Abot tenga ang mga ngiti ko habang nakikipag-kwentuhan si mommy sa mga kapatid ko. Naka-akbay pa ito sa akin na parang mawawala ako sa tabi niya. Siguro ay sobrang na-miss niya ang unica hija niya kaya halos kandungin na niya ako ngayon.
At kung hindi nga lang sinabi ni Dominic na nandoon pa sa ulo niya 'yong tuwalya kanina, hindi niya mapapansin.
Nakakatuwa rin na napaka-welcoming niya sa mga kapatid ko. Hindi pa nga niya alam kung ano ang ipapahanda niya para sa kanila kanina. At siyempre, medyo nasermonan ako dahil hindi ko sinabi na darating kami kaya naging aligaga rin silang dalawa ni Yaya kung ano ang ihahain nila para makapag-lunch kami. Pero iyong sermon niya ay napakalambing. Parang natatakot siya na baka masaktan niya ako sa bawat sasabihin niya.
"So, Tita, I think we have to go," paalam ni Terrence. "Ihahatid pa po namin si Doreen kay lola, at babalik pa po kami sa probinsya ngayon."
"Ah, gano'n ba? Bakit hindi na lang kayo bukas bumalik sa province? Baka gabihin kayo sa daan." Sumulyap ng tingin si mommy kay Kuya Jerry na ngayon ay nakatayo na.
"May aasikasuhin po kasi ako sa farm." Ngumiti si Terrence.
"Oh, okay. Sayang, hindi niyo na pala mahihintay ang daddy niya," tumatangong sabi ni mommy.
Tumayo kami at inihatid namin sila sa labas. Humalik ang mga kapatid ko kay mommy na abot langit ang pasasalamat sa kanila na inihatid nila ako dito.
"Bye, guys! Thank you! Ingat kayo." Yumakap ako sa mga kapatid ko.
"Don't forget to call Daddy, Aisla," paalala sa akin ni Terrence. Tumango ako sa kanya.
Kumaway ako sa kanila nang umandar na ang sasakyan. Pumasok lang kami sa loob nang mawala na sa paningin namin ang Grandia.
Kaagad na umakbay sa akin si mommy at nararamdaman ko ang excitement niya. Hindi nga mabura-bura ang mga ngiti sa labi nito. Well, ako rin naman. Hindi ko in-expect na ganito pa rin kainit ang pagtanggap nila sa akin.
"I really can't believe that you are here right now," usal ni mommy habang nakaupo kami sa couch. "Akala talaga namin, hindi ka na babalik dito -- hindi mo na kami babalikan. But we didn't lose hope. Kahit alam kong nakukulitan na sa akin si Mario, hindi ko talaga siya tinitigilan." Umiling pa ito.
Naramdaman ko ang pangungulila niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Kinakain ako ng guilt dahil natiis ko silang hindi makita sa loob ng apat na taon. Paano ko ba nagawa iyon sa kanila?
Hindi nila ako sinukuan, samantalang ako, binalak ko pa na kalimutan sila. Itinatak ko pa sa isip ko na hindi na ako babalik dito -- na hindi ko na sila babalikan. But now I'm here. And it feels so good to be back. Kakaiba iyong pakiramdam na akala ko, hindi ko mararamdaman.
"I'm sorry." Apologetic akong ngumiti.
Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko habang nakangiti.
"It's all okay now. Nandito ka na. Kumpleto na tayo." Hinila niya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap.
Wala namang mapaglugaran ang tuwa ko sa mga sandaling ito. Hindi ko rin masabi na aalis pa ako dahil ayoko siyang masaktan. Ayokong masira itong araw na ito.
"My, ba't parang ang bilis tumangkad ni Dom? Malapit na niyang maabutan ang height ko." Tiningan ko ang kapatid ko na ngayon ay hawak ang iPad niya. Tumingin rin naman ito sa akin.
Kamukhang-kamukha talaga siya ni Qino. Magkapatid talaga silang dalawa.
"Oo nga, eh. Nagbibinata na. 'Yon nga lang, sutil pa rin kung minsan!" Umiling si mommy. Bumusangot naman si Dominic kaya natawa ako sa kanya.
Hindi pa rin talaga siya nagbabago.
"Halika nga dito!" Tawag ko sa kapatid ko. Umiling naman ito na parang nahihiya pa sa akin. "Halika dito, Dom. Parang hindi 'to tumakbo kanina para lang yakapin ako, eh," asar ko pa. "Didn't you miss Ate?" Wika ko pa nang mapansin na wala talaga siyang balak na lumapit.
"Ate naman, eh!" Kinamot nito ang ulo niya bago binitiwan ang iPad. Padabog pa itong tumayo saka naglakad palapit sa amin.
Kaagad ko siyang hinila palapit sa akin kaya napaupo siya sa kandungan ko. Mahigpit ko siyang niyakap mula sa likuran.
"Ang sungit, sungit mo pa rin!" Inihilig ko ang pisngi ko sa likuran niya.
Nang mapatingin ako kay mommy ay nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya habang nakatingin sa amin.
"I'm sorry for being so emotional right now." Umusog ito palapit lalo sa amin saka kami niyakap.
Kung wala lang talagang nagsabi na ampon ako, hindi ko talaga malalaman dahil hindi ko naramdaman.
"Nasaan po pala si dad, my?" Tanong ko nang maalala na hindi ko pa nakikita si daddy dito.
"Tiningnan niya 'yong pinapapalitang bubong ng tomb house ng lolo't lola mo." Tumango ako.
May isang tao pa sana akong gustong itanong ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung dito pa siya nakatira o hindi na. Pero siguro ay dito pa rin dahil nasa garahe iyong sports car niya. At nandito ang mga trophies na napanalunan niya.
Nag-kwentuhan kami ni mommy tungkol sa buhay ko sa probinsya. Ang dami nga niyang tanong tungkol doon sa lugar. Pero mas marami siyang tanong tungkol sa akin, kung maayos ba ang pakikitungo ni Dada at ng dalawa kong kapatid sa akin. Pati kung saan ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko at kung may mga naging kaibigan ba ako doon.
Humingi rin siya ng pasensya na hindi sila nakadalo noong graduation pero sinabi ko na wala namang problema iyon sa akin.
"Does your cousin knows that you're here?"
"Hindi po. Wala po akong pinagsabihan na uuwi ako ngayon."
"Do you want me to call them? Sigurado ako na lulusob silang lahat dito kapag nalaman nila na nandito ka na. Your cousins misses you much."
"Tatawagan ko na lang po sila next time. But for now, I want to spend my first day here with you." Matamis akong ngumiti at humilig sa balikat niya. Hinaplos naman nito ang pisngi ko.
Pareho kaming napatingin sa may gawing pintuan nang makarinig kami ng isang tunog ng sasakyan. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kung sino iyon. Si dad ba o si Qino?
"I think your dad is here," mahinang sabi ni mommy. "Silipin mo nga, Dom."
Agad namang sumilip si Dom sa labas.
"It's Dad."
Napasinghap ako at nakaramdam ng tuwa. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa may likuran ng pintuan para magtago. Narinig ko naman ang paghagikgik ni mommy.
Kinagat ko ang labi ko nang marinig ko ang mga yabag papasok dito sa loob. Iniwasan ko ring makalikha ng anumang ingay kahit na sabik na akong makita at mayakap si daddy.
"Oh, hi," tinig ni Daddy. Maingat ko siyang sinilip at nabungaran ang likod niya.
"We've got a surprise for you," ani mommy na alam kong nakikisakay sa balak ko.
"Oh, you do? What is it?" Natutuwa niyang wika.
"Just stay there. Don't move," mom ordered.
Dahan-dahan akong umalis sa likuran ng pintuan at yumakap kay daddy mula sa likuran. Naramdaman ko ang pagkagulat niya dahil napasinghap siya. Humawak naman ito sa mga kamay ko na nakapulupot sa tiyan na.
"Hi, Daddy!"
Mabilis nitong kinalas ang mga kamay ko saka humarap sa akin. Umawang ang bibig nito at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Matamis naman akong ngumiti sa kanya.
"What..." halos pabulong niyang sabi. Biglang namula ang mga mata nito at hindi alam kung saan titingin. "Oh, my God! My princess is here!" Deklara niya sa masaya at naiiyak na tinig. Kaagad niya akong niyakap at binuhat.
"Welcome back home, anak."
"Thanks, daddy! I miss you!" Hinalikan ko ang psingi niya. It really felt so good to be in his arms.
Matapos naming magyakapan ay umupo kami sa couch. Nasa pagitan nila akong dalawa ni mommy habang si Dom ay nasa ibang upuan. Nasa akin ang atensyon nilang dalawa at wala naman akong makitang inggit mula kay Dom. Natutuwa pa nga siya na dikit na dikit sa akin sina daddy. Siguro iniisip nila na baka kapag lumayo sila sa akin, maglalaho ako na parang bula.
Nagpa-kwento si Daddy sa kung ano ang ginagawa ko sa probinsya sa araw-araw. Para bang kahit abutin kami ng taon, handa silang makinig ni mommy sa akin. Hindi nawala iyong galak sa mga mata nila.
Bigla akong napahinto sa pagsasalita nang may marinig ulit kaming tunog ng sasakyan mula sa labas. Malakas na kumabog ang dibdib ko. At mukhang hindi ko na kailangang hulaan kung sino o kung kaninong sasakyan iyon dahil nagsalita na si Dom.
"Kuya Qino's here!" Masaya niyang anunsyo saka nagtungo sa pinto. "Kuya..."
Lihim akong humugot ng isang malalim na hininga saka pumikit. Gusto ko mang magpatuloy sa pagku-kwento sa mga magulang ko ay hindi ko magawa dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi na rin naman sila nagsalita at mukhang inaantay ang pagpasok dito ng bagong dating.
Hindi ko alam kung matutuwa rin ba siya na makita ako dito ngayon katulad nila mommy at daddy. O katulad ni Dom kanina.
"Hey, Dom! We bought you a pizza!" Masiglang sabi ng isang tinig ng babae.
Parang may bigla na lang dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Hindi pamilyar sa pandinig ko kung kaninong boses iyon. Imposibleng sa mga pinsan kong babae? Apat na taon ko man silang hindi nakasalamuha, kabisado ko pa rin ang tinig nila.
"What's up, buddy? Nandiyan na si Dad?"
Tipid akong napangiti sa sarili ko nang marinig ko ang tinig ng taong kanina ko pa gustong itanong at makita. At mukhang hindi lang siya nag-iisa sa pag-uwi dito. Naalala ko rin iyong sinabi ni Doreen na may dine-date na si Qino. Ito na siguro 'yon.
"He's... here... and..." putol-putol na sabi ni Dom.
"And?" Udyok ni Qino pero hindi ko na narinig na sumagot si Dom.
Tumingin lang ako sa tiles ng sala habang hinihintay na makapasok sila dito sa loob. Nanatili ring tahimik ang dalawang katabi ko.
"Hi, mom. Hey, dad. I'm with--"
Bigla itong huminto sa pagsasalita nang dumapo ang paningin niya sa akin nang lumingon ako sa kanya -- sa kanila. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya, ngunit hindi iyong gulat na katulad ng nakita ko sa mga mata ni mommy, daddy at Dom. Iba 'yong nakita ko sa mga mata niya. Parang hindi na ako welcome dito para sa kanya.
"Hi, Tita... Hi, Tito." May pag-aalangang sabi ng kasama niya habang magkahawak-kamay sila.
Ngumiti ako kay Qino na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Kita mo ang tabang sa mukha niya. Bahagya pa itong napailing.
Tumayo si mommy at daddy kaya tumayo na rin ako habang nakangiti pa rin.
"Hi, Irah!" Lumakad palapit si mommy sa kanya. And for a second, I thought she called my name. Pero hindi.
Nakita ko kung papaano marahang binitawan ni Qino ang kamay ng babae para masalubong si mommy. Nagbeso silang dalawa. Lumapit rin si dad sa girlfriend ng anak niya at bumeso. Mabigat namang humakbang si Qino palapit sa kanila.
May pagtatanong sa mukha ng babae na pasulyap-sulyap ng tingin sa akin.
"Irah, I want you to meet my daughter, Aisla," pakilala ni mommy.
Damn, our name sounds so much alike. Kung mabilis mong bibigkasin ang pangalan niya, pangalan ko ang maririnig mo. At gano'n rin kapag iyong pangalan ko ang binigkas mo.
"Oh! Siya po 'yong sister ni Qino?" Tanong ni Irah saka sinulyapan ng tingin ang boyfriend niya na nakatingin sa kanya.
"She is." Tango ni Dad.
"Hi! Nice to meet you." Lumapit ako sa kanya at nakipag-shakehands. Kinuha naman niya iyon habang matamis na nakangiti sa akin.
Nang mapatingin naman ako kay Qino ay nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya. Ayaw ba niyang hawakan ko ang girlfriend niya?
Kung pwede lang siguro niyang tapikin ang kamay ko, ginawa na niya. At kung pwede lang siguro niya akong kaladkarin palabas dito sa bahay nila, ginawa na rin niya. Actually, pwede naman niyang gawin iyon.
Gusto ko na nga ring lumabas. Hindi nga ako nagulat na may iba na siya, pero tang ina! Ba't ako nasasaktan kahit na alam ko naman na ang tungkol sa kanila?