang makarating ako. Inilagay ko ang bulaklak saka nag-alay ng panalangin sa kanila, at pakatapos ay dumiretso na ako kay Mama.
Umupo ako sa mga damo at tinanggal ang mga tuyong dahon na nasa lapida niya habang kinakausap siya sa tinig na kaming dalawa lang ang nakakarinig. My life would be entirely different if she was here. Hindi ko naman siya sinisisi sa mga pinagdaanan ko. Nagpapasalamat pa ako sa kanya dahil kahit wala na siya, sinigurado niya na magkakaroon ako ng magandang buhay.
Nakaramdam ako ng takot nang biglang kumislap ang kalangitan, at sumunod ang malakas na kulog. Mabilis kong dinampot ang bag na dala ko at nagpaalam kay Mama na aalis na.
Tumakbo ako patungo sa may waiting shed sa kabilang parte ng daan nang unti-unting bumuhos ang ulan. Hindi ko pa alam kung saan ko itatago ang bag ko dahil nababasa pa rin ako dito.
Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Daddy para sana magpasundo pero hindi niya sinasagot. O baka nasa office pa 'yon. Ba't kasi walang dumadaan na pampasaherong sasakyan dito?
Nag-browse ako sa contacts ko para humanap ng pwedeng tawagan. Lihim akong nagpasalamat nang makita ang numero ni Rion. Mabuti na lang at sinave niya dito ang number niya.
"Oh, napatawag ka?" Bungad nito.
"Nag-out ka na ba? Pwedeng pasundo dito sa may malapit sa cemetery? Wala akong masakyan, eh. Ang lakas ng ulan."
"Uh, I'm still here at the office. OT ako, eh," apologetic niyang sabi. "Why don't you call your dad? Or si Qino. I'm sure, nag-out na 'yon."
"Dad's not picking up..." sandali akong nag-isip kung gagawin ko ba 'yong pangalawa niyang sinabi. "Okay. But I don't have his number."
Ayoko mang gawin 'yon pero nababasa na talaga ako dahil dito banda sa gawi ko umiihip ang hangin kasama ang ulan.
Mabilis kong tinawagan ang numerong ibinigay ni Rion matapos naming mag-usap. Kinakabahan pa ako nang mag-ring iyon pero hindi ko na lang pinansin. Akala ko nga rin ay hindi niya sasagutin dahil baka isipin lang niya ay prank caller or scammer lang ako.
"Hello, Qino? Pwedeng magpasundo dito sa may waiting shed malapit sa cemetery? Wala kasi akong masakyan. Hindi rin kasi sumasagot si Daddy," diretso kong sabi nang sagutin niya ang tawag.
"Uh...who's this?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang tinig ng babae ang narinig ko. s**t! Si Irah yata 'to.
"Um... hi. Si... Aisla 'to-"
"Oh! Hi! Kanina ka pa ba tumatawag? I'm sorry I just got out from the shower. Nasa shower room pa rin ang kuya mo kaya hindi niya alam na tumatawag ka," paliwanag nito.
Nanuot sa buong katawan ko ang lamig dahil sa narinig ko. O...kay? So that means they are showering together?
"U-uh..." mahina akong tumikhim para gawing normal ang tinig ko. "Okay... lang." Peke akong tumawa.
"Sabihin ko na lang sa kanya na sunduin ka paglabas niya sa banyo. Saan ka nga ulit nagpapasundo?" Tanong pa ni Irah, at halata sa tinig niya na nakangiti siya. Malumanay ang tinig ito na nakapalambot.
Mabilis akong umiling kahit hindi niya nakikita. Sigurado ako na hindi na ako magpapasundo sa boyfriend niya. Ayokong makaistorbo sa kanilang dalawa.
"No need, Irah. Nag-text na si Rion, siya na lang daw ang susundo sa akin dito. Thank you!" Pagsisinungaling ko saka na tinapos ang tawag.
Napailing ako sa sarili ko habang pinagsisisihan na tinawagan ko pa siya. Kung naghintay na lang sana ako na may dumaan na jeep or taxi dito, hindi ko pa sana nalaman na naligo silang dalawa nang sabay. Eh, ano naman kung nababasa ako? Hindi naman ako mamamatay.
Muli kong tinawagan si Rion na kaagad naman niyang sinagot.
"Anong sabi ng kuya mo?"
"I didn't talk to him," wala sa sariling wika ko. "Si Irah ang nakausap ko. Katatapos lang daw maligo ni Irah, pero naiwan pa si Qino sa shower room." Suminghot ako nang muli kong maramdaman ang lamig sa buong katawan ko.
"H-huh?" Halatang naguguluhan si Rion sa isinagot ko.
Bigla akong natawa nang matanto na ang layo ng sagot ko sa tanong niya.
"Meaning, hindi niya ako masusundo. Mukhang magkasama sila ni Irah. Ikaw na lang kasi. Basang-basa na ako. Kawawa na ako dito, oh!" Pangongonsensya ko sa pinsan ko.
"Are you okay?" Tanong pa nito. Napairap ako sa kawalan.
"Hindi, Rion. Ang sabi ko nga, basang-basa na ako dito. Kaya sunduin mo na ako," demand ko.
"Okay. Magpapaalam muna ako."
Agad kong tinapos ang tawag saka bumuntonghininga. Hindi ko na inilagan ang bawat patak ng ulan na tumatama sa akin. Nakakainis na bigla akong nawala sa sarili dahil lang sa sinabi ni Irah. Hindi na dapat ako magpa-apekto at makaramdam ng kurot sa dibdib sa mga gano'n dahil may karapatan naman silang maligo nang sabay.
Sinubukan ko ulit tawagan si Daddy pero hindi na nagri-ring ang phone niya. Mas nakaramdam pa ako ng inis nang makitang malapit ng mamatay ang phone ko. At isa pa 'tong ulan na 'to!
Ilang minuto akong naghintay sa pagdating ng pinsan ko na hindi rin sigurado kung masusundo ako dito. Ite-text ko pa sana siya kung nasaan na siya ngunit bumigay na ang phone ko.
Maya-maya pa ay huminto ang isang itim na titanium sa mismong tapat ng waiting shed. Matagal akong tumitig sa sasakyan pero hindi ko binalak na tumayo mula sa kinauupuan ko.
Naramdaman ko ang mainit na likido na namuo sa mga mata ko nang makita ang pagbaba ng isang tao dala ang payong. Mabilis itong humakbang patungo sa pwesto ko at tumayo sa mismong harapan ko. Iniharang pa niya ang payong para hindi ako mabasa kahit na basang-basa na ako.
Halata ang pag-aalala at awa sa buong mukha niya. At iyong awa ang ayokong makita sa mga mata niya. Ayokong makaramdam siya ng awa sa akin.
"Let's go," aya nito saka kinuha ang bag.
"Hihintayin ko na si Rion," mahina kong sagot.
Bakit sinabi pa ni Irah sa kanya? Sinabi ko naman na susunduin na lang ako ni Rion, eh. Makulit din ang isang 'yon.
"I'm here. And Rion's not coming, Aisla. Get inside the car. Baka magkasakit ka pa diyan."
Kinagat ko ang ibabang labi ko saka na tumayo. Binuksan niya ang pintuan ng passenger's seat para sa akin. Inilagay naman niya sa sahig ng backseat ang bag na dala ko.
Tahimik lang kami habang binabaybay ang kalsada. Nakatingin lang rin ako sa unahan kahit na ramdam ko ang paminsan-minsan niyang paglingon sa gawi ko.
"Why do I still need to wait for you to get married before I'm allowed to find my happiness?" Hindi mapigilang tanong ko.
Pero na-realize ko na ako pa rin ang magdedesisyon kung kailan ko gustong sumaya -- kung kailan ko gustong humanap ng magpapasaya sa akin. Wala naman siyang magagawa kung hindi ko gagawin 'yong pabor na hinihingi niya sa akin.
"Because I'm not yet happy," diretsong tugon nito.
Marahas kong ibinaling ang ulo ko sa direksyon niya, at hindi ko napigilan ang magpakawala ng sarkastikong tawa.
"You are not yet -- what? Sabay na nga kayong naliligo ni Irah, hindi ka pa rin masaya? Really, Qino?" Nalalasahan ko ang pait sa tinig ko.
Binasa niya ang ibaba niyang labi saka huminga nang malalim.
"Aisla, hindi-"
"Shut up! I don't wanna hear it!" Pagputol ko sa sinasabi niya. Mariin naman niyang itinikom ang bibig saka napailing.
"Do you want me to be happy?" Aniya sa tonong nanghahamon makaraan ang ilang sandali.
"Of course-"
"Then come back to me. That's the only way I can finally be happy."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ako pa rin ba? Gusto ko sanang matuwa pero may mali. At parang wala siyang nakikitang mali doon sa mga salitang lumabas mula sa bibig niya.
Unti-unti ring sumibol ang galit sa dibdib ko nang mapagtanto ang gusto niya. Am I that low-class, cheap looking girl for him? Mukha ba akong naninira ng relasyon?
"Kahit hindi ka na sumaya, Qino, hindi ako babalik sa'yo," seryoso kong sabi kasabay ng pag-iling.
Kinabahan ako nang biglang huminto ang sasakyan, pero napansin ko na nag-stop lang kami dahil naabutan kami ng red light.
Napansin ko na lumingon sa akin si Qino kaya matapang ko rin siyang hinarap. Ngumisi pa ito sa akin saka itinagilid ang ulo.
"Fine," usal nito. "If I can't still have you now, then no one else will. No. One. Else. f*****g. Should."
Inisa-isa niya ang mga huling salita sa seryoso at nagbabantang tinig na siyang nagpataas ng mga balahibo ko sa balat.