It has been four days since I got back here in the province. At parang nakikita ko pa rin ang malungkot na mukha ni Daddy, Mommy, at Dom nang sunduin ako ni Dada. Halata sa kanila na ayaw nila akong paalisin, ngunit wala na silang nagawa dahil sinabi ko na rin sa tatay ko na wala namang naging tanong kung bakit bigla akong nagpapasundo. Pinag-usapan rin nila ang tungkol sa birthday ko at doon sa plano nila. Nakiusap pa si Mommy kay Dada na pumayag siya. Wala namang problema kay Dada iyon, at natuwa pa siya sa plano nila para sa akin. Hindi ko na rin nakausap si Qino bago ako umalis. Ilang beses ko siyang binalak na kausapin ngunit nanatiling balak na lang iyon dahil ilag na ilag siya sa akin. Isa rin siguro sa hindi niya matanggap ay iyong kailangang makiusap ng mga magulang niya dahil l