CHAPTER 24

2366 Words

"Fiona..." Ang akmang pagsara ni Fiona ng pinto ng kanyang silid ay mabilis na nahinto nang marinig niya ang pagtawag na iyon ni Randall. Mag-aalas nueve na iyon ng gabi at balak na sana niyang pumasok ng silid upang magpahinga na. "What?" malamig niyang saad sabay harap sa binata. Nasa loob na siya ng silid at ang binata ay nalingunan niyang nasa may entrada ng pintuan. Kanina pa sila tapos maghapunan at malamang ay papasok na rin sa silid na inookupa nito si Randall nang tawagin siya. Kunot-noong pinagmasdan siya nito dahil sa kalamigan ng pakikitungo niya. Sadyang itinukod pa ng binata ang isang kamay nito sa may hamba ng pintuan bago muling nagsalita. "Nagagalit ka ba?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Fiona let out a lazy sigh. "Iyon lang ba ang itatanong mo kaya ka nandiyan?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD