Pumangibabaw ang katahimikan dito sa kusina. Mariin ko namang itinikom ang bibig ko. Kahit ang mga magulang namin ay hindi nakaimik sa sinabi ng panganay nilang anak. Palipat-lipat naman ng tingin si Irah sa amin, mukhang nagtataka sa kung ano ang nangyayari. Well, wala naman talagang nangyayari kung tutuusin.
Natural lang na sabihin niya ang gano'n, at ayokong bigyan ng malisya iyon. After all, we're siblings. Hindi man totoo, ngunit naging magkapatid pa rin kami. Naging kuya ko siya.
Hindi inalis ni Qino ang tingin niya sa akin. Itinagilid pa niya ang ulo niya na parang inaasar ako. May naramdaman akong kuryente na dumaloy sa katawan ko. At nang hindi ko na kinayang makipagtitigan sa kanya, ibinaba ko ang paningin ko sa plato na nasa harapan ko.
Narinig ko ang awkward na tawa ni daddy saka siya tumikhim. Inangat ko ang paningin ko sa kanya. Nakatuon naman ang mga mata nito kay Irah.
Kita ko sa sulok ng mata ko ang pagngisi ni Qino. Muli rin niyang kinuha ang kutsara't tinidor niya saka nagpatuloy sa pagkain.
"Qino is really protective of his siblings. Lalo na kay Aisla dahil nag-iisa siyang babae," paliwanag ni daddy.
That's what I thought. Gano'n rin naman si Terrence sa akin. Hindi ko dapat bigyan ng malisya iyong mga sinabi niya kanina. Ganito naman siya noon pa... but f**k it! Kapag si Terrence 'yong ganito, hindi naman kumakabog ang dibdib ko.
"Ah, yes! I can see that, Tito." Tumawa si Irah. "He should really protect his siblings since siya ang panganay." Nilingon nito ang lalaking katabi niya na ngumiti lang sa kanya. "Lalo na si Aisla." Sa akin naman tumingin si Irah saka ngumiti. Bahagyang kumunot ang noo ko pero nagawa ko ring gumanti ng ngiti sa kanya.
"That's true, hija," sang-ayon ni mommy. "And that's what Qino's doing. Actually, silang dalawa ni Aisla, simula pa noong mga bata sila, parang aso't pusa na. They always fight over petty things, you know." Mom let out a soft chuckle. Sumulyap pa siya ng tingin sa amin ni Qino.
Ngumiti naman ako sa kanya saka na ipinagpatuloy ang pagkain kahit na parang busog na ako. Ayokong ipahalata na na-apektuhan ako doon sa mga sinabi ni Qino.
Nagpatuloy naman si mommy sa pagku-kwento kay Irah tungkol sa aming magkakapatid. Malugod naman itong nakinig, at nakikitawa kapag may nakakatawang pangyayaring nasabi si mommy. Kahit na medyo nahihiya ako ay pinili ko na lamang manahimik.
Wala naman rin sigurong nahalata si Irah sa amin, 'di ba? Sabagay, wala naman talaga dapat siyang mahalata. Kapatid ko si Qino sa paningin niya. At wala namang namamagitan sa amin. Kung meron man, dati iyon. Sa kanya na siya ngayon.
Nang patapos na kaming kumain ay bigla naming narinig ang ingay sa bubong. Mukhang umuulan at malakas na bumubuhos ngayon. Naka-kisame ang bahay, at kung mahina lang, hindi na namin maririnig pa.
"Looks like it's heavily raining outside," usal ni Qino habang nakatingin sa girlfriend niya.
"I guess so," tumatangong tugon ni Irah.
Lihim akong napanguso. Pakiramdam ko kaya sinabi ni Qino ang obvious na bagay ay para dito na matulog si Irah. The way he looked at her gave it away. And what's my problem with that? Wala. Pabor na rin siguro si mommy at daddy doon. Matanda na si Qino at alam na niya ang ginagawa niya. May trabaho na rin siya at kaya na niyang bumuhay ng pamilya.
Tutulong sana ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan ngunit inunahan na ako ni Irah kaya hindi na ako nagpumilit pa.
"Kami na lang ni Irah dito, Ya. Magpahinga ka na," rinig kong sinabi ni Qino habang naglalakad ako palabas ng kusina.
Mapait akong napangiti sa sarili ko at napailing. Hindi naman ako nanghihinayang na hindi na ako. Mukha namang okay si Irah at halatang mahal naman niya si Qino. Tsaka, tanggap ko na rin naman na hindi na ako. Hindi ko lang talaga maiwasang makaramdam ng kurot sa dibdib ko.
Pinuntahan ko ang mga magulang ko sa sala na nagpapahinga. Umupo ako sa tabi ni Dominic na may pinapanood naman sa iPad niya.
Nagulat pa ito nang yumakap ako sa kanya at ipinatong ang baba ko sa may balikat niya. Mahina akong tumawa at nakisali sa panonood niya. Sinulyapan ko ng tingin ang mga magulang namin. Halata ang tuwa sa mga mata nila habang nakatingin sa amin. Wala naman akong narinig na reklamo mula kay Dom.
Itinuon ko ang atensyon ko sa iPad ni Dom para sana hindi ko marinig ang mga tawanan na nagmumula sa kusina, ngunit hindi naman ako bingi. Malinaw na pumapasok sa mga tenga ko ang malulutong nilang tawanan na siyang nagpapakati sa mga paa ko para umalis.
Ang saya-saya nilang pakinggan. Nakakatuwa na nahanap na ni Qino ang kasiyahan niya kay Irah. Siguro ako, sasaya na lang para sa kanya.
"Your daughter wants to sleep with us tonight," rinig kong usal ni mommy. Tumingin ako sa mga magulang ko saka ngumiti.
"Then we will all sleep in our room tonight!" Mabilis na deklara ni dad at halata ang excitement sa tinig. "Our daughter really misses us, mommy. She's all grown up, and chances like this happen rarely, so we shouldn't be saying no."
Malakas akong tumawa. My heart filled with so much joy. I am so glad I was raised in this household. Kahit na may pagkakamali man akong nagawa noon, tinanggap pa rin nila ako ngayon.
"Oh, I love you, guys! So much!" Ibinaling ko ang ulo ko kay Dom. "Hear that, Dominic Leon? We will sleep together tonight. Tabi tayo, ha?" Malambing kong sabi sa kapatid ko at muling ipinatong ang baba sa balikat niya.
"How about Kuya?" Tanong naman nito at inilayo ang ulo para lingunin ako. Saglit na umawang ang bibig ko.
"He is with--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang tinig ni Qino.
"What do you mean by how about me, Dom?"
Ibinaling ko ang paningin ko sa kanya, ngunit agad ko ring binawi dahil nakita kong nakakalawit ang kamay ni Irah sa braso niya, at nakahawak naman ang isang kamay ni Qino sa bewang ng girlfriend niya.
"We will sleep with mom and dad tonight, Kuya. How about you?" Tanong pa ni Dom sa umaasang tinig na makakasama niya si Qino na matulog rin sa kwarto ng mga magulang namin.
"Ah, okay." Iyon lang ang sinabi niya. Mukhang hindi naman siya interesadong matulog rin doon.
Tipid akong napangiti sa sarili habang nakatuon ang mga mata sa screen ng iPad ni Dom. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng disappointment.
Hindi na siya kinulit ni Dom. Hindi rin siya kinausap ng mga magulang namin tungkol doon dahil siguro alam nilang hindi naman siya papayag.
Tsaka, hindi naman talaga siya pwedeng matulog kasama namin dahil nandito si Irah. Mas gugustuhin ba niyang kami ang kasama niya sa pagtulog kaysa sa girlfriend niya? Siyempre, hindi!
Nang magpaalam ang mga magulang namin na pupunta na sa kwarto para ayusin ang kama ay tumayo na rin kami ni Dom. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Qino ngunit diretso lang akong naglakad habang naka-akbay ang braso ko sa balikat ng kapatid ko.
Pinauna ko na rin siya sa kwarto nila mommy dahil gusto ko munang maghilamos. Dinampot ko ang isang unan at kumot nang matapos ako. Lumabas ako sa kwarto at pupunta muna sana sa kusina para uminom, ngunit napahinto ako sa paglakad nang malapit na ako sa may living area.
Naririnig kong nag-uusap si Qino at Irah doon. Sinilip ko silang dalawa na sana ay hindi ko na lang pala ginawa dahil nakita kong nakahilig ang ulo ni Irah sa balikat ni Qino habang magkatabi sila. Nakapatong naman ang laptop ng kapatid ko sa mga hita niya at mukhang may tinitingnan sila doon na hindi ko alam.
Bakit kasi hindi na lang sila doon sa kwarto ni Qino? Bakit nandito pa rin sila sa sala? Hindi tuloy ako makapunta sa kusina!
"Let's go, Alaric! I'm sleepy," usal ni Irah saka umalis sa pagkakahilig niya kay Qino.
"Alaric... really?" Lumingon si Qino kay Irah habang nakangisi. Tumawa naman si Irah. Mahigpit kong niyakap ang mga dala ko.
There is really something in the way he looks at her. Parang pati iyong kaluluwa niya, sumasama kapag tumitingin siya kay Irah.
Nang pareho silang tumayo ay nagmadali na akong umalis patungo sa kwarto nila mommy. Alam kong pupunta na sila sa kwarto ni Qino. Baka makita pa nila akong pinapanood ko sila.
Nadatnan ko si mommy na nakaupo sa harapan ng vanity mirror niya habang naglalagay ng cream sa mukha nang makapasok ako sa kwarto nila. Si dad at Dom naman ay parehong nakaupo sa kama. Nakikinuod si daddy sa pinapanood ni Dom sa iPad.
"Hi!" Nagmamadali akong sumampa sa kama at humiga sa tabi ni Dom.
Umayos naman si Dad sa pagkakaupo sa kama habang malapad ang ngiti sa akin. Sinamahan na rin kami ni mommy na humiga naman sa tabi ko nang matapos siya.
Nakinood kaming lahat sa iPad ni Dom habang nag-uusap kaya hindi rin namin masyadong maintindihan ang pinapanood. Parehong nakayakap sa amin ang mga magulang namin na nasa magkabilang gilid ng kama.
At kahit na abala ang mga mata at bibig ko, iyong isip ko ay na kay Irah at Qino. Ayoko mang isipin ang tungkol sa kanila sa mga sandaling ito, pilit na pumupunta sa kanila ang utak ko.
Gusto ko sanang magtanong sa mga magulang ko tungkol sa kanila ngunit pinili ko na lang na manatili ang mga tanong na iyon sa utak ko. Baka kasi kapag nagtanong ako, bumalik sa isipan nila 'yong kung ano ang mayroon sa amin ni Qino noon. At ayoko nang ipaalala sa kanila iyon.
Maaga akong nagising kinaumagahan kahit na hindi naging maayos ang tulog ko. Wala na si daddy at si mommy sa higaan. Kaming dalawa na lamang ni Dom ang natira.
Maingat akong bumaba sa kama para hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ni Dom. Nagtungo muna ako sa kwarto para mag-ayos ng sarili, at pagkatapos ay tumuloy na ako sa kusina dala ang phone ko.
"Good morning, My! Good morning, Ya!" Masayang bati ko nang madatnan ko sila. Humalik ako kay mommy saka ako umakbay kay yaya.
Napansin ko rin ang nakahandang almusal sa lamesa.
"Good morning, too. Ang aga mong nagising? Did you sleep well?" Ngumiti at tumango ako kay mommy.
"Ang aga po yatang umalis ni Dad?" Usisa ko dahil hindi ko na makita ang ama ko.
Gusto ko ring itanong kung gising na ba 'yong dalawa, o kung umalis na sila pero hindi ko ginawa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang sarili ko na magtanong tungkol kay Qino o tungkol sa kanilang dalawa ni Irah.
"Oh, you know your Dad. He is a dedicated worker," aniya. "Kumain ka na diyan."
"Kayo po kumain na? Ikaw, Ya?" Lumakad ako palapit sa lamesa at dinampot ang tinidor. Kumuha ako ng isang hotdog saka kumagat.
"I had coffee," sagot ni mommy.
"Nagkape na rin ako." Si Yaya. "Gusto mo ba ng kape? O gatas?"
"Ako na po magtitimpla." Inilagay ko sa plato ang hotdog na kinagatan ko. Nang makapagtimpla na ako ng kape ay umupo ako sa harapan ng lamesa.
Naging abala naman si mommy at yaya sa pag-uusap kung ano ang kakainin namin mamayang lunch. Wala na yata silang maisip na iluto.
Inabala ko rin ang sarili ko sa pagsi-cell phone habang nagkakape. Binuksan ko ang social media account ko at bumungad sa news feed ang bagong profile picture ni Rianne. Naalala ko na hindi pa pala nila alam na nandito na ako.
Binuksan ko ang camera ng phone at sinet sa front cam. Inayos ko ang buhok ko at bahagyang inusog ang upuan para siguradong makukuha rin sina mommy at yaya. Sinend ko iyon kay Rianne pagkatapos. Hindi man siya online sa mga sandaling ito ngunit alam kong makikita naman niya iyon.
Natatawa kong ipinagpatuloy ang pag-scroll sa news feed habang humihigop sa kape. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Rianne kapag nakita niya iyong sinend ko.
"Kumain ka na, Kuya. Sabayan mo na ang kapatid mo."
Napahinto ako sa pag-scroll at napatingin sa taong naglalakad palapit kay mommy. Saglit naman itong sumulyap ng tingin sa akin, at hindi na niya inulit pa.
So, nandito pa siya? Wala ba siyang trabaho ngayon? Hindi siya nakabihis, eh. Nakapambahay lang siya. O masyado pang maaga? Eh, si Irah kaya... nasaan?
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako sa entrance ng kusina. Baka tulog pa si Irah at ayaw siyang istorbohin ni Qino.
Itinuon ko ang atensyon ko sa cell phone nang umupo si Qino sa tabi ko. At hindi ko alam kung bakit kumakabog na naman ang dibdib ko! Dahil ba sa kape na iniinom ko? Hindi pa nga nauubos, nagpa-palpitate na ako! Gosh!
Umalis naman si mommy sa kusina para silipin si Dom sa kwarto nila. Tahimik namang kumain si Qino. Para ring wala ako dito sa tabi niya ngayon. Siguro ay hindi na talaga ako welcome dito para sa kanya. Wala lang siyang magawa dahil kina mommy at daddy.
"Si Irah nga pala, Qino? Ba't hindi mo pa ginising? Para makapag-almusal na rin," pahayag ni Yaya. "Wala ka palang trabaho ngayon?"
Pinanatili kong naka-focus ang atensyon ko sa cell phone ko. Ngunit iyong mga tenga ko ay mayroong ibang agenda ngayon.
"She didn't sleep here, Ya. Hinatid ko rin siya kagabi," sagot ni Qino at ang hula ko ay nakangiti siya. "Sa site ako ngayon. Aalis ako mamayang 11."
Hindi ako tumigil sa kaka-scroll. Hindi ko na nga maayos na natitingnan ang mga nasa newsfeed ko. Mas nangingibabaw iyong interest kong makinig sa usapan dito. At hindi ko alam kung bakit!
"Ah, hinatid mo rin? Akala ko dito mo na siya pinatulog. Ang lakas ng ulan kagabi, eh," wika pa ni Yaya.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Qino. Pinigilan kong mapalingon sa kanya sa pamamagitan ng pagkuha ko sa mug. Dahan-dahan akong humigop sa kape.
"Nope," ani Qino sa natatawa pa ring tinig.
Lihim akong napangiti sa narinig ko kahit hindi naman dapat. At bago pa mapansin iyon ng katabi ko, tumayo na ako at inilagay sa lababo ang ginamit kong baso kahit na mayroon pa iyong laman.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila. Ni hindi na rin ako uminom ng tubig. Nakasalubong ko si mommy na pabalik na ng kusina habang patungo ako sa kwarto.
May naramdaman akong mga yabag mula sa likuran kaya lumingon ako. Akala ko noong una ay si mommy, pero bigla akong napahinto sa gulat nang makita si Qino.
Nakahinto rin ito at halata ang kaseryosohan sa buong mukha na dahilan para kumabog nang husto ang dibdib ko.
"Why did you come back?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
May kung anong humampas sa dibdib ko. Hindi ko inasahan iyong tanong niyang iyon. Tama ba ako sa hinala ko na hindi na ako welcome dito para sa kanya?
"U-uh..." nangapa ako ng salita na pwedeng isagot do'n sa tanong niya pero wala akong maisip.
Napalunok ako nang humakbang ito palapit sa akin.
"Why now? You told me you never want to come back here. And you always refused when mom's asking you to go back here. So bakit ka bumalik ngayon?" May halong galit, panunumbat, at disappointment ang tono ng boses niya.
Parang nilalamutak ang puso ko habang nakatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko mahanap ang tamang rason kung bakit nga ba ako bumalik dito. Bakit nga ba? Bakit hindi ko pinanindigan? Hindi ko alam.
"B-because..." nilunok ko ang takot. "Because I missed mom and dad. I missed Dom... I missed our cousins..." and you. I missed you. Pero hindi ko sasabihin sa'yo.
Ngumisi ito sa akin saka humalukipkip. Nakuha pa niyang ihilig ang braso niya sa pader.
"And how about me? Didn't you miss me?"
Umawang ang bibig ko at saglit na natulala dahil sa tanong niya. Pero sa hitsura niya, mukha lang siyang nang-aasar... nang-iinsulto. Nandoon pa rin iyong ngisi niya at galit sa mga mata.
Muli akong lumunok at mahinang tumikhim dahil nanuyo ang lalamunan ko.
"Of course I-I missed... you," halos pabulong kong sagot dahil nakaramdam ako ng hiya. "Kahit na mukhang... hindi na ako welcome dito... para sa'yo." Tipid akong ngumiti.
"Do you want me to throw a big welcome-back party for you? Just to prove myself to you that you're still f*****g welcome here? Huh?" Nang-iinsulto niyang sabi habang nakataas ang dalawang kilay.
Kinagat ko ang ibabang labi ko saka umiling. Gusto ko na ring umalis sa harapan niya ngunit hindi ko magawang ikilos ang mga paa ko. Hindi ba niya alam na nasasaktan ako na ganito siya sa akin ngayon?
Umayos ito sa pagkakatayo at sandaling pumikit. Ibinulsa niya ang mga kamay niya sa suot niyang sweatpants. Narinig ko rin ang paghugot niya ng isang malalim na hininga.
"And don't worry, baby... I missed you, too," usal nito na lalong nagpakabog sa dibdib ko.
Inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. At kahit gustong-gusto kong umiwas, hindi ako makakilos.
"As upset and as angry as I am, I still f*****g miss you," he said through gritted teeth. "Do you know how f*****g pathetic that makes me feel?" He licked his bottom lip and started walking towards his room.