Chapter 12

2254 Words

Pabalik-balik ako ng lakad sa sala dahil sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman ko. Minu-minuto rin ang tingin ko sa phone na hawak ko dahil baka may text na ulit si Rianne o kahit sino sa kanila. Madaling araw pa lang ay tumawag na siya sa akin kanina upang ipaalam na paalis na sila doon. Hindi na nga ako nakatulog pagkatapos no'n dahil tinakasan na ako ng antok. Nakausap rin sila ni Dada kahapon at sinabing huwag na silang mag-book ng hotel dahil pwede naman silang lahat dito. May dalawang guest rooms naman kami dito na ipinaayos na ni Dada para sa kanila. Maaga rin kaming namalengke para ipaghanda sila ng makakain. Parang may fiesta nga dito dahil ang daming ipinapaluto ni Dada ngayon para sa kanila. "Tumawag na ba sila kung nasaan na sila ngayon?" Lumingon ako sa may hagdan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD