"Are you sure you didn't tell them about... about what we had been doing?" Tinaasan ko ng kilay si Qino at masusing tinitigan. Ilang beses ko nang itinanong sa kanya iyon ngunit gusto ko talagang makasigurado na wala siyang sinabi, o wala siyang salitang napalabas mula sa bibig niya na maaaring magbigay ng ideya sa tatay at kapatid ko na gumagawa na kami ng milagro. Paulit-ulit na rin naman niyang sinabi na hindi, wala siyang sinabi, ngunit hindi ako makuntento. Ang tagal nilang nag-usap do'n sa working room. Nainip na nga ako kahihintay na lumabas sila mula roon. Hindi ako napalagay kanina sa sala habang hinihintay silang matapos sa kung ano ang pinag-usapan nila. Ang tanging pinag-usapan lang daw naman nila ay ang tungkol sa trabaho niya, tungkol kila mommy at daddy, at noong magising