CHAPTER 3

2275 Words
CHAPTER 3 Hindi maitago ang pagkagulat ni Fiona nang masilayan ang mukha ng lalaking pumasok sa opisinang kinaroroonan niya. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa kung saan siya nakapwesto habang ang mga mata ay mataman na nakatunghay sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nakabungguan niya kagabi sa may entrada ng bar. Ito ang lalaking nakarinig sa usapan nila ni Marvin. At ito rin ang lalaking nanghusga sa kanya na ginamit niya lamang si Marvin para magkaroon pa ng maraming proyekto bilang isang modelo at endorser. Napatayo siya nang tuwid. "You were the man last night," she said. It was more of a statement than a question. Kaya ito naroon sa bar ay upang bantayan siya. Hindi ba at iyon ang sabi ng kanyang Kuya Lucas? Na nakasunod ito sa kanya upang masiguro ang kaligtasan niya? Kaya hindi na kataka-taka kung bakit nasa malapit lang ito nang nag-uusap sila ni Marvin. And that was the reason why he heard everything that they were talking about. Hindi sumagot sa kanya ang binata. Nakatayo lamang ito sa harap ng kanyang mesa, blangko ang mukha at ni hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan. "Ikaw din ang lalaking nakamotorsiklong nakabuntot sa kotse ko kagabi, hindi ba?" usisa niya pa dito kahit alam na rin naman niya ang sagot. "Ako nga," tipid nitong saad sa kanya. "Randall. Randall Mondejar. Sa Triple Security---" "I know," putol niya sa mga sinasabi nito. "Nabanggit na sa akin ni Kuya Lucas." Nagkibit lamang ito ng mga balikat at hindi nagbigay ng ano mang komento. Dahil sa pananahimik nito ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I will talk this out with Kuya Lucas. I just---" "Kung ang pakikipag-usap mo sa kapatid mo ay para hingin na huwag nang magkaroon ng bodyguard ay magsasayang ka lang ng oras, Miss Olvidares," matatag nitong wika sa kanya. "Bayad na ang serbisyo ko sa iyo sa loob ng ilang buwan hanggang sa bumalik ng bansa ang pamilya mo." She lost for words for a moment. That was exactly what she was thinking a while ago. Nang makausap niya si Lucas kanina at nabanggit nito ang tungkol sa pagkakaroon niya ng bodyguard ay balak na lamang niyang umayon sa nais nito. Alam naman niya na ang ginawa ng kanyang kapatid ay para din sa sarili niyang kapakanan. Ngunit nagbago ang isipan niya nang makilala niya kung sino ang bodyguard na kinuha nito. This was the man who insulted her last night. Nagbigay na ito ng konklusyon sa narinig na usapan nila ni Marvin kahit hindi naman nito alam kung ano ang totoo. Ni hindi pa siya nito kilala nang lubusan para sabihin na ginamit lamang niya si Marvin para sa pansariling interes. At kung papayag man siyang magkaroon ng bodyguard ay hihilingin niya sa kanyang Kuya Lucas na hindi ang lalaking ito. She hates a judgemental person. Pero bago pa man niya matapos ang nais sabihin dito ay nahulaan na agad ng binata ang nasa isipan niya. Ganoon ba siya ka-transparent para mabasa nito ang tumatakbo sa isipan niya? "You know what, Mr. Mondejar," saad niya dito. "Hindi ko talaga gusto ng may bodyguard. I hate the idea that there would be someone who would follow me anywhere I go. Wala lang ako nagawa dahil gusto ng pamilya ko. And---" "The perks of being a billionaire's daughter," singit nito dahilan para matigilan siya sa pagsasalita. Halos maulanigan niya pa ang pang-aasar sa tinig nito. "Karaniwan naman ay ganoon. Hindi ho ba, Miss Olvidares? If you are rich, you are required to have a bodyguard." "Bagay na hindi ko gusto," susog niya dito. "At ikaw na rin ang nagsabi, I am a billionaire's daughter," sarkastiko niya pang saad. Hindi niya maiwasang mainis sa sinabi nito kanina. "Kung nabayaran ka na ng kapatid ko, then keep the money. I can pay you more just stop following me." Ang seryosong ekspresyon nito ay mas dumilim pa dahil sa mga sinabi niya. May kung ilang saglit na nakatitig lamang ito sa kanyang mukha bago tumikwas ang isang sulok ng labi para sa isang nang-uuyam na ngiti. "Kapatid mo ang kumuha ng serbisyo ko sa Triple Security Agency, Miss Olvidares. So technically, siya ang boss ko at hindi ikaw. Ang utos niya lang ang susundin ko at hindi ikaw. And your brother paid me to follow you anywhere you go. I am just doing my job." "S-So, what now? You will really follow me anywhere I go?" inis niyang wika dito. Hindi niya pa alam kung alin talaga ang kinainisan niya--- ang malaman na ito ang bodyguard niya o ang uri ng pakikipag-usap nito sa kanya? Why, the man was so rude while talking to her! "Well, that is part of my job," anito sa kanya. "Ang gusto ni Mr. Olvidares ay siguraduhin na ligtas ka saan man magpunta," dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang kanyang kapatid. Saglit na natahimik si Fiona. Isipin pa lang na makakasama niya ito saan man siya magpunta ay sumasalungat na ang isipan niya. There was something on him that made her disapprove by that idea. She does not like him. Siguro dahil sa unang pagkakataon pa lang na nagkatagpo sila ay hindi na maganda ang paghaharap nila ni Randall. And to think na kilala na siya nito kagabi pa lang, na siya ang binabantayan nito, pero pinagsalitaan pa rin siya nito nang ganoon sa bar. Hindi ba dapat ay magalang ito makipag-usap sa kanya sapagkat siya ang kliyente nito? Kapatid niya ang kumuha ng serbisyo nito! Akmang ibubuka niya pa ang kanyang bibig para sana ay magsalita pa nang makarinig na siya ng ilang mahihinang katok mula sa labas. Agad na nabaling doon ang kanyang mga mata kasabay ng pagbigay niya ng hudyat na pumasok ang sino mang kumakatok. It was Irene. Magalang nitong ipinaalala sa kanya ang meeting niya sa catering services na kinuha nila ni Aleya para sa pagdiriwang ng kanilang foundation. Nagpaabiso ang empleyado na naroon na ang taong kakausapin niya. Hindi na rin iba ang may-ari ng catering services sa kanya. It was owned by Samuel, her friend since their college days. Kagabi bago siya umuwi ay napag-usapan na nila ang tungkol sa paghaharap nila ngayon. Dapat ay kasama nila si Aleya dahil sa katulong niya ito sa pag-aasikaso ng foundation ngunit nagpauna nang magsabi si Aleya sa kanya na hindi ito makakapunta dahil sa may mas mahalagang gagawin. Nang makaalis na si Irene ay agad na rin pumihit patalikod si Randall. "I am just around, Miss Olvidares. Good morning." Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang likuran nito. Drat the man! Pilit niyang iwinaksi ang ibang bagay sa kanyang isipan. Ilang minuto lang pagkalabas ni Randall ay siya namang pagpasok ni Samuel. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang humarap sa kanya. "Who was that man?" nagtataka nitong sabi sa kanya. Nanghihinang napaupo na lamang siyang muli sa kanyang swivel chair bago ito sinagot. "My bodyguard. Kinuha ni Kuya Lucas para bantayan ako." "Bodyguard? Do you really need one?" anito sa kanya. "Hindi ba't nakakulong na ang mga dumukot sa iyong ama?" "I can't blame Kuya Lucas. You know how protective he is to me." Nagkibit na lamang ng mga balikat si Samuel saka iniba na ang kanilang paksa. "Anyway, natanggap ko ang mensahe mo na hindi makararating si Aleya. Tayo lang ba ang mag-uusap?" Tumango lang siya dito. "Then, let us go to our restaurant instead. Para naman makita mo na ang mga pagkain na ihahanda namin sa anniversary ninyo. Free taste, friend." Saglit niyang nakalimutan ang inis na nadarama para kay Randall at napabulalas ng tawa dahil sa mga sinabi nito. Samuel was a good friend of her. Alam nito na mahilig talaga siyang kumain. Bagay iyon na hindi alam ng karamihan. Kaya nga sa mga bago niyang kakilala ay hindi na nawawala ang pagtataka sa tuwing nalalaman na malakas siyang kumain. Ni hindi man lang raw iyon halata sa kanyang katawan. Hindi niya rin alam kung bakit. Siguro ay labis lang siyang pinagpala ng magandang metabolism kaya kahit anong kain niya ay hindi nasisira ang kanyang katawan. Though, lagi niya naman sinisiguro na alaga siya sa ehersisyo sa tuwina. Disiplina pa rin naman ang kaakibat niya lagi para hindi masira ang magandang hubog ng kanyang katawan. In the end, Fiona agreed to Samuel. Tama naman ito na mas maiging nasa harap nila ang mga pagkain habang nag-uusap kumpara sa sasabihin lamang nito ang pangalan ng mga putahe. Sa ganoon ay madali siyang makapipili ng kung ano ang mga ipahahanda sa anniversary party ng foundation. Kung iisipin pa ay maaari niya na lamang sana iyon iutos sa kanilang empleyado sa foundation. But Fiona wanted to be hands-on for the event. Gusto niyang personal na asikasuhin ang lahat. Magkapanabay na silang lumabas ni Samuel para magtungo sa restaurant nito. Sa may pasilyo pa lang ay nakita niya na si Randall na abala sa pakikipag-usap sa ilang empleyado nila. Hindi niya pa maiwasan ang pag-angat ng kanyang isang kilay dahil doon. Their employees looked so fond of him. Nakangiti pa ang dalawang babaeng empleyado habang nakikinig sa kung ano man ang sinasabi ng binata. If she was not mistaken, there was an admiration on their employees' eyes. Siguro dahil sa magandang lalaki si Randall. Hindi naman siya bulag para hindi makita iyon. Idagdag pa roon ang matikas nitong pangangatawan na sadyang kapansin-pansin dito. Ngunit alam ba ng mga empleyado nila kung gaano ito kabastos makipag-usap? The man was vibrating with rudeness, for goodness' sake! Nang mapansin siya ni Randall ay agad itong nagpaalam sa kanilang mga empleyado. Hindi niya pa maiwasang sitahin ito nang makalapit sa kanya. "It is office hours, Mr. Mondejar. Hindi mo dapat iniistorbo ang mga empleyado sa mga trabaho nila." Hindi ito tumugon. Nagkibit lamang ito ng mga balikat na wari ba ay balewala lamang ang pagtataray niya. "Aalis kayo?" tanong nito sa halip. "Ako si Samuel Vergara," saad naman ni Samuel sabay abot ng kamay nito sa binata. Tinanggap naman ni Randall ang pakikipagkamay nito. "Pag-aari ko ang restaurant na kinuha nina Fiona para sa catering. Papunta kami roon para makapili siya ng mga pagkain na ihahada sa anibersaryo ng kanilang foundation." "Let's go," saad niya na kay Samuel. Hindi niya alam kung bakit pa nito kailangan na magpaliwanag sa kanyang bodyguard. Nagpatiuna na siya sa paglalakad kasunod si Samuel. Ramdam niya rin ang maagap na paghabol ni Randall sa kanila. Pagkarating sa may parking lot ay agad na nagsalita ang kanyang bodyguard. "Mr. Vergara," tawag nito kay Samuel. "Sa akin sasabay si Miss Olvidares." Marahas siyang napalingon dito. Ni hindi man lang ito nagtanong. What he said was a firm statement, not even asking for their opinions. Bago pa man niya ito mapagsabihan ay nagsalita na si Samuel. "Of course. Naiintindihan ko naman," saad ng kaibigan niya. "Kita na lang tayo sa restaurant, Fiona." Humakbang na si Samuel patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito bago niya pa matawag. Ang totoo ay hindi naman talaga siya sasabay sa kotse nito. She would bring her own car, of course. Iyon ang plano niya upang hindi na kailanganin pa ni Samuel na ihatid siya pabalik sa OMC pagkatapos ng kanilang meeting. Ngunit ang impertinente niyang bodyguard ay agad nang nakialam sa kanya! "You don't have to do that," wika niya dito. "Talagang hindi naman ako sasabay kay Samuel. I will use my own car." "No, Miss Olvidares. Sa akin ka na sasabay," mariin nitong sabi. "Are you out of your mind? Sa motorsiklo mo ako pasasakayin?" Randall's lips curved in an amused smile. Kung makatingin pa ito sa kanya ay wari siyang isang batang hindi makuha ang gusto. "Para sa ikapapanatag mo, Miss Olvidares, dala ko ang sasakyan ko. Iyon ang gagamitin natin." Agad na sumunod ang tingin niya sa hinayon ng mga mata nito. Isang lumang Sedan ang nakita niyang nilapitan nito. "Sakay na, Miss Olvidares," udyok nito sa kanya. "I said I will use my car, Mr. Mondejar. I know how to drive and---" "Hindi ko pinagdududahan ang kakayahan mo sa pagmaneho. Pero ngayong alam mo nang may bodyguard ka ay sa akin ka na sasabay saan ka man pumunta. By that, hindi na ako mahihirapan na sundan ka pa. Now get in, Miss Olvidares." "You---" "O gusto mong huwag na matuloy sa pakikipag-usap kay Mr. Vergara?" "Why, you are so rude!" naiirita niyang sabi sabay lakad na palapit sa sasakyan nito. Hindi niya pa maitago ang pagkayamot sa kanyang mukha. Humakbang na siya patungo sa Sedan nito at agad nang inabot ang handle ng pinto sa may backseat. Bago niya pa man iyon mabuksan ay agad na siyang natigilan dahil sa muli nitong pagsalita. "Hindi ka diyan sasakay," saad ni Randall. "Excuse me?" naiirita niyang sabi dito. Kasasabi lang nito na ang kotse nito ang gagamitin nila, tapos hindi siya roon sasakay? Hindi ito umimik, sa halip ay itinuro na lamang ang pinto ng passenger's seat. "What do you mean?" nagtataka niyang sabi dito. "I am your bodyguard, Miss Olvidares. Hindi driver. Sa harap ka maupo." "What the--- Inuutusan mo ba ako?!" bulalas niya dito. "How can you be so impertinent?" "Ang dami nating sinasayang na oras dahil lang sa usapang ito, Fiona Olvidares. Sumakay ka na kung gusto mo pang umalis." "Damn you!" she hissed inwardly. Kung narinig man nito ang sinabi niya ay wala siyang pakialam. Padabog na siyang umikot patungo sa may passenger's seat. Inabot niya ang handle ng pinto saka iyon binuksan. Nang makasakay na siya sa loob ay saka lamang din pumasok sa may driver's seat si Randall. Damn this man, really. Ni hindi nga pinagkaabalahan na pagbuksan man lang siya ng pinto ng sasakyan nito. How rude!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD