Mariin na ipinikit ni Fiona ang kanyang mga mata at mas ibinaon pa ang kanyang mukha sa malaking unan. Hindi niya pa nais na magising ngunit ang tunog ng teleponong nasa bedside table niya ay patuloy lang na gumagambala sa mahimbing niyang pagtulog.
Hindi niya alam kung anong oras na ngunit kung pagbabasehan ang papasikat pa lang na liwanag mula sa terasa ng kanyang kwarto ay nasisiguro niyang maaga pa.
Bandang huli ay naupo na siya sa kama bago inabot ang telepono at sinagot ang tawag.
"Hello," bungad niya sa halos inaantok pang tinig.
"Fiona," anito ng baritonong tinig mula sa kabilang linya. Isang salita pa lang ang binibigkas nito ngunit nakilala na agad ni Fiona ang nagmamay-ari niyon.
"Kuya Lucas," wika niya kasabay ng pag-ayos ng kanyang pagkakaupo. Isinandal niya pa ang kanyang likuran sa headboard ng kanyang kama. "K-Kumusta kayo nina Mama at Papa?"
"Maayos kami dito, Fiona. Bukas ay naka-schedule si papa na magpatingin ulit sa doktor," sagot nito sa kanya. Kahit papaano ay masaya siyang marinig na maayos lang ang mga ito. "How about you? Kumusta ang lakad mo kagabi?"
"I-I am fine here, kuya. You do not have to worry. Katulad ng paalam ko sa iyo, maaga akong umuwi kagabi."
What she said was true. Totoo namang maaga pa rin siyang nakauwi kagabi dahil na rin sa pagkatapos ng pag-uusap nila ni Marvin ay nagpaalam na nga siya sa kanyang mga kaibigan na uuwi na. Nagtaka pa ang mga ito ngunit idinahilan niya na lang na kailangan niyang magtungo sa kanilang kompanya ngayong araw para asikasuhin ang ilang gawain. Bagay iyon na totoo naman. Talagang pupunta siya sa OMC mayamaya lang.
"I know, Fiona," mayamaya ay narinig niyang sambit ng kanyang kapatid.
"You know what?" nagtatakang usisa niya dito.
"Alam ko na maaga kang nakauwi kagabi."
"H-How did you know?"
Hindi maiwasan ang pagdikit ng kanyang mga kilay dahil sa mga tinuran nito. Yes, maaga pa siyang nakauwi kagabi kumpara sa mga gabing umuuwi siya mula sa ilang pictorial at fashion shows na kanyang dinadaluhan pero wala siyang maalala na tumawag o nagpadala siya ng mensahe sa kanyang kapatid na nakauwi na siya.
Pagkadating kasi sa bahay kagabi ay agad na siyang naglinis ng kanyang katawan at natulog. Hindi niya pa kasi maiwasang mainis sa pagkakaalala ng naging takbo ng usapan nila ni Marvin. Hindi mawala sa kanyang isipan ang wari ay panunumbat nito sa kanya, na sadyang ginamit niya lang ang proyektong ibinigay nito sa kanya para mas magkaroon ng marami pang proyekto.
Kasabay niyon ay hindi niya rin maiwasang mainis sa estrangherong lalaking nakausap niya pagkatapos niya makaharap si Marvin. He judged her. Hindi naman sila magkakilala pero kung magsalita ito ay waring alam ang lahat ng nangyari.
Puno ng ganoong kaisipan ang utak niya kagabi hanggang sa tuluyan na lamang siyang hilain ng antok na sadyang napabilis pa dahil na rin sa tulong ng alak na nainom niya kasama ang kanyang mga kaibigan.
"We have been here for one week now, Fiona," saad pa ng kanyang Kuya Lucas na pumutol sa takbo ng isipan niya. "Despite that, I am very updated with your whereabouts. You can't blame me. After what happened to Papa, gusto ko lang masiguro ang kaligtasan mo."
"W-Wait..." awat niya sa pagsasalita nito. "What do you mean, Kuya, that you are updated with my whereabouts?"
She heard him heaved out a deep sigh from the other line. "I got you a bodyguard, Fiona. I just want---"
"What?!" putol niya sa mga sasabihin pa sana nito kasabay ng pagtuwid sa kanyang pagkakaupo. "You got me what, Kuya?"
"Hindi ko gagawin iyon kung kasama ka sana namin ngayon, Fiona. But you chose to stay in the Philippines. Naiintindihan ko dahil kailangan mong tapusin ang fashion show na nakakontrata sa iyo. Idagdag pa na nariyan ka rin para sa OMC. So I just decided to get you a bodyguard to ensure your safety."
Tuluyang bumangon si Fiona mula sa kanyang kama. Nawala rin lahat ng antok na nadarama niya kanina matapos niyang marinig ang lahat ng sinabi ng kanyang kapatid.
"W-What are you saying, Kuya Lucas? Who bodyguard are you talking about?"
"Hindi ko na sinabi sa iyo dahil alam kong hindi ka papayag. Ang gusto ko lang naman ay ang masiguro ang kaligtasan mo, ang may titingin sa iyo saan ka man magpunta. So, I hire someone from Triple Security Agency to look over you."
Ang Triple Security Agency na tinutukoy nito ay ang security company na pag-aari ng kaibigang matalik ng kanilang ama, si Ronniel Certeza. Isa itong dating pulis na nang magretiro ay nagpasya na lamang na magtayo ng sariling security company katulong ang mga dating kasamahan sa serbisyo.
Katunayan ay ninong ito ng kanyang kapatid kaya hindi na siya magtataka kung bakit madali para dito ang makapag-hire ng isa sa mga protection agent ng nasabing kompanya.
"Y-You mean, may kinuha kang maging bodyguard ko? And this man was following me since you hired him?" hindi makapaniwalang saad niya dito.
"Yes," sagot ni Lucas sa seryosong tinig. "Actually, he was also at the bar last night to check on you and to make sure that you will go home safe. Sa kanya ko nalaman kung anong oras ka nakauwi kagabi."
Last night? Nasa bar din kagabi ang tinutukoy nitong bodyguard?
Bigla ay napaisip si Fiona nang marinig ang mga sinabi nito. Bigla ding bumalik sa isipan niya ang motorsiklong nakabuntot sa kotse niya kagabi, patungo pa lamang siya sa bar upang katagpuin ang kanyang mga kaibigan. Kaya pala kahit binigyan na niya ito ng pagkakataon na mauna sa kotse niya ay hindi ito umabante. Mas pinili nitong manatili sa bandang likuran ng kanyang sasakyan at hinayaan na nakasunod lamang sa kanya.
Halos kabahan pa siya kagabi sa pag-iisip na baka masamang tao iyong nakasunod sa kanya. Pangamba iyon na nawala din naman sapagkat hindi na niya ito napansin pa pagkarating niya sa bar.
Kung nasa bar ito ay bakit hindi man lang nagpakilala sa kanya? Utos ba iyon ng kanyang kapatid? Bakit hindi niya man lang napansin ang motorsiklo nito kahit sa may parking lot ng bar na pinuntahan niya?
"M-May I know who is this bodyguard that you got for me, Kuya Lucas?" saad niya dito pagkalipas ng ilang saglit.
"Now that you know about it, mas maigi na rin nga na makilala mo na siya. Sa ganoon ay hindi na mahihirapan pa si Randall na sundan ka. He can easily go wherever you go."
"Randall?" Sa haba ng mga sinabi ng kanyang kapatid ay hindi nakaligtas sa kanya ang pangalan na binanggit nito.
"Yes. He is Randall, Fiona. Randall Mondejar."
*****
TULOY-TULOY na naglakad si Fiona patungo sa opisinang inookupa ng kanyang Kuya Lucas sa Olvidares Manufacturing Corporation. Pansamantalang opisina iyon ng kanyang kapatid habang naghihintay na ipasa dito ang posisyon ng kanilang ama. Once Lucas became the CEO of their company, he will occupy their father's office.
At ngayon na siya ang nag-aasikaso sa OMC habang wala ang kanyang pamilya ay sa pansamantalang opisina ni Lucas siya naglalagi. Doon siya dumiretso pagkarating niya pa lang sa gusali.
Halos gumagawa pa ng ingay ang takong ng suot niyang sandals habang naglalakad. Ang bawat empleyadong nakakasalubong niya ay magalang na bumabati sa kanya na malugod naman niyang ginagantihan ng ngiti.
Kasunod niya sa pagpasok ng opisina si Irene, matagal nang empleyado ng OMC.
"Good morning, Ma'am Fiona," bati pa nito sa kanya. Katulad kanina ay isang ngiti lang din ang ibinalik niya sa dalaga habang inilalapag ang kanyang shoulder bag sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Narito na po ang plano para sa gaganaping anniversary ng The Child's Love Foundation," dagdag pa ni Irene bago inabot sa kanya ang isang folder.
Kinuha niya iyon at agad na binuklat upang pasadahan ng basa. Ang The Child's Love Foundation ay binuo niya katulong ang pinsan niyang sina Aleya at Gael. Katunayan ay maging ang kanyang Kuya Lucas ay tumulong din sa pagbuo ng organisasyon na iyon. Ngunit dahil sa mas abala sina Gael at Lucas sa kompanya ay sila ni Aleya ang mas humahawak ng lahat tungkol sa foundation.
Ang The Child's Love Foundation ay tumutulong sa mga batang ulila na o inabandona ng mga magulang. Sa ngayon ay marami-rami na ang batang tinutulungan nila kumpara nang kakaumpisa pa lang niyon.
At tatlong taon na ang foundation nila sa susunod na linggo. Balak niya at ni Aleya na magsagawa ng isang pagdiriwang kasama ang mga batang sponsored ng nasabing organisasyon. Iyon din ang isa sa mga rason kung bakit hindi siya nakasama sa kanyang pamilya sa pag-alis ng bansa.
"Did you send a copy of this to Aleya?" tanong niya kay Irene.
"Yes, ma'am," tipid nitong turan. Nang magplano sila ni Aleya tungkol sa pagdiriwang na iyon ay kasama nila si Irene upang tulungan sila sa pag-iisip ng mga gagawing aktibidad. "Ma'am, do I have to cancel your appointment with the catering---"
"Hindi na, Irene," saad niya dito sa malumanay na tinig kahit hindi pa man tapos ang pagsasalita nito.
"P-Pero ang sabi niyo po ay may meeting kayo ngayon with someone?"
"Yes, pero hindi naman iyon magtatagal. I just need to meet someone," wika niya sabay tingin ng oras sa relong nasa bisig niya. "Malamang parating na iyon kaya hindi na kailangan i-cancel ang appointment natin para sa catering services."
Matapos nga ng pag-uusap niya at ng kanyang Kuya Lucas kaninang bandang alas-singko ng umaga ay nagpasya itong ipakilala siya sa bodyguard na kinuha nito para sa kanya. Halos hindi pa siya makapaniwala na talagang ginawa iyon ng kanyang kapatid.
Sa loob ng ilang araw ay may tao na palang laging nakasunod sa kanya saan man siya magpunta. Ni wala man lang siyang ideya na ginawa iyon ni Lucas. Though, she was so thankful to him. Alam naman niya na ginagawa lamang iyon nito para sa kanyang kaligtasan.
Kaya nang malaman niya kanina ang tungkol sa pagkuha nito ng bodyguard para bantayan siya ay nagpasya ang kanyang kapatid na magkita na sila ng protection agent na nagmula pa mismo sa security company ng ninong nito.
Ang Kuya Lucas niya na raw ang bahalang mag-abiso kay Randall, ang kanyang bodyguard, na magkita sila nang araw na iyon. Madali lang para sa kanila ni Randall ang magtagpo sa kanilang bahay. Ayon naman sa kanyang kapatid ay nasa paligid lang si Randall at nakabantay sa kanya. Kung paano nitong nababantayan siya maging sa gabi ay hindi niya alam.
But she insisted for them to talk at OMC. Kailangan niya kasing maagang pumasok sa kompanya dahil na rin sa meeting niya sa catering services na kinuha nila ni Aleya para sa anibersaryo ng The Child's Love.
Tulad naman ng imporma sa kanya ni Lucas ay alam niyang laging nakasunod sa kanya si Randall. Baka nga sa mga oras na iyon ay nasa solar na rin ito ng OMC at mayamaya lang ay aakyat na sa kanyang opisina para makipag-usap sa kanya.
Her brother called her again a while ago. Nasabihan na raw nito si Randall at alam nitong naghihintay na siya.
She did not wait for long. Matapos niya nga makausap si Irene ay nagpaalam na rin agad ito sa kanya. Ilang saglit lang ang lumipas nang bumalik din ito agad upang ipaalam na may taong naghahanap sa kanya.
Hindi na siya magtataka kung bakit madali para may Randall na makapasok ng OMC. She was so sure that her brother informed their receptionist and secretary about his appointment with her.
Nang magbigay siya ng hudyat kay Irene na papasukin na ang bodyguard na kinuha ng kanyang kapatid ay isinara niya ang folder na naglalaman ng ilang dokumentong inuumpisahan na niya sanang basahin.
Narinig niya ang pagbukas at muling pagsara ng pinto kasabay ng pagpasok ng isang bulto habang nakayuko pa siya sa kanyang mesa. Nakahanda na rin ang isang ngiti sa kanyang mga labi nang mag-angat ng ulo upang sana ay batiin ang bagong dating.
Ngunit ang akma niyang pagngiti ay agad din na napigil nang masilayan niya ang mukha ng lalaking bagong dating sa kanilang opisina.
"Magandang umaga, Miss Olvidares," bati nito sa kanya sa seryosong tinig.
"I-Ikaw?!"