I don't know if I will let myself go back to Qino again or not. I felt his sincerity and determination the night we talked when we got home. My heart wanted to agree with what he wanted to happen, but the things that had happened before would immediately cross my mind to stop me from my delusion. Halos hindi ako makahinga nang maayos kapag sumasagi sa isip ko ang mga 'yon. Hindi ko alam kung mananalo ba ang takot o mas mananaig ang nararamdaman ko para sa kanya. Ni hindi nga ako maayos na nakatulog kagabi dahil doon, at maaga pa akong nagising ngayon. Tumulala ako sa tasa ng kape na nakapatong dito sa lamesa habang iniisip kung papaano ko iiwasan si Qino. Paano nga ba? Hindi pa naman kami...ulit. Hindi ko pa siya sinang-ayonan sa gusto niya. Pero mukhang iyong mga sinabi ko ay nagbigay n