Habang papalapit ang sasakyan sa bahay ay lumalakas rin ang kabog ng dibdib ko. Iniisip ko pa lang ang sasabihin ng tatay ko kapag inamin namin sa kanya ang tungkol sa amin ni Qino, kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung maiintindihan kami ng tatay ko lalo na't naturingan kaming magkapatid. Pero sana ay maintindihan niya ang tungkol sa amin. Ilang beses na rin siyang tumawag at nagtanong kung nasaan na kami. Alam ko na hindi naman iyon mapapakali hanggat hindi kami nakakarating do'n. "Do you think your dad will like me for you?" Biglang tanong ni Qino. Hindi rin maitatanggi ang kaba sa tinig niya. At kahit nakasuot ito ng wayfarer, parang nakikita ko rin sa mga mata niya ang takot na baka hindi siya magustuhan ng tatay ko para sa akin. "Hindi ko alam." Nagkibit ako ng balikat. Mabili