Chapter 7

2407 Words
Tulala akong naglakad papasok sa kwarto. Parang napuno ng hangin ang utak ko. I couldn't think straight. Hindi ko rin alam kung ano ang eksaktong mararamdaman ko dahil bumuhos sa akin ang halo-halong emosyon. May tuwa, takot, awa, pangamba... and a little hope suddenly freaking sparked. But no. I shouldn't be putting any meaning to what he just said, right? It was unnecessary to misinterpret it. Of course he missed me. He misses me just like how mom and dad misses me. Si Dom rin naman gano'n. Normal lang na ma-miss niya ako dahil sabay kaming lumaki. Nasanay siya na kasama niya ako dito sa bahay. Araw-araw rin kaming nagkikita noon. So ano ba ang kinakabog ng dibdib ko ngayon? Sigurado namang hindi na ako. Nakita ko 'yong mga tingin niya kay Irah. Pati iyong malalambot niyang hawak at haplos sa kanya, iyong malulutong nilang tawanan... And the guilt is now slowly creeping into my skin because of that hell of hope when I know there's no more hope for me! Tsaka, galit siya kaya hindi ako pwedeng mabuhayan ni katiting na pag-asa na baka ako pa rin. Nakita ko ang galit sa mga mata niya para sa akin. Inamin rin naman niya iyon. Hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan kung bakit galit siya. Maayos naman kaming naghiwalay. Maayos rin kaming nagkausap. O baka dahil hindi ko napagbibigyan noon sina mommy na umuwi ako dito? Well, I can't blame him. May karapatan siyang magalit sa akin kung iyon ang dahilan niya. Pero kung may iba pa... ewan. Ayoko na lang isipin. Pabagsak akong umupo sa kama saka mahinang hinampas ang dibdib ko. Hindi pa rin humuhupa ang kabog nito dahil sa mga sinabi ni Qino. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng messaging app. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka ngumiti nang makitang gustong makipag-video call ni Rianne. "Just because you know I miss you doesn't mean you have the right to mess with me!" Pambungad niya at halata ang katarayan sa buong mukha. Halata sa hitsura niya na kagigising pa lang niya. Gulo-gulo pa nga ang buhok niya at mukhang nakahiga pa sa kama. Ang hula ko ay cell phone na kaagad ang dinampot niya pagmulat ng mga mata niya. Mahina akong tumawa habang nakaharap sa mukha ko ang camera. Nakita na niya panigurado iyong picture na sinend ko kanina at ayaw niyang maniwala. "I'm not messing with you. I'm not even trying!" Natatawang depensa ko. "When was the photo taken? Baka matagal na 'yon! Hindi na latest." Itinaas niya ang isang kilay, halatang ayaw maniwala. "It was taken a while ago. Come on, look. I'm here inside my room." I flipped the camera to show her around. Baka sakaling maniwala na siya. Narinig ko ang bahagyang tili nito. "No f*****g way!" Muli kong iniharap ang camera sa akin. Nakaupo na rin si Rianne sa kama at abot tenga ang tuwa. "Naniniwala ka na?" Ngumisi ako sa kanya. "Finally after four years, you b***h!" Malakas akong tumawa habang nakikita sa mukha niya ang excitement at tuwa. Kapareho siya ng reaksyon nila mommy. Si Qino lang talaga yata ang hindi natuwa na nandito na ulit ako. "So...aren't you, guys, coming in here?" Tanong ko. "I want to! But I have an interview at 10!" May panghihinayang ang tinig nito. "Alam na ba ng iba na umuwi ka na? O sa akin mo pa lang ipinaalam? Kailan ka pala umuwi diyan?" "Sa'yo ko pa lang sinabi. And I just came home yesterday." Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin. "See? Kahapon ka pa pala nandiyan, hindi ka nagsabi!" Nagtatampo niyang saad. Hindi ko napigilan ang hindi matawa. "I'll tell others later. May mga trabaho kasi sila ngayon. It's a Monday, Aisla. Kung kahapon pa lang sinabi mo na, lumusob na sana kami diyan!" Panenermon pa nito. "My apologies!" Matamis akong ngumiti. "Okay lang kung hindi niyo ako mapupuntahan ngayon--" "Yeah, b***h, not now. Pero mamayang gabi, siguradong nandiyan kaming lahat!" Pagatataray pa rin nito. "Okay, then. See you!" "Gosh! f*****g finally, you showed up!" We both laughed. Saglit pa kaming nag-usap ni Rianne saka na siya nagpaalam na mag-aayos na para sa interview niya mamaya. May trabaho na halos ang mga pinsan ko. Bigla tuloy akong na-pressure dahil hindi pa nga pala ako nakakahanap ng trabaho. Hindi rin namin napag-usapan ni Dada ang tungkol doon. Hindi naman kasi niya ako minamadaling humanap kaagad ng trabaho ngayong nakapagtapos na ako. But it doesn't mean I won't look for a job. Siguro kapag nakabalik na ako doon, saka na lang ako hahanap ng trabaho. Sa ngayon, dito muna ako sa mga Fontanilla at susulitin ang mga araw. Sapat na siguro iyong dalawang linggo na pananatili ko dito....o hindi pa? Nanatili ako sa kwarto at lumabas lang noong alas onse na. Hindi kasi ako naging komportable doon sa naging pag-uusap namin ni Qino. At baka kapag nabigyan na naman kami ng pagkakataong mapag-isa, kung anu-ano na naman ang lumabas mula sa bibig niya. I spent the rest of the day talking to my mother. Akala ko talaga, ubos na 'yong mga tanong niya sa akin tungkol sa mga nakalipas na taon kahapon pero warm-up pa lang pala ang mga 'yon. Pati si Yaya ay nakipag-kwentuhan na rin sa amin, samantalang si Dom ay nagbabad na naman sa iPad niya. "By the way, anak..." Mom trailed off. Parang pinag-iisipan pa kung itutuloy ang sasabihin o hindi. "What is the name of the guy who wants to... court you? Iyong malapit lang sa inyo?" Bigla rin akong napaisip kung sasabihin ko ba ang pangalan dahil hindi talaga ako sigurado kung gusto niya ako at kung gusto rin niyang manligaw. Ba't ko pa ba kasi naikwento ang tungkol do'n kagabi? "Uh, Matteo, my." Pilit akong ngumiti. "Do you like him?" Diretsong tanong nito. Nakatingin pa siya sa mga mata ko na parang makikita niya sa mga ito kung magsasabi ako ng totoo o hindi. "No, My. Matteo's just a friend. Mabait po kasi siyang tao." "Very good!" Matamis itong ngumiti. Parang naging panatag ang kalooban niya dahil sa isinagot ko. "You know, me and your dad only want what's best for you. Who will be good for you. Iyong kaya kang buhayin, intindihin at mahalin nang buong-buo." Tumango ako at gumanti ng ngiti sa kanya. Sino nga namang magulang ang hindi gugustuhing mapunta ang anak nila sa tamang tao, 'di ba? "May gusto po ba kayo para sa akin, My?" Biro ko. Tumaas ang mga kilay nito kaya parang namilog ang mga mata niya. Nakita ko pa ang pagsulyap niya ng tingin kay Yaya. Maya-maya ay marahan itong tumawa saka humawak sa kamay ko. "Uh, wala naman. At kung meron man, ikaw pa rin naman ang masusunod, anak. You just have to... choose wisely." "Will do, mom." Nang maghahapon na ay nagpaalam na ako na maliligo muna. Muntik ko nang makalimutang maligo dahil napasarap kami sa kwentuhan. "Aisla!" Malakas na tawag ng isang tinig sa pangalan ko habang nagsusuklay ako ng buhok at nag-si-cell phone. Agad na gumapang sa buong sistema ko ang excitement nang marinig ko iyon. At kahit na hindi ko pa nakikita ang nagmamay-ari ng boses, alam kong si Rianne iyon. Inilapag ko ang suklay sa kama saka ibinulsa ang phone. Nagmadali akong lumapit sa pintuan para buksan iyon. At hindi pa man ako nakakapagsalita, kaagad na akong sinunggaban ng yakap ni Rianne. Actually hindi lang si Rianne dahil pati si Ivette at Amara ay yumakap na rin sa akin. Muntik na akong malagutan ng hininga dahil sa kanila pero nakakatuwa pa rin. "Welcome back, couz!" Masayang wika ni Amara nang humiwalay ito sa akin. "We missed you, Aisla!" Si Ivette. "Gosh, you almost killed me!" Pabirong reklamo ko. Pero totoong muntik na nila akong patayin. "Come on, girl! Four years kang hindi nagpakita! Do you think we will go easy on you? Duh!" Inirapan ako ni Rianne pero nakangiti pa rin siya. Nang makarinig ako ng tinig ng mga lalaki sa may living area ay nagtungo kami doon. Sobrang lapad ng mga ngiti ko nang makita ko ang mga boys na pare-parehong nakangiti sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na kinasasabikan nilang makita. I felt so special. Agad na ibinuka ni Yosef ang mga braso para sa isang yakap na agad kong tinugunan. "What's up? We thought you will never come back," usal nito. "Akala ko rin," bulong ko na tinawanan lang niya. "Pauuwin niyo na si Shan, kumpleto na tayo!" Ani OJ bago yumakap sa akin. Malapad akong napangiti saka gumanti nang yakap. "The spoiled brat is back!" Mahina kong sinuntok ang tiyan ni Gregg bago yumakap sa kanya. "Welcome back sa pinakamamahal na bababe -- I mean, kapatid na babae ni Qino," bulong ni Rion sa may tenga ko habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Mabilis kong hinampas ang likuran niya na ikinadaing niya. Kailangan pa ba talaga niyang sabihin iyon? Well, siguro noon, oo. Ngayon hindi na. May iba na. Nagpahanda ng makakain si mommy para sa mga pamangkin niya. Ang dami nilang kwento at ang dami ko rin palang na-miss na mga ganap. Halos sabay namang dumating si Dad at Qino na medyo nagulat dahil sa mga nadatnan nila. Hindi ko naman magawang tumingin kay Qino na sinamahan kami dito sa sala kahit na ramdam ko ang mga titig niya. "Tita, Tito, wala po bang pa-welcome back party ang unica hija niyo?" Tanong ni Rianne saka ako sinulyapan ng tingin. "Kung gusto niya, eh, 'di go!" Walang pag-aalinlangang sagot ni mommy. "Gusto niya, Tita!" Atat na sagot ni OJ kaya tumawa ako at napailing. Dumapo naman ang paningin ko kay Qino na nakahalukipkip habang nakasandal. Mabuti na lamang at kay Rion nakatuon ang atensyon niya ngayon. "Saan mo ba gusto, Aisla?" Tanong naman sa akin ni Daddy. "Uh... kahit saan po. Pwede ring dito na lang," wika ko. "No! Sa Seventh! Mag-KTV tayo! Hindi mo ba na-miss do'n?" Si Amara. "Right! KTV. We missed hearing your voice!" Enthusiastic na sang-ayon ni Rianne. Sumang-ayon na rin ako sa gusto nila. Tsaka, na-miss ko rin naman ang magpunta sa mga pubs. Sa probinsta kasi ay malayo. Pinagplanuhan nila kung kailan gaganapin iyong welcome back party. Since hindi sila pwede kapag weekdays, napagpasyahan nila na Saturday na lang namin gawin iyon. "Invite Irah, Qino. Maganda rin boses no'n, eh," wika ni Rianne. Tinanguan naman siya nito. Hindi na ako nagulat na binanggit niya ang girlfriend ni Qino pero gusto kong magreklamo sa kanya at sabihin na para sa akin ang party na 'yon kaya gusto ko, kami-kami lang. Pero as usual, mas pinili kong manahimik. Magiging parte na rin naman siya ng pamilyang Fontanilla soon kaya mabuti pa na sanayin ko ang sarili ko na palagi kong makikita si Irah sa bawat magiging okasyon ng pamilyang ito. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang marinig ko ang tunog ng messaging app. Kaagad akong nag-excuse nang makita na nagre-request ng video chat si Terrence. "Hi!" Nakangiti kong bati sa kapatid ko nang sagutin ko ang tawag. Nagtungo ako sa may kusina at humilig sa hamba ng pintuan tungo sa backyard. "How are you? Ayos ka pa ba diyan?" Tanong ng kapatid ko. "Aisla, uwi ka na! Miss ka na namin!" Rinig kong sabi ng isang tinig bago ko pa masagot ang tanong ng kapatid ko. Iniharap ni Terrence ang camera sa mga barkada niya. Mukhang nag-iinuman sila doon sa harapan ng bahay namin. "Uuwi rin ako soon. Miss ko na rin kayo!" "Si Matteo daw miss na miss ka na," ani Kuya Ando. Nagsitawanan silang lahat. Narinig ko naman ang pagpalatak ni Terrence. "Pupunta daw siya diyan para makausap ang daddy mo, Aisla," ani Jom. "Miss mo rin daw ba siya?" Itinutok ni Terrence ang camera kay Matteo na pinagti-trip-an nila ngayon. Ilang beses niyang minura ang mga kasama niya. Ayokong makitawa, ngunit hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. "Siyempre! Nami-miss ko--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang padabog na pagsarado sa pintuan ng ref. Nagbanggaan pa yata ang mga bote sa loob dahil narinig ko ang mga tunog. Agad akong tumingin doon at kinabahan nang makita si Qino na nakatayo sa harapan ng ref. Nakahawak pa ang isa niyang kamay sa may handle ng pintuan, habang iyong isa naman niyang kamay ay may hawak na baso na may lamang tubig. Hindi ko masabi kung kanina pa siya dito o hindi, pero hindi ko naramdaman ang presensya niya. Ni hindi ko narinig ang mga yabag niya dito. "Ano 'yon? May problema ba diyan?" Kunot-noong tanong ni Terrence na mukhang narinig ang pagdadabog ni Qino. Inalis ko ang tingin ko kay Qino at itinuon kay Terrence. "Wala. 'Yong pinsan ko lang." Ngumiti ako. Ayokong sabihin na nagdadabog si Qino sa hindi ko malamang dahilan. O baka naibagsak niya lang ang pintuan ng ref pasara. "Now I'm your cousin," malamig na saad ng tinig sa likuran. Muli akong lumingon sa kanya habang nakakunot ang noo pero saglit lang iyon dahil agad ko ring ibinalik ang atensyon ko kay Terrence. "Sige na, Kuya. Nandito kasi 'yong mga pinsan ko. Tatawag na lang ako mamaya. Bye!" Paalam ko. Nang tumango ito ay tinapos ko na ang tawag. Aalis na sana ako sa kusina para bumalik sa sala ngunit biglang hinarang ni Qino ang braso niya sa harapan ko. "What's his name?" Tanong nito saka ibinaba ang braso. "Sino?" Naguguluhan kong tanong. "The guy who wants to talk to dad and to your father." Inangat nito ang basong hawak saka uminom doon habang nakatingin sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Why?" Ibinaba niya ang baso saka umiling. Bahagya akong bumusangot at umambang aalis na ngunit muli niyang iniharang ang braso niya. Hindi ko napigilan ang mapasinghal habang nakatingin sa kanya. "Can you do me a favor?" Aniya sa mababa at malumanay na tinig. Agad akong kinabahan sa kung ano ang pabor na hihingin niya mula sa akin. Hihilingin ba niya na umalis na ako dito? "A-ano?" "Will you let me get married first, Aisla? Before you start loving someone else. Please?" He smiled sincerely, but the sadness was still visible in his eyes. And after four years... I felt my heart was once again breaking into tiny little pieces. Ngumiti lang ako sa kanya saka na naglakad pabalik sa sala. Ang unfair ng gusto niya. Paano naman ako? Hindi ba talaga niya nakikita na nasasaktan pa rin ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD