"Happy birthday, Aisla!" "Happy birthday, girl!" Mabilis akong lumingon sa likuran dahil sa halos sabay na tinig na bumati sa akin. Malapad akong napangiti nang makita si Cherry at Layla. May pareho pa silang bitbit na regalo para sa akin na kaagad nilang inabot. "Thank you, girls! And thanks for coming!" Pareho ko silang niyakap. Nag-excuse na rin ako sa mga kausap ko kanina para sila namang dalawa ang ma-entertain ko. Hindi ko na sila na-imbitahan noong nagkita-kita kami sa Seventh dahil biglaan ang pag-uwi namin ni Qino kaya pinasabi ko na lang ang tungkol dito kay Rianne. "Where's Rianne and Ivette?" Iginala ni Cherry ang paningin sa buong paligid. "Grabe, ang dami mong mga bisita! Parang debut mo 'to, ah?" Humalakhak ako saka umiling. "Hindi ko rin alam na ganito pala ang plano