After lunch na nang umalis kami sa province kaya hindi naman kami ginabi sa daan. Maghahapon pa lang nang makarating kami sa bahay, at hanggang ngayon ay nangangalay pa ang mga binti ko dahil matagal rin akong nakaupo sa loob ng sasakyan... at doon sa nangyari kagabi -- mga nangyari kagabi. "Are you ready to tell mom and dad about us?" Tanong ni Qino nang buksan niya ang pintuan ng sasakyan kung saan ako nakaupo. "Ngayon na ba? As in ngayon?" Saglit akong tumulala sa mukha niya at hindi na naituloy ang pagbaba. Bumuntonghininga ito saka sinuklay ang mga daliri sa buhok. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Kailan mo gusto?" Tumaas ang dalawang kilay nito. At nahimigan ko ang pagdududa sa tinig niya. Pakiramdam ko ay iba ang naging dating sa kanya ng mga sinabi ko. Akala sig