Hinintay ko munang kumalma ang sarili ko bago umahon at naglakad pabalik sa cottage. Napuno na naman ng ulap ang utak ko, at si Qino lang ang tanging may kakayahan na gumawa ng dahilan para maging ganito ako! Nararamdaman ko pa rin ang mga labi niya sa akin hanggang ngayon. Iyong init ng tubig na binabaran ko ay parang napunta lahat sa mukha ko. His kisses were still like drugs. Gano'n na gano'n pa rin iyong pakiramdam ng mga halik niya; katulad noong unang beses niya akong halikan, kahit na kanina ay medyo marahas. And even after years has passed, I know I am still willing to overdose. Pero sana ay walang nakakita no'n lalo na sa mga kasama namin. Nakakaramdam ako ng takot, at hindi ko alam kung ano ang paliwanag na sasabihin ko kapag may nagtanong. Nadatnan ko si Ivette na nag-iisa ha