Ilang segundo kaming nakatitig sa isa't isa. Ako na tinitimbang sa utak ko iyong sinabi niya, habang siya naman ay sinusuri ang reaksyon ng mukha ko. Kung wala pang bumusinang sasakyan sa likuran, wala siyang balak na bawiin ang tingin niya sa akin. Nakuha pa niyang ngumiti. Umiling ako sa sarili nang umandar na muli ang sasakyan. Gusto ko ring patigilin ang puso ko sa malakas na pagkabog nito. Hindi na dapat ako makaramdam ng ganito dahil lang sa sinabi niya. Hindi tama 'yong ganito. "You are crazy," saad ko habang masamang nakatingin sa kanya. Masaydo siguro talagang napuruhan ang ulo niya noong na-aksidente siya kaya parang hindi na niya iniisip pa ang mga salitang lalabas mula sa bibig niya. "Maybe I am." Lumingon ito sa akin gamit ang seryosong mukha. "The years without you did ma