Make them stop talking about how much Matteo likes you in front of my parents or I will make them leave this freaking house! Inis kong kinamot ang kilay ko dahil sa text na 'yon ni Qino. Pagkatapos ko siyang babaan ng phone ay nagawa pa talaga niyang mag-text ng gano'n! Hindi ko na masundan ang usapan ng mga kasama ko dito dahil sa kanya. Ano ba ang magagawa niya kung gusto nila iyong pag-usapan? Hindi ba siya pwedeng umarte muna saglit na wala iyon sa kanya? Bakit ba apektadong-apektado siya? At saka, bakit ba hindi niya irespeto 'tong mga bisita ko? As if naman mapipigilan ko ang mga 'to sa mga gusto nilang sabihin! Alangan namang sawayin ko sila? Sigawan dito sa harapan ng mga magulang ko para lang manahimik sila? Hindi ba't nakakahiya iyon? Inis kong kinagat ang ibabang labi ko at