"Mag-iingat kayo sa byahe, ha?" Ani Dada habang naglalakad kami tungo sa sasakyan. Nang umuwi kami galing do'n sa resort ay nagpahinga lang kami ng konti saka na naghanda para lumuwas. Alam kong ayaw pang umalis ng mga pinsan ko ngunit kailangan na dahil may mga trabaho pa ang iba bukas. Nag-aalangan pa ako kanina kung sasama ako sa kanila dahil kay Qino, pero alam kong hindi naman sila aalis dito kung hindi nila ako kasama. At ayoko rin namang pilitin pa nila ako dahil baka gabihin kami sa daan...sabagay, sigurado naman akong gagabihin kami ngayon. Tumawag rin si mommy sa akin kanina at napag-alaman ko na hindi pala nila alam na nagtungo 'tong mga 'to dito! Kung hindi ko lang nabanggit na kasama ko sina Rianne, hindi ko malalaman na ni isa pala sa kanila doon ay walang nakakaalam na p