Kinuyom ko ang aking mga palad habang nakatitig sa kagubatan ng Majica. Hindi pa rin ako makapaniwala na tapos na ang aking misyon dito. Ngunit tila ba nakalimutan ko ang tunay na dahilan ng paglalakbay na ito dahil sa galit na ngayon ay lumalason sa akinh puso’t isip. “Tumawag ka ng Ligaya, Niyebe,” walang emosyong saad ko. “Elex…” mahinang saad ni Niyebe. “Tumawag ka ng Ligaya!” mariing saad ko naman. Malungkot na inilabas ni Niyebe ang kanyang maliit na bansi habang nasa kaliwang balikat ko siya at agad na pinatugtog iyon. Ang nakakahalinang musika ay hindi na kagaya ng dati. Kahit pa pareho ang tono ay tila ba wala itong buhay. Marahil ay dahil nalulungkot si Niyebe sa aking ginawa. Ni hindi ko man lang siya magawang tignan dahil batid ko na mag-aalala lamang ako sa itim na enerhi