"Done!" Matinis kong hiyaw nang matapos kong ayusin ang mga damit sa walk-in closet ng bago naming kwarto ni Qino dito sa apartment. Medyo malaki itong apartment na nakuha namin, at medyo kompleto na rin sa gamit. May mga idinagdag nga lang kami katulad ng mga kagamitan sa kusina na kahapon na namin binili since nando'n na rin kami sa mall. Actually, isa 'tong condo unit na pinapa-rent ng may-ari dahil nasa ibang bansa naman sila. The monthly p*****t is pretty expensive, but the view from up here is breath-taking, and this unit is very cozy, so I know it's worth it. Plus pa iyong amenities namin dito. I also need to work hard because I just can't let Qino shoulder everything. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay talagang mag-asawa na kaming dalawa! "You done?" Rinig kong tanong ni Qino. Lumin