Chapter 5

2376 Words
I stayed in the living room while mom talked to Qino's girlfriend. She tells stories about me so I couldn't leave just like that. I don't even know what excuses I would say just to get out of here. I was all smiles, though. I didn't let my face show any emotions that would give them any idea as to what I was truly feeling at this very moment. Kung ano man ang makikita nila sa akin ngayon, iyon ay ang tuwa. But I'm really happy. I was feeling very happy... before the two arrived. But now, it's kinda annoying to feel the freaking pinches on my chest. I never thought I would still feel so f*****g hurt. "Ah, she's... she lives in the province for four years, Tita?" Ulit ni Irah nang sabihin ni mommy na nag-stay ako sa probinsya sa loob ng apat na taon. Sinulyapan pa niya ng tingin ang lalaking nasa tabi niya na prenteng nakaupo habang naka-de kwatro. Maayos na ang ekspresiyon ng mukha ni Qino. Wala na iyong tabang dahil nakangiti na siya. Nakasandal ito sa backrest at nakapatong ang braso sa taas ng sandalan. Kung titingnan ay para siyang naka-akbay sa girlfriend niya. O naka-akbay talaga siya dahil nakikita ko ang mga daliri niya sa balikat ni Irah. I tried to avoid staring at him, but my eyes always landed on him. Nothing has changed in his appearance, though. He still looks innocent and shy. And there was no sign that he had an accident back then. His face and skin are still smooth. Or maybe his scars are just hidden inside his clothes? And I can see his every move. I see his every pinch on Irah's shoulder, his gentle pat on her arm, and every look he gives her. Walang nakakaligtas sa mga mata ko kahit na hindi ko naman intensyong panoorin ang mga iyon. "Yes, she does. She lives there with her...biological father." Mommy looked at me as if checking my reaction to what she said. I smiled at her to assure her that it was okay with me even if others found out that I was just an adopted child. After all, everyone already knows about it, and I have already accepted that fact a long time ago. Mukhang hindi na rin naman nagulat si Irah. May ideya na siguro siya na ampon ako. Nagtanong na siguro siya tungkol sa akin noon pa. Naka-display pa naman dito ang mga pictures ko. "Kailan pala sisimulan 'yong project niyo?" Tanong ni daddy sa dalawa. Nakitaan ko ng excitement ang mga mata ni Irah habang nakatingin kay daddy. Halata rin na close na siya sa pamilya ni Qino. Kilala na rin siguro 'to ng mga pinsan namin. And it was obvious that mom and dad likes her for him. Dom surely likes her too. And I will also like her... for him. "Next month na po, Tito," nakangiti niyang sagot. "That was the first big project she got!" Qino said proudly. Tumingin pa siya kay Irah na saktong nakatingin rin sa kanya. Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanila kahit na napatingin sa akin si Qino. Matamis ko pa siyang nginitian, ngunit siya itong nag-iwas ng tingin sa akin. Well, gusto ko lang naman na makita niya na masaya ako para sa kanya -- para sa kanila. "Wow! That's amazing, and you deserved it, Irah!" Dad cheered. "Thank you, Tito! But I don't want to take all the credit. Qino helped me with the proposal." Ikinalawit ni Irah ang kamay niya sa braso ni Qino saka pa humilig sa balikat niya. Mas lalo pang lumapad ang mga ngiti ko kahit na parang pinapaso ako sa tuwing magkakatinginan sila o magdidikit. Natural lang siguro na maramdaman ko pa ang ganito sa ngayon. "That's how it should be, hija. An architect and a civil engineer must have an excellent relationship to achieve a vigorous and high-quality project." Ngumiti si Daddy sa dalawa. Kinagat ko ang inner lip ko at ibinaba ang tingin sa may sahig. How romantic is that to hear? It was like the universe worked hard for them to meet. Matalino si Qino at sigurado akong matalino rin si Irah. "Yup. That's why she's here," ani Qino. Irah giggled. Muli kong ibinalik ang mga tingin ko sa kanila. Para akong sinapak nang makita ang matamis na ngiti ni Qino kay Irah. He also licked his bottom lip. Kulang na nga lang ay halikan niya ang nasa tabi niya sa harapan naming lahat. Iginala ko ang paningin ko sa kung saan. Ipinasok ko rin ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ng hoodie na suot ko. Nang makapa ko ang phone sa loob ay bigla akong nakaisip ng idadahilan para makaalis na dito. "Mom..." tawag ko kay mommy na nagpatigil saglit sa mga nag-uusap. "Yes?" Malambing niyang sabi habang nakangiti. "I think I should give Dada a call. Baka naghihintay na po 'yon sa tawag ko." Naramdaman ko ang pares ng mata sa mukha ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy naman si Daddy at Irah sa pag-uusap tungkol sa project na hindi ko alam kung ano. "Sure, sure! Baka nag-aalala na 'yon sa'yo." "I'll just go... to my room." Iginala ko ulit ang paningin ko para hanapin iyong bag ko. At nakita ko iyon sa gilid ng upuan ni Qino. Mukhang napansin rin iyon ni Qino dahil nakita ko sa sulok ng mata ko ang pagtingin niya doon. "Para maayos ko na rin po 'yong mga damit na dala ko," dagdag ko pa saka na tumayo. "Is this yours?" Tanong naman ni Qino na halos ikagulat ko. Mula kanina ay ngayon pa lang niya ako kinausap. Tumingin ako sa kanya at para akong lumutang nang makitang nakatitig rin ito sa akin. Iniwas ko ang paningin ko at sa ibang direksyon napatango sa tanong niya. Ayoko na sana ulit tumingin sa kanya ngunit hindi ko naiwasan nang maramdaman ko ang pagtayo niya. Kinuha nito ang bag at saka iniabot sa akin. s**t! Para akong tanga na bigla na lamang natulala. "T-thank you." And I am mentally murdering myself right now for stuttering. Ang awkward rin sa pakiramdam dahil alam kong pinapanood kami ng mga kasama namin dito. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang bag ay muli siyang lumapit sa upuan kung nasaan si Irah. Muli akong nagpaalam sa kanilang lahat. "I'll just change--" rinig kong sabi ni Qino pero hindi niya itinuloy dahil nasabayan siya sa pagsasalita ni mommy. "Can I come with you, Aisla?" May halong pakiusap ang tinig ni mommy. Ngumiti ako sa kanya. "Of course, mom." Wala sa loob na napatingin ako kay Qino na ngayon ay umuupo na sa tabi ni Irah. Halata naman ang pagtataka sa mukha ng girlfriend niya habang nakatingin sa kanya. "f**k me," Qino mouthed while combing his hair with his fingers. Kumot ang noo ko. Nakita ko rin ang pagkunot ng noo ni Irah. Hindi rin naman gano'n kalakas ang pagkakasabi ni Qino ngunit alam kong kaming lahat ay narinig iyon. Hindi ko na lang iyon masyadong pinansin. Sabay kaming nagtungo ni mommy sa kwarto. Hindi ko naiwasan ang paggala ng paningin ko sa loob. Wala ring nagbago dito. Kung ano ang ayos nito noong umalis ako, ganoon pa rin hanggang ngayon. Para akong kinumutan dahil napaka-warm sa pakiramdam. Na-miss ko itong kwartong ito. Ang daming naiwan na aalala dito. Naging saksi rin itong kwarto ko sa naging patago naming relasyon ni Qino noon. "We didn't touch your things," imporma ni mommy. Napansin niya siguro ang paglikot ng mga mata ko. "Pinapalinis lang namin pero hindi namin ginagalaw ang mga gamit mo." "Thank you, my." Yumakap ako sa kanya. "I'm sorry for hovering, anak. I just couldn't help it." Pareho kaming tumawa. "I don't mind. Do you want me to sleep in your room tonight?" Biro ko, pero kung papayag siya, matutulog talaga ako sa tabi nila ni Daddy. "Yes! I love that idea! We will all sleep together tonight!" Masaya niyang wika na halos pumalakpak pa. At parang gusto kong bawiin iyon. What does she mean by all? Kaming lahat? As in? Including Qino? I'm fine with Dom. But I don't think I will be fine with Qino. s**t, no! Sandali pa kaming nag-kwentuhan ni mommy dito sa kwarto nang mapagpasyahan niya na lumabas na para makapagpahinga ako. Humiga ako sa kama matapos kong ayusin ang mga damit ko sa closet. Tiningnan ko rin ang bawat gamit na iniwan ko rito, at totoo nga na hindi nila pinakialaman ang mga 'to. Walang silang ginalaw ni isa. Napalitan lang dito ang bedsheet, pillow cover at mga kurtina. Other than those, wala na. Gano'n pa rin ang ayos ng kwarto ko. Tinawagan ko na rin ang tatay ko at sinabing nandito na ako. Alam kong gusto niyang magtanong sa mga naging kaganapan dito at gusto rin niya akong makausap pa nang matagal ngunit naramdaman ko na pinipigilan niya. He wants me to spend my time with the Fontanillas while I'm here. He wants me to bond with them. At gano'n naman talaga iyong purpose ng pag-uwi ko dito. I chose to stay in the room instead of hanging out with Qino and his girlfriend. Hindi naman rin nila kailangan ng presensya ko. Hindi nga nila ako kinakausap. "Aisla, are you sleeping, anak?" Tawag ni mommy habang kinakatok ang pintuan. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa pinto para buksan iyon. "Just playing a game on my phone, mom. Bakit po?" "I just want to ask if what do you want for dinner? Para maipahanda ko na kay Manang. And Irah will be staying here for dinner." Saglit akong nag-isip kung ano ba ang gusto kong ipaluto mamaya, pero wala akong naisip na specific food na gusto kong kainin. "Anything will do, mom," sagot ko. "Or you can just ask Kuya's girlfriend. Baka may gusto po siyang kainin..." mabilis kong itinikom ang bibig ko nang biglang dumaan si Qino sa likuran ni mommy. Nakatingin ito sa akin habang nakakunot ang noo. I'm sure he heard what I said. Para kasing may mali sa sinabi ko dahil sa mga tingin niya. Base rin sa pinagmulan niya, patungo siya sa room niya. Hindi na kasi pumasok pa sa loob ng kwarto si mommy kaya dito kami sa pintuan nag-uusap ngayon. "Oh... okay." Ngumiti si mommy. She can stay for the night, too. At sigurado naman akong natutulog o natulog na iyon dito. Tsaka, mukhang hindi lang naman ito ang unang beses na nakasama nila siya sa dinner dahil halatang sanay na sila kay Irah. So bakit nakakunot ang noo ni Qino sa akin kanina? Isinarado ko ang pintuan nang umalis si mommy. Muli akong humiga sa kama. Tinawag na lang ako ni Dad nang kakain na. Nasa harapan na silang lahat ng lamesa nang makatungtong ako sa kusina. Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Dom, kung saan kaharap ko si Irah. Nakaupo naman si Daddy sa usual niyang upuan, habang si mommy ay nasa gilid niya. Nang makaupo na si Manang sa tabi ni Irah ay sinimulan na rin naming kumain habang nagku-kwentuhan. Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng tuwa habang nakikita ko silang kumakain. Sure, nakakasabay ko sa pagkain si Dada at Terrence. Nag-uusap-usap rin naman kami. Pero iba talaga iyong pakiramdam sa puder ng mga Fontanilla. Maybe because this is where I grew up? "Aisla," biglang sambit ni Dad. "I'm...I'm trying real hard not to ask this question, anak, but I really couldn't help it." Mahina akong natawa. Nakuha naman niya ang buong atensyon ng mga kasama namin sa mesa. "What is it, Daddy?" "Well, you have been away from us for four years, and as a father, I really wanted to know everything that happened in those years. But this one is the most important thing for me." Muli akong natawa dahil bakit hindi pa niya itanong ang gusto niyang itanong? Will it offend me? Masyado bang sensitibo iyong magiging tanong niya? Or maybe he just wants to be careful. "Bring it on, Dad. I'm ready to answer all of your questions," I assured him. Tumikhin ito at binitiwan ang mga hawak. "May boyfriend ka na ba doon?" Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama namin sa mesa. Mukhang naghihintay sila sa isasagot ko maliban kay Qino. Tuloy lang ito sa pagsubo niya ng pagkain. He doesn't look interested na medyo ikina-offend ko. "Wala, Dad. Hindi rin po ako nagkaboyfriend doon." Umiling ako saka ngumiti. "I'm glad to hear that," masayang wika ni mommy. Mukha namang nakahinga ng maluwag si Daddy sa sagot ko. "Pero may mga gusto pong manligaw," kwento ko. "Oh! Tell us more, anak." Dad really seemed interested, even mom. "Iyong isa po, taga doon lang. Malapit lang siya sa bahay. Kaibigan po siya ni Kuya Terrence." And I am talking about Matteo. Hindi ko alam kung bakit pati siya, idinamay ko dito. I'm blabbing nonsense. Ni hindi nga ako sigurado kung gusto talaga niyang manligaw. "Mhmm..." tumango-tango si mommy na parang naghihintay pa ng iba kong sasabihin. Hindi ko na sana dadagdagan pa iyon ngunit bigla kong naalala iyong sinabi ni Doreen kay Matteo. "Biniro nga po siya ni Ate Doreen na kausapin niya si Dada at ikaw, Dad. Baka sakali daw po na pumayag kayo na ligawan niya ako." Bigla akong kinabahan sa sinabi ko. I am really blabbing nonsense. Isaksak ko na lang yata ang tinidor sa bibig ko, eh. Pilit namang tumawa si mommy at si dad na nagkatinginan pa. At sa nakikita ko sa mga hitsura nila, hindi sila papayag. Tumikhim si mommy at ngumiti sa akin. "Well... if you like him--" "Before Dad and your father, I think it should be me first. He should face me first." Bigla akong napamura sa isip ko at malakas na kumabog ang dibdib ko. Halos malaglag rin ang panga ko sa sinabi ni Qino. Napukol sa kanya ang atensyon naming lahat. Nakangiti naman ito ngunit hindi iyon abot sa mga mata. Nakatungkod rin ang dalawa niyang siko sa lamesa at naka-lock ang mga daliri nito sa isa't isa, saka nakapatong doon ang baba niya. He said those words in a normal tone... in a natural way. "What do you think, Aisla Deneese? Hmm?" Tumitig ito sa akin at itinaas ang dalawang kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD