Naamoy yata ng mga pinsan namin na nakauwi na kami kaya nandito silang lahat ngayong gabi. Nag-aaya silang lumabas kahit na alam nilang may mga trabaho pa kaming lahat bukas. Nagtatampo rin si Rianne at nanumbat pa dahil hindi namin sinabi sa kanila ang pag-uwi ko sa probinsya. Naisip ko nga na baka may type 'tong babaeng 'to sa mga kaibigan ng kapatid ko dahil panay ang tanong niya tungkol sa kanila kanina. Isa na rin si Amara sa maraming tanong ngunit tungkol naman sa kapatid ko. "Tara na kasi," pamimilit ni Rianne. "Seventh Street. Kahit saglit lang." "We all have work tomorrow, Rianne," tanggi ni Qino sa gusto ng pinsan saka na itinuon ang atensiyon kay Rion at OJ. Ngumuso naman ito dahil alam niyang hindi niya mapipilit 'tong lalaking 'to. Ayaw ko na rin namang lumabas dahil wala