Chapter 28

1758 Words

Naging maayos naman ang takbo ng mga araw, at hindi ako makapaniwala na magda-dalawang linggo na ako sa trabaho. Naging magaan lang rin ang trabaho ko dahil sa mga kasama ko. Halos naging ka-close ko na rin silang lahat at hindi ko naman sila makitaan ng masamang pag-uugali. May mga naging ka-close na rin ako sa mga empleyado na naka-destino sa production. Madalas rin kasi namin silang makasabay kapag lunch break na, at halos kilala na rin ako dito sa company bilang HR staff. Wala rin akong makitang mali sa pakikitungo ni Princess sa akin. Parang siya pa rin iyong Princess na kaibigan ko noon kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako pinapa-iwas ni Qino at Rianne. Kahit si Ivette ay binigyan na rin ako ng warning sa kanya noong nai-kwento ko ang tungkol sa kanya. Pati na rin sina Cherry

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD