I feel so sore and swollen while sitting in front of my desk in the office. Hindi rin ako komportable kapag matagal akong nakaupo, pero naninigas naman ang mga binti ko kapag tumagal ako sa pagkakatayo. Nabaliw na nga siguro kami ni Qino nang tuluyan kahapon na halos malibot namin ang buong tinitirahan namin sa tuwing makakaramdam kami ng init. Kung saan kami inabutan, doon namin gagawin. At ngayon ay pinagsisisihan ko na nagpadala ako sa tawag ng laman ko! Halos hindi na ako makatayo kaninang umaga dahil sa bigat ng katawan ko. Bukod pa do'n, labag na labag sa kalooban ko ang pagpasok ngayon sa trabaho. Kung hindi lang talaga ako takot na baka masisante ako, hindi talaga ako papasok. Tsaka, baka isipin ni Ma'am Thelma ay inaabuso ko ang kabaitan niya sa akin. Wala na ngang tanong-tanon