Masusi kong pinakikinggan ang bawat salitang sinasabi ng officiant sa harapan namin dito sa loob ng VIP room ng isang kilalang restaurant. Hindi rin mabura-bura ang ngiti ko sa mga labi kapag napapasulyap sa lalaking nakatayo sa tabi ko. He looks just like a dream wearing white-collar long-sleeves and black pants. Ang gwapo-gwapo niya kahit na side profile lang ang nakikita ko, at ang linis-linis niyang tingnan. Napaka-peaceful ng histura niya na parang hindi siya kinakabahan at pinagpapawisan kanina habang hinihintay namin ang pagdating ng city judge na mag-o-officiate sa kasal namin ngayong araw na 'to. Although it took us a month to file for a marriage application and book an officiant, the important thing is that we are here now, and in just a few minutes, I will be a Fontanilla agai