Ilang saglit na hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan si Fiona. Mataman niyang pinagmasdan ang Alice na tinukoy ni Lilia. Hindi niya pa napigilan ang kanyang sarili na palakbayin ang kanyang paningin sa kabuuan nito. Alice was a tall lady with a slim waist. Maganda ito at may maamong mukha. Her skin was suntanned, something that was opposite to her. Kung gaano siya kaputi ay kabaliktaran naman nito. Alice's skin was of a natural Filipina. "Ikaw nga, Lilia," nakangiti pa nitong sabi sa dalagang katabi niya. "Dalaginding ka pa lang nang huli tayong magkita." Isang alanganing ngiti lamang ang itinugon dito ni Lilia saka siya tinapunan din ng tingin. Alam niya na naiilang ito dahil sa pagtatagpo nilang iyon ni Alice. She can't blame her. Ang alam nito ay kasintahan siya ng Kuya Randall nit